Chapter 4

26.9K 628 100
                                        

Clarity's POV

"Clang ready ka na?"

Inikot ko muna ang paningin ko sa munti naming tahanan, mamimiss ko 'to eh kahit maliit lang. "Ready na 'te." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Ay, bago ko makalimutan," Ngumiti ito at may kinuha sa bag niya "Oh, ingatan mo 'yan. Nandiyan na rin ang mga kailangan mong number."

Kinuha ko sa kamay ni ate Malaya ang isang puting kahon na ang laman ay halata naman; Cellphone. At hindi lang basta basta, tatskrin eh. Saan naman 'to nakuha ni ate, binili niya 'to?! Napatingin ako sa kaniya na nanglalaki ang mata, "Samsung Galaxy A5 'te? Seryoso ka ba? Saan ka naman nakakuha ng pangbili nito?!" Jusmiyo, ang mahal nito. Tumingin ulit ako sa kahon na nakanganga.

Napakamot si ate Malaya sa kaniyang batok, "Pinagipunan ko 'yan, kaya huwag ka nang maingay diyan." Sabi nito sa akin na hindi makatingin sa mata ko. Alam kong may tinatago 'to.

Pumunta ako sa tapat niya at humalukipkip, "'Yung totoo 'te. Saan galing 'to?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Inikot ni ate Malaya ang kaniyang mga mata, tila naiirita na sa akin, "Oo na, bigay 'yan ni Gov. hindi ko alam paano niya nalaman pero alam niyang wala kang cellphone, para daw sana 'yan sa anak niya pero inayawan daw eh." Hanep naman 'yung anak ni Gov. inayawan pa 'yung ganitong cellphone?! Baliw siguro 'yun.

"Hindi ko 'to matatanggap, sobra naman 'to eh!" Pagrereklamo ko, pero sinisimulan ko nang buksan 'yung box. Mukhang maganda...

Nabatukan ako ni ate, "Hindi mo matatanggap pero kinakalikot mo na?! Ibang klase ka din ah! Saka tanggapin mo na 'yan, kailangan mo daw 'yan para ma-contact ka ni Gov. gusto daw kasi niyang makausap ka at makamusta ka." Sabi nito habang nakasilip din sa kinakalikot kong Samsung na hindi ko naman alam kung paano i-operate. Matututunan ko din 'to..

"Teka Clang, basahin mo 'yung instructions! Kung ano ano pinipindot mo!"

"Alam ko na 'te! May ganito si Rose Ann dati kaya medyo alam ko na, pero mas advance 'to." Sabi ko naman habang kinakalikot pa din 'yung phone. Madali lang naman pala, medyo kuha ko na. Saka hindi naman ako taong bundok para hindi matutunan agad ang ganitong cellphone.

"Osya osya, hinihintay ka na sa labas, sosyal ka ha may driver ka pa." Biro ni ate. Binelatan ko lang siya sabay labas sa cute naming bahay. Ma-mimiss ko si ate, sabi kasi ni Gov. kahit daw sa St. Silica na din mag-tatrabaho si ate Malaya, eh malayo naman daw ang building niya sa akin. Kaya hindi din kami palagi makakapagkita. Sa laki ba naman nung school na 'yun eh parang mas malaki pa sa MOA.

"Good morning po Ma'am Clarity." Bati sa akin ni manong driver na nakasuot ng formal white long sleeves na polo at blank pants.

Nahiya naman ako, hindi kasi ako sanay na may bumati sa akin na ganito kagalang, feeling ko para akong mayaman na feelingera. "Ay, huwag na ho kayong mag po. Manong driver naman eh." Mahiya hiya kong sabi, sige blush pa Clarity.

Ngumiti si manong driver at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse na mas makintab pa sa sapatos kong itim noong highschool ako. Water proof kasi 'yung black shoes ko nung highschool, 'yung tipong puwede ka nang makapagsalamin dahil sa kintab.

Habang bumabyahe ay pinagaaralan ko lang ang binigay sa aking cellphone, nang medyo makuha ko na ay nilagay ko ito sa bulsa ng itim kong jean shorts na may itim na belt, at dahil hindi kasya 'yung phone sa bulsa, nilagay ko na lang sa back pack ko na may Mukha ni Bob Marley. Nakasimpleng gray lose tank top lang ako kaya maluwag pero okay lang 'yun naka black sports bra naman ako kaya hindi makikita ang pinakaiingat ingatan kong kaluluwa. Nakatago naman sa loob ng tank top ko 'yung kwintas na hugis dahon. Mahirap na at baka ma-snatch lang. Meron din akong mga bracelet na binigay ni Lara sa akin tuwing uuwi siya ng probinsya nila, hand made ito na may pagka tribe 'yung dating pero type ko naman kaya lagi kong sinusuot, Nakasimpleng white lowcut converse lang din ako na nabili ko sa ukay-ukay noon, sale kasi at sayang din kaya kitang kita naman ang anklet ko sa paanan at 'yung tribe tattoo ko sa may gilid ng paanan ko. Boyish talaga ako mag-damit pero nagsusuot din naman ako ng dress kung may espesyal na occasions. Mahilig lang talaga ako sa t-shirt at mga tank tops or sando. Laking salamat ko na lang kay Aling Conchi ng binigyan niya ako ng bonus noong pasko last year para makabili ng mga gamit ko kahit papaano. At 'yung tattoo naman, eh napagtripan namin ni Julius, sa akin sa may paanan at collarbone na ang nakalagay ay "All you need is faith" in cursive writing, sa kanya naman sa may balikat at likod. Mga may tama kami noon kaya kibit balikat na lang kinabukasan, at ratrat ng bunganga ni ate Malaya ang kapalit sa trip namin.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon