Chapter 1 - Clarity

32.3K 805 79
                                    

Clarity's POV

"Julius dito!" Sigaw ko kay Julius habang nakataas ang dalawa kong kamay, para ipasa sa akin ang bola.

"Oy Lara guard mo si Julius! Mike si Clang!" Natatarantang sabi ni Baste sa dalawa niyang kakampi. Halos pumutok na 'yung ugat niya sa may leeg dahil sa pagsigaw niya.

Agad kong nasalo ang pag-pasa ni Julius sa akin ng bola. Hindi ko namalayan na nakabantay na pala agad si Mike sa akin. Shit, kailangan ko na matakasan si Mike. Nagisip ako sandali para makalusot kay Mike habang tinatalbog ang bola sa kamay ko.

Dribble

Dribble

Dribble between legs

Dribble

"Uy Mike si Cathy ba 'yun?!" Pang-uuto ko habang ngumuso sa likuran niya. At si tanga agad namang lumingon.

Chance ko na 'to! Agad akong akong tumakbo habang nagdidribble, ng makarating na ako malapit sa ring.

Lay-up! And.... Clarity scores again!

"Yoowwwn! Libre niyo GSM at yosi!" Mapangasar na sabi ni Edgar habang umakbay sa akin.

Nakita kong nakanguso si Mike, "Ang daya ni Clang eh! Wala, ang duga!" Angal ni Mike.

Napatawa ako ng malakas habang umakbay din kay Edgar, "Kasalanan ko bang tanga ka?" Sabay tawanan namin. Napakamot na lang ito sa ulo niya.

Pailing iling 'yung tatlong talo habang palabas na kami ng court. Si Julius at Lara ang pinaka-close ko sa lima. Si Lara naman ang girlfriend ni Julius, medyo boyish pareho ko pero si Lara mas maikli ang buhok niya sa akin. Ayoko kasi ng maikli ang buhok baka mapagkamalan akong lalaki, eh sa ganda kong 'to? Malayo din ang itsura ko sa kanila kahit lahat kami nakatira sa iisang barangay, morena at mga moreno kasi 'tong mga 'to. Ako naman, kahit anong tutok ko sa araw hindi ako umiitim, ewan ko nga eh. Sabi nila baka daw foreigner ang mga magulang ko. Nagkibit balikat na lang ako dahil masaya naman ako sa piling ng ate Malaya ko.

"Doon na lang tayo sa amin? Game kayo? Wala sila Nay at Tay eh umuwi ng probinsya." Si Lara habang nakayapos sa may bewang ni Julius. Si Julius naman panay chansing sa girlfriend niya. Eto talagang dalawang 'to kahit nasa public place kami walang tigil ang PDA.

Tumango na lang kaming lahat. Bumili muna kami ng yelo, paketa ng juice, ilang mga kutkutin para sa pulutan. Ng makarating na kami sa bahay ni Lara, inayos ni Edgar at Mike ang mga pinamili namin. Binuksan ko ang T.V. at itinapat sa ABS-CBN ang channel para makinig kung may good news ba. Kaso, wala namang good news. Kailan ba nagkaroon? Eh panay sa showbiz lang naman ang may good news o kaya naman may taxi driver na nagbalik ng wallet sa isa niyang pasahero. Ang gusto kong good news 'yung mag-bibigay ng pera si Manny Paquiao sa lahat ng Pilipino, 'yung tipong bibigyan kami ni Oprah Winfrey ng ferrari. Eh wala eh, kaming mga mahihirap walang napapala, kulang ang bigay ng gobyerno. Pailing iling akong sumunod kay Lara na nasa kusina nilang maliit. Maliit ang bahay nila Lara pero sobrang linis naman. Ika nga ng Eraserheads, bahay namin, maliit lamang.. Pero pero pero pero malinis 'to pati sa kusina. Pen pen pen de sarapen de kutsilyo de sarapen--

"Huy Clang! Anong nakain mo pa-sayaw sayaw ka diyan?" Na-wiwirdohang tanong sa akin ni Lara. May hawak hawak siyang bowl. Para siguro sa mani na binili namin.

Nginitian ko lang siya, "Akin na yan dalihin ko na doon, ikaw na bahala sa mga baso. Mua mua!" Sabay agaw ko sa bowl na hawak niya at takbo sa maliit na malinis nilang sala.

Maya maya ay lumabas na din si Lara na may dalang anim na baso at isang malaking pitsel. Nasa kalagitnaan kami ng pag-tatawanan ng maagaw ng T.V. ang atensyon ko.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon