Chapter 17

190 5 0
                                    

WARNING: R18

Chapter 17

"At bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko sa 'yo kanina?! Nasaan ka ba ngayon?! Alam kong magkasama kayo ni Haed, pero nasaan kayo?!"

Iyan agad ang diretsong bungad sa akin ni Sam nang sagutin niya ang tawag ko. No'ng una ay nagulat pa ako dahil malakas ang boses niya at baka mapagalitan siya ng professor pero agad din akong kumalma nang makita ang oras. Break time na pala ngayon.

"I'm in his condo-"

"What?!" she exclaimed. "Chismosa! H'wag niyo nga akong tignan ng gan'yan!"

"You're so loud! Can you lower down your voice?!" I heard Clari's voice.

"Pake mo?" mataray na ani ni Sam. "Anong ginagawa mo d'yan sa condo ni Haed, Amaria?"

Hindi ko alam kung sinadya bang lakasan ni Sam ang boses niya.

"What the hell?" rinig ko ang pagsinghap ni Clari sa kabilang linya. "You're kidding, right?"

Rinig ko ang matunog na pagngisi ni Sam. "Well, I'm not." aniya. "Pero ano ngang ginagawa mo d'yan? Paano na mamaya? Wala akong kasamang mag-walis!" reklamo niya.

Napapikit ako sa inis. Oo nga pala!

Bumuntong hininga ako. "Uhm... Pasensya na, may nangyari kasi kanina kaya-"

"Bakit anong nangyari? Sabihin mo! May nangyari ba sa in-"

"Sam, ano ba!" putol ko sa kan'ya. "Mali 'yang iniisip mo! At pwede bang hinaan mo ang boses mo? Mahiya ka nga!" napairap ako. "Basta, ikukwento ko mamaya. Punta ka ng bahay, okay? At... ano... hindi muna kita masasamahan maglinis-"

"Oo na! Oo na!"

Nagpaalam na ako sa kan'ya at pinatay ang tawag bago ako lumabas ulit ng kwarto. Nando'n pa rin si Haed na abala sa cellphone niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinago ang cellphone.

"Hindi ka pa tapos kumain?" gulat kong tanong sa kan'ya nang mapansin na marami pang laman ng pagkain ang pinggan niya.

He shook his head. "I was waiting for you so we could eat and finish together." he smirked.

Uminit ang pisngi ko at napairap nalang sa kan'ya. I heard him chuckled because of that before I sat down.

"So... how's your call with your bestfriend?" he asked as we start eating again.

I shrugged. "Ayos lang. Nagtanong lang kung nasaan ako."

"Then?" he raised a brow at me and sipped his juice.

"Sinabi kong... nandito ako sa ano... sa condo mo." binaba ko ang tingin ko sa pagkain. "And Clari heard it from Sam..."

"Tss. What's with her? Her again?" he said with a hint of annoyance in his voice.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa pagkain. Nang matapos kami ay niligpit ko na ang pinagkainan namin.

"Ako na. You should take a rest." pigil niya sa akin.

Umiling ako. "Alam ko ang ganitong gawain, Haed, kaya ako na."

"I know how to wash dishes, Amaria, so let me do the rest and don't argue with me in this."

Wala akong magawa kundi ang tumango. Iniwan ko siya sa kusina. Balak ko sanang bumalik doon sa kwarto pero naisipan ko munang maglibot sa malaking condo unit niya.

Lumapit ako sa mga picture frame na naroon sa sala. There was three picture frames in there. Tinignan ko 'yon at agad na nakilala ang nasa litrato. It was Haed and Heaven, the wallpaper in Haed's phone. The second frame is I think, the whole family? I'm not sure. They were five in the picture frame. Haed, Heaven, a man I think he's Haed's brother, and their mother and father.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now