Chapter 10

22.4K 648 52
                                    

Clarity's POV

"Favorite color?"

"Black, brown, and green. Sa'yo?"

"Favorite song?"

"Ang Huling El Bimbo by Eraserheads. Eh sa'yo?"

"Favorite band?"

Nakasimangot akong sumagot. "Up Dharma Down. Hoy, 'yung sa'yo?"

"Whole name?"

"Clarity Ignacio."

"Just Clarity Ignacio? No second, or other name?" Taas kilay na tanong nito.

Hindi ko na napigilan ang mainis, "Hep! Kanina ka pa ha, doble doble palagi tanong mo. Hindi mo sinasagot 'yung sa akin!" Reklamo ko kay Arte Queen. Kanina pa siya nagtatanong dito ng 21 questions niyang 'yan. Para ngang "Ask Clarity 100 questions" na eh. Okay, exagge. Hindi pa naman 100 pero kasi panay siya lang ang nagtatanong, na-etsapwera na ako.

"So? Sinasagot mo naman." Walang ganang sabi nito habang iniikot sa hintuturo niya ang kaniyang iilang hibla ng buhok habang nakatingin sa akin. Inaakit niya ba ako? Ang arte talaga. Pasalamat siya, maganda siya. Ngayon ko lang rin napansin na kulay berde pala ang mga mata ng dakilang Dyosa na 'to.

"Malamang sasagutin ko, eh nagpupumilit ka kaya." Paano ba naman, pagkatapos niyang magtanong sa akin, edi may kasunod diba? Tuwing aangal naman ako, hindi niya pinapansin ang pagangal ko at uulitin lang 'yung gusto niyang tanungin. Nasaan ang fairness doon ha? Eh sinasagot ko rin naman!

"Just answer my question." Inis na sabi nito. O diba? Siya pa ang may ganang mainis niyan.

"20 ka na ba talaga? Baka naman mali lang 'yung sinabi sa'yo na birthday mo?" Para kasing mas matanda pa si Betty, 'yung kapitbahay namin noon na limang taong gulang. Kung umasta kasi 'to si Arte Queen daig pa ang nagtatantrums na bata. "Napaka-brat.." Pabulong kong sabi na narinig niya.

Napahinga ito sa pagkabigla dahil sa sinabi ko at tila na-offend. "Excuse me? That's a mean thing to say Clarity." Nakasimangot ito. Wow naman! Astig! Hanga talaga ako dito kay Arte eh! Siya pa ang nagsabi niyan eh mas mean pa nga siya sa akin. At first time kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko. Nagulat ako do'n.

"Kaya mo naman palang sabihin ang pangalan ko. Bakit mo ba ko tinatawag nung... Ano nga ba 'yon? Pove?" Hindi ko kasi gaano marinig 'yung palagi niyang pinangtatawag sa akin. Ginamitan ba naman ako ng French ng gaga.

"It's Pauvres." Simpleng sagot nito. Nakatingin na ngayon ito sa kaniyang pink din na cellphone at nakasimangot. Narinig ko rin naman kasi 'yun na tumunog, siguro may nag-text. "I need to go. Give me your phone." Nakalahad ang palad nito sa akin. Kahit kailan napakabossy!

Iniabot ko kay Indigo ang aking pink Samsung phone, napakunot ang noo nito ng makita niya 'yung phone. Siguro nag-taka kung bakit pink. Namula naman tuloy ako ng wala sa oras. Hindi kasi halata sa style ko na pink ang cellphone ko "Huwag mo ko tingnan ng ganyan.." Pabulong kong sabi. Ang intense kasi ng mga titig niya sa akin.

"Where did you get this?" Tanong nito habang ginagalaw galaw sa kamay niya 'yung cellphone ko.

"Uhhh.." Napakamot naman ako sa aking ulo, "Bigay ni Gov." Nakaramdam ako ng pagkahiya sa kaniya kasi siyempre baka sabihin pineperahan ko 'yung daddy niya.

Napatawa si Indigo, pero parang mas mukhang bungisngis. Ang cute niya rin, nagmumukha siyang spoiled brat na binigyan ng mamahaling kabayo ng mga magulang nung birthday nito at tinatawag na Prinsesa ng kanilang buhay. "This was my old phone." Natatawa na ngayon ito habang sinusuri suri 'yung lumang cellphone niya.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon