Chapter 3

26.2K 614 115
                                    

Clarity's POV

"A-ano?" Nauutal kong tanong kay Sachi. Gawin ba akong experiment?

Tumawa si Sachi ng malakas at halos hindi na siya makahinga, sobrang pula na din ng mukha niya katatawa. "I-I was j-just joking Clang!" Sabi nito habang patuloy pa din sa pagtawa niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Sarap kutusan sa ulo nitong si Sachi, "Hindi ka pa ba uuwi baka hinahanap ka na." Pagiiba ko ng usapan.

Umiling iling lang 'to na medyo nahagikhik pa. Inikutan ko siya ng mata. Kainis kanina pa niya ako pinagtatawanan. Eh bakit ba na-caught of guard niya ako sa tanong niya eh.

"Clang kantahan mo ko?" Paglalambing nito, nakita niya kasi 'yung gitara ko.

"Ayoko, pagkatapos mo akong pagtawanan. Ano ka sineswerte?"

Lumabi naman si Sachi, kahit cute siya hindi niya ako makukuha sa ganyan. The truth is.. Wala pa kahit sinong nakakarinig ng boses ko pagka-kumakanta, dalawang tao pa lang ang nakakarinig, si ate Malaya at Tata Mando. Sila lang dalawa. Ayoko kasing kumakanta sa ibang tao, hindi ako komportable, idagdag mo pa na sobrang mahiyain ko pagkadating sa mga ganyan. Kaya as much as possible nagsosolo ako pagka gusto kong mag-jam.

"Sige na Clang pleaaaase!" Pagmamakaawa pa ni Sachi. Sorry Sach, hindi puwede.

Umiling na lang ako na medyo na tatawa at ginulo ang buhok niyang nakapuyod. Ang ganda talaga ng babaeng 'to, oops hindi ko siya gusto ha, humahanga lang ako sa kagandahan niya. Turing ko kay Sachi ay parang kapatid na din.

"Ang damot mo!" Pagtatampo pa nito. Niyakap ko na lang siya, nahawa na ako sa pagiging clingy niya eh. Hayaan na, minsan lang naman 'to. Ayoko kasi ng may taong masama ang loob o nagtatampo sa akin. Feeling ko ang sama kong tao.

"Next time na lang Sachi, pagka-komportable na ako." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti. Pero ang problema hindi ko alam kung kailan ako magiging komportable.

Tumango tango naman si Sachi na parang bata na excited, "Okaaaay!"

Alas-kwatro na din ng makauwi si Sachi, tinawagan na daw kasi siya ng isa sa mga bodyguards niya na hinahanap na siya sa kanila. Ewan ko nga kung paano niya nagagawang tumakas. Sakto din naman ang pagdating ni ate Malaya pagkaalis ni Sachi, may dala itong ulam na pinakbet mabuti na lang at nakapag-saing na ako. Mukhang mapapadami na naman ako ng kakainin.

Tahimik kaming kumakain ni ate at medyo naninibago ako sa kaniya. Kanina pa kasi siya walang imik at tila malalim ang iniisip. "'Te okay ka lang ba?"

Tumingin ito sa akin at tinitigan ako ng mabuti, "Okay lang ako Clang." Sabay patuloy ulit siya sa pagkain. Hmm? Weird ni ate ngayon ah. "Mamaya may sasabihin ako sa'yo." Pahabol pa nito. Mukhang seryoso pa siya.

"Okay ate." Nawiwirdohan man ako sa galawan ni ate ay tumango na lang ako. Ano kaya yung sasabihin niya? Huwag naman sana na Clang buntis ako. Magwawala talaga ako pagkaganon ang sasabihin niya.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Naglinis na din ako ng sarili ko, malapit na din pala maubos ang toothpaste namin. Kailangan ko na din ng bagong tsinelas. Napabuntong hininga na lang ako, bibili na lang siguro ako bukas.

"Clarity halika muna." Tawag ni ate sa akin, may hawak hawak siyang sobre at papel. Ito yata 'yung binabasa niya dati?

Umupo ako sa tabi ni ate Malaya at nagtatakang tumingin sa kaniya, "Ano 'yun 'te?"

Inabot ni ate sa akin ang papel at sobre na hawak hawak niya, sulat pala ito. "Basahin mo Clang, hindi ko puwede itago sa'yo yan."

"Anong ibig mong sabihin 'te?"

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon