Chapter 28
"Omg! Gulat ako do'n, ah!"
Napahawak pa si Gerwen sa kan'yang dibdib kung nasaan ang puso niya habang habol habol ang hininga na para bang kakagaling niya lang sa pagtakbo. Ikinuwento ko sa kan'ya ang nangyari kagabi simula no'ng pag-iwan niya sa akin hanggang kaninang umaga. Nasabi ko rin sa kan'ya na ex ko si Haed at gusto niya akong ligawan ulit.
"Oa mo naman masiyadong mag-react!" sinimangutan ko siya. "Oh, ikaw? Ayaw mo ba akong kuwentuhan sa nangyari kagabi? Sino 'yong humila sa 'yo?" bawi kong tanong sa kan'ya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at biglang sumeryoso ang mukha. "She's nothing. Let's not talk about it."
Namilog ang mga mata ko sa sobrang seryoso niya.
"Ang daya mo naman! Nagkuwento na nga ako sa 'yo tapos ayaw mo pang ikuwento sa akin 'yon? Bakit?!"
He sighed. "She's... my ex-girlfriend." aniya nang hindi pa rin ako nililingon.
"Oh?" napataas ang isang kilay ko. "May naging girlfriend ka pala?" tawa ko.
Sinimangutan niya ako. "Sa guwapo kong 'to? Impossibleng wala akong naging girlfriend 'no!" aniya. "Pero seryoso, pumayag ka talagang ligawan no'n? He caused you trauma!"
Napairap ako. "Anong magagawa ko? Hindi niya sasabihin sa akin ang mga gamit ko kapag hindi ako pumayag! Nasa kotse ko lang naman pala ang gamit ko. Bwesit!" naiinis kong ani.
Akmang magsasalita siya nang biglang may kumatok sa opisina ko kung nasaan kami ngayon. Agad din naman 'yong bumukas at napapukunot ang noo ko nang makita ang assistant ko na may hawak na bouquet of tulips.
"Good morning, Architect Smith and Architect Romero." she greeted as she walked towards us. "Architect Smith, may nagpadala po ng bulaklak sa inyo." sabay abot niya ng bouquet of tulips sa akin.
Nagkatinginan kami ni Gerwen at nakita kong napataas ang kilay niya. Inirapan ko lang siya at tinanggap ang tulips.
"Saan galing?" tanong ko kahit may ideya na ako kung kanino galing 'to.
"Delivery boy po ang naghatid, Architect. Walang sinabi na pangalan pero sabi niya po ay may letter raw po d'yan." magalang niyang ani.
Agad kong nakita ang letter na sinabi niya. Nagpaalam din naman siya pagkatapos kaya naiwan ulit kami ni Gerwen.
"I already had an idea who it was from." I heard him say.
Hindi ko siya pinansin at binasa na ang letter na nakalagay roon.
'See you later, my love. I'm gonna fetch you and you can't say no. I love you.
-HJ Salvatore.'
Nanlaki ang mga mata ko pero agad ding napairap. Parang kiniliti ang puso ko dahil sa tatlong salitang 'yon. Shit!
"Kilig yarn?" pinaningkitan ako ng mata ni Gerwen.
Agad na nawala ang ngiti ko sa mga labi na hindi ko man lang namalayan na nakangiti na pala ako! At nahuli pa talaga ako ni Gerwen!
Uminit ang pisngi ko at umirap para maitago ang totoong nararamdaman. "Hindi ako kinikilig. Natawa lang ako dahil sa pangit ng sulat niya." pagdadahilan ko kahit hindi naman pangit ang sulat kamay ni Haed.
Oh God. What did he do to me to feel this way?
Sinubukan kong mag-focus sa t-in-rabaho ko pero hindi ako mapakali kakaisip sa mangyayari mamaya. Susunduin ako ni Haed at hindi ko alam kung bakit! May kotse naman ako!
Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kakaisip kung tatanggihan ko ba si Haed mamaya o hindi. Kung tatanggihan ko siya, ano naman ang irarason ko? Na kaya kong umuwi mag-isa dahil may kotse ako? O magtagal-tagalan na lang kaya ako rito sa opisina at sabihing marami pa akong tatrabahuin? Mag-aantay pa rin kaya siya?
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...