Chapter 40

7.5K 245 357
                                    

Clarity's POV

"Ughhh." Nagising akong kumikirot ang sentido. "Ano bang nangyari? Nagwalwal ba ko?" Naguguluhang bulong ko sa sarili bago dahan-dahang bumangon paupo. Hindi ko mabuksan ang mga mata dahil sa sakit ng ulo na para akong may hangover.

"Good. You're awake."

Napadilat ako nang biglang may nagsalita. Doon ko lang napansin ang kinaroroonan. Wala ako sa dorm room. Nasa kwarto ako na masasabi ko ay maayos naman. Kahit tanging lampshades lang ang bukas ay mapapansin ang kasimplehan nito. Pero halatang pang-mayaman dahil sa mga kagamitan dito. Kahit ang kamang hinihigaan ko ngayon ay komportable sa pakiramdam. At mukhang air conditioned rin dahil sa ginaw na nararamdaman ko.

"Sino ka?! Ughhh ang sakit ng ulo ko potaaaa! May gamot ka ba sa sakit ng ulo? Pahingi nga." Daing ko sa kung sino ang nagsalita. Hindi ko talaga mainda ang kirot. Baka lang naman pwede niya akong bigyan ng gamot.

Lumiwanag ang buong kwarto kaya naman napapikit ako ng mariin.

Paunti-unti kong in-adjust ang mata ko sa liwanag. Nakita ko ang lalaking nakatayo sa may bandang paanan ko, nakapamulsa ito at seryosong pinagmamasdan ako.








"Josh?"


Hindi agad ito sumagot at nakipagtitigan lang sakin. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi sa BB park. Siya nga ang nakita kong may itinurok sa leeg ko.

"A-anong ibig sabihin nito?" Tatayo sana ako nang maramdaman na may bagay na nakakabit sa palapulsuhan ko. Tumingin ulit ako sa taong nakatayo, "Bakit ako nakaposas? Josh?!" Nagsisimula na akong kabahan. Pinilit ko pa itong hilahin. Sa gilid ng kama kasi ito nakakabit at may kahabaan ang chain. "Prank ba 'to? Hindi nakakatuwa ha!"

Lumapit ito sa gilid ng kama at umupo. Hindi naman ito kalakihan kaya hindi nalalayo ang pwesto namin.

"This is not a prank Clarity." Hinaplos nito ang pisngi ko na agad kong iniwas. "Huwag kang matakot sakin." Ngumiti pa ito pero may kakaiba sa kanya. Parang hindi siya iyong nakilala ko noon sa St. Silica.

"Paanong hindi matatakot eh pinosasan mo ako? Tanggalin mo 'to!" Pinilit ko ulit hilahin ang kadena baka sakaling matanggal at nang mahambalos ko itong lalaking 'to.

"I can't do that Clarity."

"At bakit hindi? Ano bang kailangan mo sakin?!" Napakuyom ang kamao ko. Pinilit ko itong 'wag masuntok. Abot ko pa naman ang mukha niya.

"Matagal na kitang gusto, Clarity." Biglang pagamin nito.

Natigilan ako saglit at napapikit-pikit pero agad din nakabawi.

"O eh ano naman? May girlfriend ako." Sira ulo ba siya? Manggagapos sa kama para umamin ng nararamdaman? Ibang klase ha! Nakakaturn-off!

Natawa ito ng mahina, "I know. But she's not here Clarity.." pinagapang nito ang isang kamay sa hita ko. Nakaramdam ako ng kilabot kaya agad ko itong iniwas sa kanya. Maikling shorts pa naman ang suot ko. Pero buti nalang ay suot ko pa rin ang hoodie ko.

"Josh, hindi mo ba kilala ang girlfriend ko? Ibibitin ka non patiwarik! Tsaka hindi tayo talo, dahil ayoko sa talong, labanos, pipino, upo o kung ano pang mahahaba! Lumayo ka sakin kung ayaw mong masapak Josh!" Banta ko. Never akong magiging tuwid! "At pwede ba? Nakakairita iyang panay Clarity mo sa huli ng mga sinasabi mo!" Kanina ko pa kasi napapansin na kada may sasabihin ito ay babanggitin rin ang pangalan ko.

Nakakainis marinig ang pangalan ko sa boses niya. Noon ay okay lang pero ngayon ay iba na, nandidiri ako pag lumalabas sa bibig niya ang pangalan ko.

Nawala ang ngiti nito at biglang lumamig ang tingin. Biglaang hinila nito ang kwelyo ng hoodie ko at inilapit ang mukha sakin. Naamoy ko ang matapang na pabango nito dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Napangiwi ako dahil ang sakit sa ilong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon