Chapter 3

226 4 0
                                    

Chapter 3

"Sa'n ka galing? And why you are with that Shan Salvatore, huh?!"

Inirapan ko lang ang kapatid ko na bumungad sa 'kin pagkapasok ko palang ng bahay. Pagod ako dahil sa date namin ni Shan tapos bubungad pa itong masungit kong kapatid!

"Ander, hayaan mo na 'yang Ate mo. Para ka namang nakakatandang kapatid sa kan'ya." ani Mama na naka-upo sa sofa. "Oh, anak. Kamusta ang date? Masaya ba? Anong nangyari? Magkwento ka naman!" sunod-sunod na tanong ni Mama.

Nagmano ako sa kan'ya at kay Papa na nanonood ng balita.

"Ayos lang naman, Ma. Bukas na ako magkukwento, pagod kasi ako."

"Pagod ka? Bakit? Anong ginagawa niyong dalawa?" parang galit na singit ng kapatid ko.

Pagod ko siyang tinignan. "Kung ano mang iniisip mo, itigil mo na 'yan. Maliligo lang ako." I kissed his cheek bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko at ni-lock.

Paulit-ulit namang kumakatok ang kapatid ko sa pinto ng kwarto ko at sobrang daming sinasabi pero binalewala ko nalang at napairap.

Napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina sa date namin ni Shan. Sobrang saya namin kanina. Pagkatapos naming kumain ay saktong dumating ang photographer na sinasabi niyang kaibigan niya at kinuhanan kami ng picture. Kinuhanan rin ako ng picture na ako lang mag-isa.

He gave us a copies of our pictures. Sobrang dami! Bibili ako ng album para rito! At magpapa-frame ako ng picture ko at i-d-display ko rito sa kwarto!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagulat ako kasi ang daming messages! One from unknown number, 5 messages from my bestfriend, 21 messages and 10 missed calls from my brother! So, kanina pa niya ako kinukontak? Naka-silent kasi phone ko at hindi ko rin napansin sa sobrang enjoy ko kanina.

Pagkatapos kasi naming kumain at magpicture picture kanina sa restaurant ay kung saan saan pa ako dinala ni Shan and the photographer was still following us! Kaya marami ang pictures na nakuha sa 'min.

Hindi ko na binuksan ang mga messages ng kapatid ko. I opened the texts from my bestfriend and read it.

Samantha:

Hey? How's ur date?

Samantha:

Update me pls! Hihi.

Samantha:

Where r u rn? R u that busy para hindi ako mareplyan? Huhu.

Samantha:

Wat time r u coming home ba? Call me after ur date ha?

Samantha:

Ur brother told me that i am so annoying daw huhu

I chuckled because of her texts. Nireplyan ko naman agad siya na tatawagan ko siya mamaya after kong maligo at iku-kwento ko sa kan'ya lahat.

Sunod kong binuksan ang unregistered number.

Unknown number:

hey, how's your date? Reply me if you're free or you got home. It's Haed.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at agad na ise-nave ang number ni Haed. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng reply sa kan'ya.

Me:

Slr. Just got home.

Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya para maligo.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ng pamilya ko para magsimba since every sunday naman kaming nagsisimba. Pagkatapos no'n ay kumain lang kami sa labas tulad ng dati. Family date kasi namin every sunday dahil wala kaming pasok at walang trabaho si Papa.

To Win My Heart (Salvatore Series #1)Where stories live. Discover now