Chapter 27

22.7K 673 139
                                    

Not edited, sorry sorry sorry! >:( May nagbabasa pa ba nito? Lol.


Clarity's POV


Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga kaganapan na nangyayari. Masyadong madrama naman itong mga Hierarchies na 'to. Bakit ba ako napasama dito?! Tapos hindi ko pa mahagilap si ate Malaya. Nasaan na kaya 'yung magaling kong kapatid? Pati si Nat nawawala rin.


Nakatanaw lang ako sa papalayong Dyosa ng biglang magsalita si Violet, "Oh my god Clang, pigilan mo si Sachiko!" Nagpapanic na sabi niya. "Francis help her!" Segunda pa ulit niya na tinutulak tulak 'yung isang kambal.


Napatingin ako kung nasaan si Sachi at nakita kong ni-wrewrestling na niya si Idol gamit gamit ang paa niya, alam kong nagaral ng Jujutsu 'tong babaeng ito. Nabanggit niya sa akin 'yon kasi nga tatay niya ay isang Yakuza kaya naman naturuan siya, "Ay shit!" Napamura ako sabay takbo papalabas, kasunod ko si Francis na halatang naiinis sa hindi ko malamang dahilan. "Sach tama na 'yan!" Pinilit kong hilahin si Sachi palayo kay Idol, ramdam na ramdam ko sa katawan ni Sachi ang galit. "Kalma naman Sach!" Hindi ko napigilan ang mapadaing sa katigasan ng ulo nito.


"Sachiko please stop!" Doon lang tumigil si Sachi sa pagwawala ng biglang sumigaw si Kennedy. Ayaw magpaawat tsk. Napatingin si Sachi sa kaniya, at napabitaw naman ako sa kaibigan ko ng bigla siyang yakapin ni Ken ng mahigpit. "Calm down please.." Tanging bulong ni Ken. Yumakap si Sachi pabalik habang nakapikit ng mariin ang mata nito.


Napabuntong hininga ako sabay hawak sa magkabilang tuhod ko, napagod ako do'n. "Grabe.." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko ma-take ang mga drama ngayong gabi. Sa totoo lang ang daming tumatakbo sa isip ko tungkol sa mga Hierarchies. Ang mga history nila sa isa't isa o sa mga tao.


"Ughh," Nakita ko si Idol Kurt na hirap na hirap tumayo, lumapit ako agad sa kaniya at tinanong kung ayos lang ba siya, "Okay lang ako Clang." Sumama ang tingin niya kay Sachi at Ken na magkayakap pa rin, "Baka naman gusto mong bitawan ang girlfriend ko Sachiko?" May pangungutyang sabi nito.


Umiling iling si Kennedy, "Kurt stop, we're over. Nakinig sana ako sa kanila." Pinupunasan niya 'yung mga luha ni Sachi. Hindi ko napansin na umiyak na pala 'tong isa.


"No!" Tinabig ako ni Idol Kurt, aray ko naman! Sabay akmang lalapit sa dalawa, pero humarang naman agad si Francis, "Bro umalis ka diyan, huwag kang mangialam dito." Nagtitimping sabi ni Idol sa kaniya.


Hindi naman nagpatinag si Francis, hindi ba siya natatakot sa itsura ngayon ni Idol Kurt? "I can't do that, sorry. And don't call me bro. Matagal na tayong hindi mag-bro, simula ng saktan mo ang--"


"Francis," Lumapit si Florence sa kanilang dalawa. Tinitigan ni Florence si Idol na may pangdidiri ang mukha, "Kurt Sebastian.. You haven't changed a bit."


---


Naabutan ko si Indie sa kwarto na hawak hawak ang pink niyang cellphone, nakapangtulog na rin siya, 'yung 'normal' niya daw na sinusuot tuwing matutulog na siya. Walang iba kundi ang sobrang ikling shorts at isang sleeveless top na may pagka translucent pa ang fabric. Tignan mo 'tong gaga na 'to nagpasiguro na sa sarili. "Indie, ang drama ng gabi na 'to. Tapos iniwan mo pa ako do'n!" Nagtatampo kong sabi sa kaniya. Humiga ako sa kama sabay nag-unat. Wala na akong pakialam kung hindi pa ako nakakapagpalit. Nakakapagod!

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon