Chapter 16
"Kuya, n-nasaan tayo?"
Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala at maraming iniisip. Halos makalimutan nga ko na nasa tricycle pa pala ako! Hindi ako familiar sa lugar. Tahimik. Maraming puno. Nakakatakot.
Nanlamig ako nang maalalang hindi pa pala tinanong ni Kuyang driver ang address ko. Nilingon ko siya at sinabi 'yon pero hindi pa rin siya nagsalita. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
"M-Mali po ang daan, Kuya. Naliligaw po ba tayo?" sinubukan kong pakalmahin ang sarili pero mas lalo lang atang lumala ang kabang nararamdaman ko.
Nilingon ko ang driver na nakangisi habang nasa daan ang paningin. Napalunok ako dahil nakakatakot ang ngisi niya. Kumabog ang puso ko. Nilabas ko ang cellphone sa bulsa pero nagulat ako nang hablutin niya 'yon.
"Kuya, cellphone ko 'yan! Akin na!" sigaw ko at nanginginig na sa takot.
Hininto niya ang tricycle at nilagay sa bulsa ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang lingunin niya ako at mas lalong ngumisi. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
"A-Anong ginagawa mo?"
Hindi ko alam ang gagawin ko!
Sinubukan kong lumabas ng tricycle pero napatili ako habang hawakan niya ang braso ko nang mahigpit at hindi ako hinayaang makalabas. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko sa takot.
"B-Bitawan mo ako!" sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. "Bitawan mo sabi ako, e!"
Napatili ulit ako nang hilain niya ang braso ko palapit sa kan'ya. Umatras ako pero konti pa lang ang inatras ko nang wala na akong maatrasan. Paulit ulit akong nagpumiglas lalo na no'ng siya ang lumapit sa akin.
"Ano ba! Lumayo ka! Bitawan mo ako!" namamaos kong sigaw. "Tulong!"
Alam kong imposibleng may makakatulong sa akin dito dahil walang katao tao ang lugar at wala kang ibang makikita kundi ang mga puno lamang pero sinubukan ko parin at tahimik na nagdadasal.
Nanindig ang mga balahibo ko nang amuyin niya ang kamay ko. Hinila ko ang sarili palabas ng tricycle habang hinihila niya naman ako pabalik. Humawak ako sa gilid ng tricycle para makakuha ng lakas.
Patuloy pa rin ako sa pag-sigaw at hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko. Nanginginig na ang buo kong katawan. Sobrang nakakatakot ang itsura niya, ang ngisi niya ay hindi mawala wala.
Sinubukan ko pa ring magpumiglas at pinagsasampal siya pero hindi siya natinag. Mabilis kong inilapat sa bibig ko ang kamay niyang nakawakan sa akin at malakas na kinagat 'yon dahilan para malakas siyang napasigaw at napabitaw sa akin.
Mabilis akong lumabas at tumakbo pabalik kung saan kami dumaan. Rinig ko ang pagsigaw niya at alam kong nakasunod siya sa akin. Mas bumilis ang pagtakbo ko pero hindi ko inaasahan ang pagkatapilok ko at napadapa sa sahig.
Sinubukan kong tumayo agad pero bago ko pa man magawa ay may humila na ng buhok ko at pinaharap ako sa kan'ya. He held my hands and pinned it above me. Inupuan niya ang pus-on ko. Gumalaw ako ng gumalaw, pilit siyang pinapaalis sa ibabaw ko. He started kissing my neck at sobrang pandidiri na ang nararamdaman ko para sa sarili ko. Sinubukan kong sumigaw pero nawalan na ako ng lakas dahil sa pag iyak ko.
"Fuck!" I heard someone cursed.
Dilat na dilat ang mga mata ko nang may humila sa lalaking nasa ibabaw ko at sinuntok 'yon. Mabilis akong bangon at umatras habang nanatili akong nakaupo sa kalsada.
Haed looked so scary right now. Galit na galit niyang pinagsusuntok ang lalaki na mukhang wala ng lakas dahil sa pagsuntok sa kan'ya ni Haed. Feeling ko ay mapapatay siya ni Haed.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...