Chapter 11
"Ate, gising! Ate! Ate! Ate!"
"Hmm?" ungol ko habang nakapikit parin ang mga mata.
Inaantok pa ako!
"Ate, wake up!"
"Ano ba, Ander?! Nakita mo namang natutulog pa ako, 'di ba?!" iritado kong sabi sa kan'ya.
"Haedeus is waiting for you outside!"
Mabilis akong napabangon sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata kong nilingon siya. Parang nawala ang antok ako.
"A-Ano?!"
Tinaasan ako ng kilay ni Ander. "Why is he here by the way?" masungit niyang tanong.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago ko siya inirapan. "Aba, malay ko!"
Ano nga naman palang ginawa ng lalaking 'yon dito?
"Go take a bath. You just have thirty minutes to fix yourself or else you'll gonna be late at school." tinalikuran niya ako.
Wait! Thirty minutes?!
Patalon akong umalis sa kama at kinuha ang uniporme at ang towel ko. Sa banyo nalang din ako magbibihis dahil nakakahiyang lumabas ng banyo na naka-towel lang at nand'yan pa naman si Haed!
Teka nga, ano ba kasing ginagawa nang lalaking 'yan dito? Hindi ko naman siya pinapunta, ah? At tsaka, bakit alam niya ang address ng bahay namin? Sinabi kaya ni Sam? O ni Shan?
Umiling nalang ako at lumabas nang kwarto. Agad kong nakita si Haed sa sofa habang naka-upo. Naglagay si Mama ng isang tasang kape sa coffee table, sa harap ni Haed.
Mabilis akong napaiwas ng tingin nang mapalingon si Haed sa gawi ko at mabilis ring naglakad papunta sa banyo. Shit! Nakakahiya ang itsura ko!
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo. He was still sitting there while looking at me. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung gaano siya kagwapo ngayon.
Naglakad ako palapit sa kan'ya at agad naman siyang tumayo at inayos ng kaonti ang damit niya. Binasa niya ang kan'yang labi at ningitian ako.
"Good morning."
Tinaasan ko siya nang kilay. "Anong ginagawa mo rito?" masungit kong tanong.
"Anak, kumain ka na." si Mama. "Pakainin mo na rin 'yang manliligaw mong gwapo." she giggled.
Nanlalaki ang matang nilingon ko si Mama sa kusina. Nakangiti niyang nilagyan ng pagkain ang plato ni Papa na busy sa pagbabasa ng dyaryo. Habang si Ander naman ang nakakunot ang noong nakatingin sa amin.
Binaling ko ang tingin ko kay Haed at ang gago ay nakangiti lamang sa akin!
"Gago ka ba?" saad ko. "Sinabi mo bang manliligaw kita?!" inis kong bulong sa kan'ya.
Mas lalo siyang ngumisi sa akin. "Totoo naman, ah?"
"AC, anak! Halina kayo rito." tawag ulit ni Mama.
Nilingon ko sila at umiling. "Hindi na kami kakain, Ma." nilingon ko ulit si Haed. "Marami pa kasi akong gagawin sa school. Bibili nalang ako ng sandwich."
"Pero, anak-"
"Aalis na po kami." putol ko kay Mama bago ako lumapit sa kanila.
I gave them kiss on their cheeks bago ko kinuha ang mga gamit ko at sinenyasan si Haed na sumunod na sa akin palabas at agad naman niyang ginawa pero bago 'yon ay magalang muna siyang nagpaalam sa pamilya ko.
"Ano bang ginagawa mo rito?!" galit kong tanong sa kan'ya pagkalabas namin ng bahay.
Sobrang aga palang pero ang dami na agad mga chismosang nakamasid sa amin. Isa na roon si Alyssa na kuryosong nakatingin sa amin. Maya maya niyan ay magtatanong na naman 'yan.
YOU ARE READING
To Win My Heart (Salvatore Series #1)
RomanceSALVATORE SERIES #1- COMPLETED Amaria Celestine Smith was just a simple student in their school and has only one bestfriend. When Haedeus Jhammer Salvatore came, he made her life chaotic. But something happened that she had never expect to happen. T...