Chapter 2

26.2K 652 59
                                    

Clarity's POV

"Clang bangon na,"

"5 minutes na lang 'te.." Ungol ko

"Mag-aalas otso na Clang." Ng marinig ko ang alas otso agad akong napadilat sabay tingin sa orasan namin na nakasabit sa may tapat lang ng higaan.

"Urghh 'te naman bakit ngayon mo lang ako ginising!" Reklamo ko. Nakita ko si ate Malaya na nagbabasa lang ng kung ano man 'yun. Seryoso kasi siya at parang walang pakialam sa mundo.

Tinignan ko maigi ang binabasa nito na para bang hindi pa ako late sa bigasan ni Aling Conchita. Matagal na akong tauhan ni Aling Conchita doon, ako ang taga-bantay ng bigasan niya, minsan whole day ako pagka-busy si Aling Conchi sa ibang bagay, minsan half-day naman kung nandoon siya. Medyo maliit ang bayad pero mas mabuti na 'yun kaysa sa wala diba?

Sinilip ko ang binabasa ni ate Malaya, "Malaya anak..--" 'Yun lang ang nabasa ko dahil biglang inilayo ni ate sa akin ang sulat. Napakunot naman ang noo ko, galing yata 'yun kay Tata Mando?

"'Te ano yan?"

Tinupi nito ang papel at bumuntong hininga, "Wala Clang, maligo ka na."

Nagkibit balikat na lang ako at naligo. Pa-kanta kanta pa ako habang nagsasabon ng katawan, ang presko talaga ng malamig na tubig sa umaga. Refreshing!

"Alis na ko 'te." Paalam ko kay ate Malaya, wala siguro siyang paglalabahan, nandito pa din kasi hanggang ngayon.

"Hindi ka na ba kakain? Baka magutom ka doon."

Kumuha ako ng ilang pandesal sa plastic bag na nasa may maliit naming lamesa. "Okay na 'to 'te." Sabay ngiti ko sa kaniya.

Napapailing na nakangiti si ate sa akin, "Magingat ka ha."

Tumango na lang ako at umalis na. Habang naglalakad ako ay biglang may yumakap sa likod ko.

"Clang I miss you." Jusko, kilala ko na kung sino 'to.

Pilit kong inalis ang nakayakap na mga kamay nito. "Rose Ann, tigilan mo nga ako umagang umaga." Walang gana kong sagot. Biwist! Umagang umaga may mangbwibwisit sa'yo.

Ngumuso siya sa akin, akala niya naman madadaan ako sa ganyan niya, kung dati oo pero ngayon hindi na. Si Rose Ann ang ex girlfriend ko, halos mag iisang taon din naging kami kaso sa kasamaang palad, nagpakatanga si ako, hindi ko alam dalawa pala kaming niloloko niya, pero mas pinili niya 'yung isa kasi mas tama daw 'yun, lalaki eh. Mukhang paa naman, ang daming tigyawat sa mukha, di ko alam kung anong nakita ni Rose Ann sa kaniya at niloko ako. Eh hamak na mas may itsura pa ako don! Hello? Mukha kaya akong foreigner! Sa mestiza kong 'to pinalit niya ako don? Ang mas nakakainis pa, kapitbahay lang namin siya, kaya noong mga araw na broken hearted ako at sila nung mukhang paa niyang kabit ay naglaladian, hindi ko mapigilan ang mainis. Alam din ni ate Malaya ang nangyari sa amin kaya inis na inis din siya kay Rose Ann. Kahit ang mga kaibigan ko pa.

"Clang sorry na, please Clang." Pagmamakaawa pa nito, ilang buwan na din niya akong kinukulit makipagbalikan sa kaniya. Natakot lang daw talaga siya noon sa nanay niya, kasi nga pareho kaming babae. Sus, kung mahal niya ako edi sana talagang pinaglaban niya ako. Maganda si Rose Ann kasi half American siya, kaso iniwan ng totoong tatay niya ang nanay niya. Kabit daw kasi, nabuntis lang daw kaya ayun. Mabuti na lang at mautak ang nanay niya, nagasawa ulit, kaya siya na ngayon ang asawa ng barangay Captain namin. Mabait naman ang kapitan namin kaya noong nalaman nila na babae din ang gusto ni Rose Ann, tinanggap nila. Kaya eto ngayon ako ang kinukulit palibhasa out of the closet na siya.

Tumingin ako sa paligid baka kasi nagiging teleserye na kami at may mga nanonood na ng kadramahan ni Rose Ann. Mabuti na lang wala pa gaanong tao sa may street namin.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon