Chapter 12
"Huy, manonood ka ba ng laro sa susunod na araw?"
Nauna akong dumating keysa kay Sam sa school ay iyan agad ang tanong niya sa akin pagkarating niya. Ti-next ako ni Shan at inanyayahan niya akong manood ng laro nila sa susunod na araw. He's the captain of their team. At isa pa ay ka-team niya rin ang kapatid ko.
"Oo manonood ako."
Simula no'ng in-excuse ako ni Haed no'ng isang araw ay hindi na kami nagkita o nagka-usap kinabukasan. Ni hindi nga siya nag-text sa akin kahit isang beses. Itutuloy niya pa rin ba ang plano niyang panaluhin ang puso ko? O aatras na siya?
Kinabahan ako bigla sa hindi malamang dahilan. No'ng gabi na 'yon ay tumawag pa naman siya sa akin no'n, tinatanong kung ano raw ang gusto kong ipagawa sa kan'ya. I told him that I will think about it. Kinabukasan no'n ay hindi na kami nagkita rito sa school, ni hindi siya nag-text o tumawag sa akin.
Ano na, Haed? Hindi mo na ba itutuloy ang plano mo? Ang... plano niyong magpipinsan?
At kahapon rin ay inamin ni Sam sa akin na may napapagitan sa kanila ng kapatid ko. Nakakainis nga dahil kaibigan niya ako pero nagawa niya pa ring maglihim sa akin. Pero nang sinabi niya ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi kaagad sa akin ay nawala lahat ng inis ko.
Hindi ko akalain na magkaka-oras si Ander sa mga ganito. At mas lalong hindi ko inaakala na magkakagusto siya sa babaeng kinaiinisan niya! From hate to love, huh? Pero hindi na rin ako magtataka kung bakit nagustuhan ng kapatid ko si Sam. Maganda, sexy, matalino at lagi siyang kinukulit. Minsan mabait si Sam pero minsan rin ay hindi, depende na rin 'yan sa mga taong nakapaligid sa kan'ya.
"Haed!"
Sabay sabay kaming napabaling kay Clari dahil sa tawag niyang 'yon. Mabilis akong lumingon sa pinto ay agad na kumabog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ni Haed.
Anong ginagawa niya rito?
Lahat ng mga kaklase ko ay natuon ang atensyon sa kan'ya. Natigilan lamang ako nang tumayo si Clari at mabilis na lumapit kay Haed na nasa pintuan. Nakaramdam ako bigla ng disappointment. Akala ko kasi...
"Hala, sila na ba?"
"Naks, ang sweet ah. Nami-miss ko tuloy puntahan ng boyfriend sa classroom."
"Hindi na no'ng nakaraan, si Amaria ang pinuntahan niya rito? In-excuse pa nga sa professor, 'di ba? Ano kayang nangyari?"
"Baka may kailangan lang si Haed sa kan'ya at dinahilan na rin para makita si Clarianna. Omg, nakakakilig! Mas bagay silang dalawa!"
"Support rin ako sa kanila! Hashtag ClarDeus!"
"Nakita ko rin sila kahapon, magkasama sila! Galing ata sa date. Shocks."
Parang may tumutusok sa puso ko dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaklase. Sinaway pa nga sila ni Sam pero pinigilan ko agad si Sam dahil baka magkagulo na naman.
At anong ibig sabihin nilang magkasama si Clari at Haed kahapon? Naalala kong absent si Clari kahapon at hindi ko rin nakita si Haed. Ibig sabihin ba ay... magkasama silang dalawa?
"Potangina, akala ko ba nililigawan ka ni Haed?" iritadong bulong ni Sam sa akin.
Hindi ako nakapagsalita at bumaling agad sa pinto kung nasaan silang dalawa. Natigilan ako nang nilingon ako ni Haed galing kay Clari na may sinasabi sa kan'ya habang nakangiti. Hindi ko naman naririnig ang mga sinasabi ni Clari dahil sa ingay ng mga kaklase namin.
"At tsaka nga pala, Haed, salamat kahapon. Nag-enjoy talaga ako ng sobra!"
Umiwas ako ng tingin sa kanila at binaling nalang 'yon sa bintana na nasa gilid ko. Sa parteng 'yon na sinabi ni Clari ay sinadya niyang lakasan ang boses niya habang pasulyap sulyap sa akin. Napalunok ako nang maramdaman kong parang pinipiga ang puso ko. So, totoo talagang magkasama sila? Pero bakit... bakit niya itinatanggi sa akin 'yon?
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...