Chapter 31

218 6 2
                                    

Chapter 31

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Wala akong ginawa buong araw kundi ang matulog. Gabi na at ni isang text o tawag ay wala pa rin akong natanggap kay Haed. Kahit ni anino niya ay hindi ko makita. Pinigilan ko na ang sarili kong umasa sa kan'ya.

"Ayos na ako." pagsisinungaling ko kay Gerwen na nasa kabilang linya.

Sa totoo lang ay mas lalong lumala ang bigat ng pakiramdam ko. Kapag natutulog ako ay agad ding magigising dahil baka ay dumating na si Haed pero wala naman. Ilang beses akong umasa sa araw na 'to... at ako lang din naman ang nakakasakit sa sarili ko.

May mga pinapadalang gamot at pagkain si Gerwen sa condo ko, iniinom ko naman ang gamot pero parang wala 'yong epekto sa akin. Gusto kong papuntahin si Gerwen dito para man lang may makasama ako pero ayaw kong maka-istorbo lalo na at may girlfriend na siya. I don't want to ruin their relationship just because of me.

Hindi ako pinayagan ni Gerwen na magtrabaho kinabukasan hanggang sa hindi pa ako totally maging ayos. Hindi rin naman ako namilit pa dahil pakiramdam ko rin ay nawawalan ako ng malay kapag pinilit ko ang sariling magtrabaho.

Tumunog ang cellphone ko na nasa kama habang nakahiga ako. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa nang makitang si Haed 'yon at parang gusto kong saksakin ang sarili ko nang maramdaman 'yon.

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Amaria, I'm sorry about yesterday. Hindi ako nakapunta dahil sinubukan ulit ni Shiela na saktan ang sarili niya nang akma akong aalis. Hindi ako nakapag-text o tawag sa 'yo na hindi ako matutuloy dahil naging abala ako kay Shiela. I'm sorry. Please, forgive me..." ramdam ko ang takot sa boses niya.

Parang sinuntok ang puso ko. "Uh... a-ayos lang, Haed. Naintindihan ko naman."

He sighed heavily. "Amaria, I have to tell you something about it. Gusto kong puntahan ka d'yan at harap harapan kong sabihin sa 'yo but I can't. Kung iiwan ko siya ay sasaktan niya ulit ang sarili niya. Damn it. It was my fault."

Kumabog ang puso ko sa biglaang kaba. "A-Anong sasabihin mo?"

"I..." rinig ko ang pagtikhim niya. "I got... her pregnant before, Amaria. S-She was pregnant that time while we were together back then." nanginginig ang labi niyang sabi.

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Parang sinuntok ng milyon milyong kamao ang dibdib ko at nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat.

"N-Nalaman ko lang ilang araw simula no'ng umalis ka. I swear, I was using a protection that time. Inamin niya sa akin na... na may butas 'yong condom. Sinadya niyang butasan 'yon. Hindi ako nagdala ng condom sa mga oras na 'yon dahil hindi ko naman inaasahan habang siya naman ay may dalang condom no'n at 'yon ang ginamit namin-"

Nabitawan ng nanghihina kong kamay ang cellphone dahilan para bumagsak 'yon sa kama. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kanina pa. Nagsimula nang umikot ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Nagising ako dahil sa amoy ng hospital. Agad na bumungad sa akin ang puting ilaw at kisame sa ibabaw ko. I looked around the room at nagulat ako nang mabilis na lumapit si Gerwen sa akin.

"Amaria! Thank God, you're awake!" parang siyang nakahinga ng maluwag ay nag-sign of cross pa.

Kumunot ang noo ko at bumangon. "Anong nangyari-" natigilan ako nang namataan ko ang kapatid ko at ang girlfriend ni Gerwen na nakataas ang kilay sa akin.

Ano bang problema niya sa akin?

"I went to your condo when you didn't answer my call because I was worried! Naka-lock ang condo mo kaya humingi ako ng spare key. Nakita kita sa kuwarto mo at nakahinga ako ng maluwag pero nang gisingin kita ay hindi ka gumising kaya nag-panic ako at dinala ka rito sa hospital! Oh God, what happened to you?" pagdadaldal ni Gerwen habang nag-aalala pa rin sa akin.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now