Clarity's POV
"You can change or do whatever you want in here. Just holla if you need something." Topak said after giving me clothes to change-- ay, teka teka. Bakit napapaenglish na rin ako? Bwisit na Indigo, kanina niya pa kasi ako ini-english. Ayan tuloy, ikaw ba naman may kasamang englishera buong gabi hanggang madaling araw, hindi ka kaya mahawa?
Hihirit pa sana ako kay Indigo na palitan 'yung binigay niya sa akin na damit kasi lintek na kulay pink na naman! Ang sikip rin siguro nito sa akin, ang liit kasi or masasabing sobrang fitting naman. Halata rin na hindi pa 'to nasusuot kahit isang beses. Brand new, kahit yung amoy, masasabing amoy Indigo, p'ano, amoy imported 'yung babaita. Pero siguro talagang sinasadya ni toyo na bigyan ako ng ganitong t-shirt eh. Para maasar ako, alam naman niyang ayoko ng kulay pink diba? Nananadya!
Pagkalabas ni Indigo ay sumilip agad ako sa labas ng malaking CR, tumingin tingin ako sa paligid at wala akong nakitang Indigo Delabuella. Ang bilis naman maglakad no'n? Paano ako makakapagreklamo nito? Bahala na nga.
Nagpunas ako ng aking sarili, kinayod ko na rin maigi 'yung mga paa ko. Kanina pa kasi ako nakayapak. Sobrang dumi na ng paa ko, kulay uling na 'yung talampakan. Buti nga hindi nagreklamo 'yung isa dahil umapak ako sa 'Penthouse' niya na madumi ang paa. Alam naman natin ang ugali no'n dahil maarte 'yon. Sobrang linis pa naman rin ng sahig, ang kinis. Pwede na siguro akong mahiga dito kung sakaling patulugin ako ni Indigo sa sahig. We'll never know, may topak 'to diba?
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko, naalala ko na hindi nga pala ako nabigyan ni Indigo ng toothbrush. Baka nakalimutan niya o sinadya na naman. Hindi ko kasi talaga mabasa minsan 'yung babaeng 'yon. Halos maligaw naman ako sa sobrang daming silid nitong Penthouse ni Indigo, meron pang second floor. Tinanong ko siya kung may kasama ba siya dito kasi ang laki talaga ng space ang dami pang kwarto, pero ang sagot sa akin, "Does it look like na may iba pang nakatira?" Sa kaniyang maarteng boses, sabay ikot ng mata niya sa akin. Kahit kailan! Kahit kailan talaga 'yung babaeng 'yon! Mamaya may gagawin na sweet na bagay, tapos babanat sa akin ng nakakakilig na mga salita na halos 'yung puwet ko ay kiligin na rin, tapos bigla akong babarahin, iirapan at iikutan ng mata!? Ang sarap rin banatin ng mukha eh. Putsara naman, may toyo talaga, hay nako Indigo ewan ko sa'yo.
Napapasimangot na ako dahil hindi ko makita kung saan sumuot si Indigo, uupo na nga lang sana ako sa may malaki niyang sofa pero may bigla akong narinig na musika sa bandang second floor ng Penthouse. Oo nga pala! May second floor nga pala! Genius ka talaga Clarity.
Nang matunton ko ang pangalawang palapag ay palakas rin ng palakas ang kantang.. T-teka..
And how you got me blind is still a mystery
I can't get you out of my head
Don't care what is written in your history
As long as you're here with me
Napalaki ang mata ko ng masilip ko ang isang silid na nakabukas ng kaunti ang pintuan, isang naka baby blue bra at itim na jogging pants na Indigo ang nakita ko, medyo malaki rin naman 'yung pagkakabukas ng pintuan. Nakaharap si Indigo sa may kalakihan na salamin at may hawak hawak na isang brush sa buhok, ayon sa nakikita ko ginagawa niya itong mic dahil sinasabayan niya ang kanta.
I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Napansin ko ang loob ng silid na 'to ay may mga posters ng Backstreet Boys. Pero kalimitan pink at hmm, purple ba 'to? Ah! Indigo? Hindi eh, baka violet? Na ang kulay ng kwarto. Ewan ko ba para sa akin pare-pareho lang 'yung mga kulay na 'yon eh. Gusto ko sanang mapatawa kay Indigo sa mga pinaggagawa nitong dance moves. Fan pala siya ng Backstreet Boys? Whoa, hindi ko expected 'yon. Hindi naman halata sa itsura niya.

BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Novela JuvenilPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...