Warning: malalandi ahead. Read at your own level of kaharutan.
Charot.
Read at your own risk. 🤷♀️
Clarity's POV
"Ne isang kilo nga nitong Bangus."
"Clang anak tatlong kilo ng Galunggong."
Mabilis at ganado akong kumilos para asikasuhin ang mga suki. Sanay naman ako dahil noon pa man tumutulong na ako kay Nanay Maria sa pagtitinda. Tuwing wala kasi si Lara ako ang papalit sa kanya kung libre man ako. Na-miss ko rin kasing gawin ito kaya natutuwa ako.
Sira ulo, ang dami mong responsibilidad. Heiress ka na baka nakakalimutan mo?
Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng utak ko. Pagnaaalala ko iyon nawawala ako sa mood. Hindi ko naman tatakasan ang pagiging Brown. Gusto ko lang ng konting panahon pa bago ako sumabak sa mundo ng Hierarchies.
"Eto na po madam." Nakangiti kong inabot sa ginang ang isang plastik ng isda.
Kinuha nito iyon, "Salamat Clang, nako ke gandang bata nire. Kaya ang daming namimili sa iyo Maria dahil dito sa magandang ire."
Namula ang mukha ko at nahihiyang napayuko. Narinig ko nalang ang pagsang-ayon ni Nanay Maria.
Bakit gano'n alam ko naman na maganda ako pero minsan nahihiya pa rin ako pag may pumuri sakin. My gas!
"Clang ilang araw ka nang tumutulong dito ah. Ayaw mo naman magpasweldo at sinabi mo pang kay Lara nalang ibigay. Eh wala namang ginagawa iyon sa bahay." Natatawang bahagi ni Nanay Maria habang naglilinis ng Tilapia.
Kinuha ko ang pangkaliskis ng isda at tinulungan ito. "Na-miss ko lang po itong gawin 'Nay, tsaka hindi pa naman po ako busy." Palusot ko nalang.
"Ganoon ba. Hindi ka naman ba hinahanap ng ate mo? Iyong mayaman." Tukoy nito kay ate Nat.
"Hindi naman po."
Sa totoo lang hindi pa kami nakakapagusap ng maayos ni ate Nat, palagi kasi itong busy at palipad-lipad sa ibang bansa. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung gan'on rin ba ang magiging buhay ko pag ginawa ko na ang responsibilities ko bilang isang Brown.
Hinahayaan lang siguro ako nito sa ngayon pero baka pagbalik niya tsaka nito ako kakausapin.
Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy ang ginagawa. Magtatanghali ay nagpaalam si Nanay Maria na uuwi muna saglit. Magdadala rin kasi iyon ng pagkain ko dito. Ako muna ang naiwang magbantay.
Inabala ko muna ang sarili sa pagaayos ng mga natitirang paninda. Mauubos na rin naman ito kaya baka maaga kaming matapos.
"Ay Dyosa!" Narinig kong tili ng katabi kong tindera kaya nagtataka akong napatingin dito.
Sinundan ko kung saan ito nakatingin pero gan'on nalang ang gulat ko nang makita si Indigo na nasa harapan ko at nakapamewang. Lutang na lutang ang ganda nito sa lugar at iyong mga mata niyang berde na mahal na mahal ko.
Oh my gas!
"T-topak!" sa gulat ay di ko malaman ang sasabihin. Mukha rin kasi itong galit at anytime baka isaksak nito sakin ang takong ng suot nitong heels. Nag-heels ang babaita sa palengke!
Huminga ito ng malalim at 'tila pinakalma ang sarili. "Come with me right now Clarity." Nagtitimping sabi nito.
Naisip ko ang mga paninda ni Nanay Maria na hindi ko pwedeng basta iwanan. "Hindi pa ako pwedeng umalis Indie. Walang magbabantay dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/35559107-288-k133729.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Novela JuvenilPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...