Chapter 15

193 4 1
                                    

Chapter 15

"What do you think you're doing, huh?!"

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Walang arte niyang inalis ang mga pagkain sa ulo at katawan ko dahilan para madumihan na rin ang mga kamay niya. Nag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Oh please, Ana. Huwag ka nang mangialam dito." ani Shiela.

Hindi siya pinansin ni Anastasha at patuloy pa rin sa paglinis sa akin. Kumuha siya ng tissue sa bag niya at nilinisan ang kamay niya gamit 'yon bago ulit siya kumuha ng tissue. This time, sa akin niya na nilinis 'yon.

"I'm sorry for what they did-"

"Anastasha, ano ba!"

"Amaria!" rinig kong sigaw ng kung sino sino.

Nagulat ako nang biglang sinugod ni Sam si Shiela. Naghiyawan ang mga estudyante habang ako naman ay nanigas sa kinatatayuan. Napasinghap si Anastasha sa nangyari.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kaibigan ko, ha?!" sigaw ni Sam habang naghihilaan sila ng buhok ni Shiela.

"Sam, stop it! Sam!" pinigilan siya ng kapatid ko.

Dumating si Mason at Shan at agad na tumulong sa pag-awat sa dalawa. Tinulungan ni Shan ang kaibigan ni Shiela na awatin si Shiela habang si Mason at Ander naman ang umaawat sa kaibigan ko.

"Stop it, you two!" Mason yelled with an angry voice.

Napabitaw ang dalawa at masama ang tingin sa isa't-isa. Habol habol nila ang kanilang hininga.

"What happened- Amaria!"

Dumating si Haed at dumiretso sa akin nang makita ang itsura ko. Akmang hahawakan niya ang braso ko nang buong pwersa ko siyang itinulak palayo sa akin at tinignan ng masama. Napaatras siya sa ginawa ko at muntik nang matumba pero agad siyang napabalanse. Napasinghap sa gulat ang lahat dahil sa ginawa ko.

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan niyong tatlo 'to!" sigaw ko at hindi maiwasang pangilidan ng luha sa sobrang galit na nararamdaman. "Dahil ito sa plano niyong tatlo na paglaruan at pagpustahan ako kaya nangyayari ang lahat ng 'to! Pati kaibigan ko nadadamay na sa kagaguhan niyo!"

Tumahimik ang lahat. Ang iba ay nagulat sa sinabi ko habang ang iba ay tahimik lang na nakamasid. Umiwas ng tingin si Shan sa akin nang magtama ang paningin namin dalawa. Nanikip ang dibdib ko.

"How did you know about that?" si Shiela ang unang nagsalita nang makabawi sa gulat.

"Ako." it's Anastasha. "At narinig ko rin ang plano mong sabihin kay Amaria ang rason kung bakit lumapit ang tatlo sa kan'ya. Kaya inunahan na kitang sabihin sa kan'ya." she gave her a smile like it's not a big deal.

"You bitch-" akmang susugurin siya ni Shiela pero nanatiling nakahawak si Shan at kaibigan niya sa kan'ya.

"You all are so unfair!" I continued and my tears started to fall down to my cheeks. "A-Ako ang biktima dito pero bakit... bakit ako pa ang nagmumukhang masama? Bakit pabor na pabor ang lahat sa tatlong 'yan?! Dahil ba gwapo? Mayaman? Tangina naman!" sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.

Sobrang sikip ng dibdib ko at nahihirapan na rin akong huminga. Nanatili silang tahimik.

"Ako ang pinaglaruan... ako ang pinagpustahan... ako ang biktima... pero hindi niyo 'yon nakikita kasi nagbubulag-bulagan kayo. Kung sino pa 'yong naging biktima siya pa ang nagiging masama. At kung sino pa 'yong masama, do'n pa kayo humahanga."

"Amaria, I-I am sorry..."

I looked at Shan because of what he said. He was looking straight to my eyes. I can see sincerity in it and how regretful he was. Pero walang nagbago sa nararamdaman ko.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now