Clarity's POV
"Clang! Rise and shine!" Napasinghap ako dahil sa biglaang pag-talon ni Sachi sa kama ko. Ano ba 'yan, natutulog 'yung tao eh.
"Sachi ano ba," Tumingin ako sa orasan, "Parang awa mo na Sachi ala-sais pa lang ng umaga!" Tinalukbong ko ulit ang kumot sa aking katawan.
Kaimbyerna naman si Sachi! Pinuyat na nga ako kagabi tapos gigisingin pa ako ng sobrang aga. Ba 'yan.
Wala pa yatang 2 minutes ang nakakalipas ay may yumuyugyog na naman sa akin. Urgh!
Masisigawan ko na sana 'yung nanggigising sa akin pero napatameme ako ng ang makita ko ay ang nakangiting mukha ni Violet. Ohhhhhh kay ganda nga naman ng umaga...
"Good morning Clang." Sweet na bati nito. Awghshhshsh ang puso ko!
Nahihiyang umupo ako at pasimpleng inayos ang magulo kong buhok, "H-hi, good morning Violet." Binigyan ko din siya ng award winning smile ko.
"You must be confused as to why I'm here this early. Ako ang mag-hahatid sa'yo sa rooms mo." Nakangiti pa din nitong sabi habang tumabi sa akin. Inaayos niya 'yung magulo kong buhok. My gosh! Kinikilig ako! Kinikilig ako!
Pero teka? Akala ko si Kennedy ang dapat na mag-hahatid sa akin? "S-si Kennedy?" Tanong ko sa kaniya. Nakatingin pa din siya sa buhok ko at ginagalaw galaw ito. Hindi ko naman mapigilan ang mamula.
Medyo ngumuso si Violet bago sumagot, "Um, I told her na ako na lang ang mag-hahatid sa'yo..." Nahihiyang sabi nito, "I hope you don't mind.."
Umiling iling naman ako. Hihindi pa ba ako? Eh Violet Delabuella na 'yan oh! Oh my god, si ultimate crush ang mag-hahatid sa akin?! Yes yes yes! "I-ikaw na lang!" Nadulas kong sabi, nagulat naman si Violet sa biglaang pag-sigaw ko, "W-what I mean i-is.. O-okay lang." Ohhh Clarity, ang galing sige ipahiya mo pa 'yang sarili mo ha?
Ngumiti ito ng pagka-lawak lawak. "Good." Tumayo si Violet at hinila ako patayo, "Now, get ready. 7 am ang pasok mo." Natatawa nitong sabi kasi biglang lumaki ang mata ko. Oo nga pala! Shet, 7 am pala ang pasok ko ngayon.
Tumango ako at kumuha ng tuwalya, para akong si The Flash kung kumilos. Ayoko kasing pag-hintayin si Violet, nakakahiya naman no? Ang chix ko naman nun. 6:30 tapos na akong mag-ready. Tinignan pa ako ni Violet mula ulo hanggang paa at ngumisi ito. Ano kayang iniisip niya? I hope ayos lang ang suot ko, plain white v-neck shirt, maong short shorts at 'yung nag-iisa kong converse. Sobrang simple yes, ayoko naman kasi ng madaming arte. Okay fine madami akong arteng bracelets at anklets pero 'yun lang naman!
"Clang why do you always look so good?" Tanong ni Violet ng makalabas na kami ng dorm room ko. Wala na si Sachi at hindi ko alam kung saan pumunta 'yung babaeng 'yun. Baka may morning class rin. Business Administration kasi ang kurso niya.
Kulang na lang ay sumabog ang mukha ko sa sobrang panginginit dahil sa sinabi ni Violet. "A-ah u-um" Mukhang tanga kong sagot, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Ano bang dapat sabihin pagka-sinabihan ka ng ganon ng crush mo? First time 'to, first time!
Napatawa ng malakas si Violet, inaasar lang yata ako nito eh? "Bakit ka ba kinakabahan? Relax Clang. Ang cute mo." Nagulat ako dahil bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Oh my gosh! Clarity breathe! Hinga!
Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil tumatawang hinila na lang ako ni Violet papasok ng elevator. Habang nasa loob ay walang tigil ang pag-tingin sa amin ng ibang mga estudyante. Paano ba naman kasi, si Violet nakakapit lang naman sa braso ko at nakangiti. Mukha tuloy kaming mag-girlfriend. Hindi naman sa nag-rereklamo ako ha? Ang problema kasi ang sasama ng tingin sa akin ng iba, 'yung iba naman parang naiinggit na ewan ang mga tingin. Alam ko namang sikat si Violet dito kaya nahihiya din ako. Siguro pulang pula na ko ngayon. Hindi na nga lang ako nakikipag eye to eye contact sa mga nakakasalubong namin eh. Habang si Violet wala lang sa kaniya, panay kwento niya pa at tanong sa akin. Hoooo!
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...