Chapter 29

37.5K 658 221
                                    


Clarity's POV



"Nakakapagod!" angal ko at nanghihinang napaupo sa bench dito sa gym locker room ng dormitory. Pinilit kasi ako ni Topak na samahan siya. Akala ko naman manonood lang ako sa kaniya, yun pala sasabayan ko siya! Hinayupak talaga! Mabuti nalang at akma ang damit ko. "Ever ready!" sabi nga doon sa commercial ng battery. Pero 'dibale, makakatulong din 'to para sa training, malapit na ang game eh.

"Ugh! You're so sticky!" maarteng sabi ng katabi ko.

Napaikot ako ng aking mga mata bago tinanggal sa pagkakatali ang buhok ko. Hinubad ko na rin ang suot kong white T-shirt na basa na ng pawis, kaya naiwan ang sports bra ko na neon green. Ininom ko ang inabot niya sa aking bottled water na ininuman niya rin; share kami, ang sweet lang!

"Malamang Topak, pawis ako." Napatingin naman ako sa kaniya na nakasimangot. "Ikaw rin naman, malagkit!" segunda ko nang pang-aasar. Nakalugay ang buhok nito na tila katatanggal lang sa pagkakatali. Naka-black spandex leggings din ito at black sports bra. Wala kasing hiya 'tong babaeng 'to na ipakita ang katawan niya sa tao. Alam kong confident siya sa pangangatawan niya dahil sexy siya, pero nakakairita yung mga tumitingin sa kaniya na akala mo ay nakahubad na siya.

"Ang lalagkit din tuloy ng tingin sa'yo kanina habang tumatakbo ka sa treadmill!" naiinis kong sabi. Pinunasan ko ang mukha, tiyan, braso, hita at likod ko bago humarap kay Indigo na nakataas ang kilay sa akin. Kinakalikot niya lang sa mga kamay niya iyong panali niya sa buhok. Parang naka-Indian sit naman ang isang paa nito sa bench habang nakaharap ang katawan sa akin.

"Are you jealous?" nakangising tanong nito.

Inilagay ko sa magkabilang gilid ng bench ang mga binti ko at lumapit nang bahagya kay Indigo. Hindi manlang nag-amoy pawis si Toyo. "Hindi. Bakit naman ako magseselos?" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong pagtutusukin ng toothpick ang mata ng mga walang-hiyang lalaki na tumitingin sa katawan ng Topak ko.

Sumimangot ang magandang mukha ni Indie. "I know you were jealous Clarity. Don't you deny it now. Kitang-kita sa face mo kanina na parang gusto mo na akong isako and itago sa may closet."

Natawa ako sa example niya. "Oo na, oo na. Happy?" sarkastiko kong sabi. Sinamahan ko pa nang pagsundot sa magkabilang dulo ng labi niya sabay banat nito pataas; nagmukha tuloy siyang natatae. "Ang ganda-ganda mo Indie," ngiti ko sa kaniya. Maganda naman talaga siya kahit saang angulo mo tingnan, kaya hindi ko napigilan na purihin siya. Ang kinis pa ng mukha; nahiya naman ang nag-iisang pimple ko sa itaas ng noo ko. Tsk!

Tuluyang ngumiti si Indigo at hinawakan ang mga kamay ko na nasa mukha niya pa rin. Pinisil niya ito at napansin ko na may kaunting pagka-pula rin ang mga pisngi niya. "I know. Kaya nga na-inlove ikaw sa akin."

Napabungisngis ako nang kaunti sa pagka-fail ng Tagalog niya. Ang sexy pa rin ng accent ni Indie lalo na pag nag-Tatagalog; nandoon pa rin kasi yung sign na hindi ito ang unang lengwahe niya. "Hindi lang naman dahil sa ganda mo kaya ako na-inlove sa'yo." Binelatan ko siya dahilan para mapatawa ito.

"You're so cute." tinampal ni Indie ang noo ko nang mahina at hinalikan ako sa pisngi na ikinapula ko nang sandalian. Sanay naman na ako na ganito kami, pero minsan talaga, hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya sa kaniya. "What else? What else do you like about me?" kumikislap ang mga matang tanong nito. Excited lang?

Lumabi ako at kunwaring nag-isip. "Ano nga ba nagustuhan ko sa'yo? Hindi ka naman pasensyosa, bossy ka rin. Tapos ang selosa mo pa, kahit yung gitara ko pinagseselosan mo. Mainitin din ang ulo mo, ang bilis pa magbago ng mood mo. Pakialamera ka pa, lalo na sa cellphone ko, kung anu-anong sinisilip mo doon. Ang gaan-gaan din ng kamay mo. Ang dami ko na ngang pasa at sugat dahil sa kuko mo oh. Gupitin mo nga yan! Ang haba-haba!" kunwari'y naiinis kong sabi. Pero sa totoo lang, lahat ng ginagawa niya, kinikilig ako, kahit paminsan ay sumusobra na siya kaya napagsasalitaan ko at nauuwi kami sa tampuhan.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon