Chapter 11

21.5K 692 52
                                        

Clarity's POV

"Clang! Congrats!" Sigaw ni Idol Kurt sa akin at sabay akbay sa balikat ko ng makahabol na ito.

Naglalakad kasi ako papunta ng dorm building. Katatapos lang ng announcement kung sino ang nakakuha sa nag-iisang spot sa team. At siyempre ako 'yon. Sabi ko naman sa inyo eh, mataas ang confidence ko pagdating sa basketball.

Ngumiti ako kay Idol habang inaayos ang strap ng bag ko, nahulog kasi dahil sa pagkakaakbay niya. "Salamat Idol."

"Oo nga pala Clang. We need your number para kung may emergency meeting man maitetext ka namin." Sabi nito sabay labas ng tatskrin phone niya.

Napakamot ako sa aking ulo. Na kay Indigo pa rin kasi 'yung cellphone ko. Hindi pa niya binabalik, hindi ko rin naman kasi siya mahagilap sa school kahit si Violet. Busy yata 'yung magkapatid. Hindi rin naman ako makakapunta ng basta basta na lang sa dorm room nila, eh diba nga may key card na kailangan para sa elevator? Pshh. Rits pipol nga naman.

"Sige Idol, ano uh.. Sabihin ko na lang sa'yo, saulo ko naman." Mabuti na lang at saulo ko 'yung number ko. Pagkatapos makuha ni Idol Kurt ang aking numero ay nagpaalam na ito. May date pa raw siya, sino kaya ang girlfriend ni Idol?

Bigla akong nagutom kaya naman naisipan kong pumunta sa Foodgasm, bahala na kung magkano ang presyo, 'yung mumurahin na lang ang kakain ko dun. Kung meron man.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nahagilap ng mata ko si Indigo na kumakain mag-isa. Hindi ko alam pero bigla akong na-excite ng makita ko ito. Ano ba ang nangyayari sa'yo Clarity? Napaka-elegante nitong tingnan at halata sa mukha ang pagiging bored niya. As usual, ang sexy na naman ng suot, mukha na namang Barbie Doll na mas pinaarte nga lang.

Napasimangot ako dahil naka all pink siya ngayon. Pero halos matawa rin ako sa itsura ng mukha ni Indigo. Hindi yata ito marunong ngumiti. Sa totoo lang, wala pa yatang limang beses ko nakita 'to na ngumiti eh.

Lumapit ako sa lamesa kung saan siya kumakain at umupo nalang ng bigla sa kaharap nitong upuan. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha itong lakas ng loob na umupo kaharap ni Indigo. Huwag niya lang sana akong palayasin at pahiyain, dahil alam naman natin ang ugali nito.

Tila gulat ang makikita mo sa mestizang mukha nito at may kung ano man akong nabasa sa mga mata niya na parang bigla itong nagliwanag, pero agad rin naman napalitan ng poker face niya. Namalikmata lang siguro ako.

"What are you doing here?" Walang ganang tanong nito sa akin habang tinulak palayo ang kaniyang plato na kinakainan.

Napansin kong panay greens na naman ang laman. Jusko, hindi ko yata makakaya na kumain ng gulay lang. Kailangan natin ng karne sa katawan!

"Nagutom ako eh, kaya kakain ako." Sagot ko nalang. May lumapit na waiter sa akin at binigay ang menu.

Hay shete, eto na naman tayo sa pag-order. Wala akong mabasa na tagalog o english manlang, bakit panay french? Nag-hanap ako ng mga mumurahin lamang pero ang nakikita ko na pinakamura ay yung tag 600php. Seryoso? Napatingin ako kay Indigo na halatang pinipigilan ang kaniyang tawa. Nairapan ko tuloy siya. Paano ba 'to? Paano ako o-order? Ayokong humingi ng tulong dito kay Arte Queen, mangaasar lang 'to eh. Pride muna ang paiiralin ni Clarity Ignacio.

"Clarity, he's waiting..." Sabi ni Arte sa akin na halata naman ang panunukso sa boses nito, kaya naman napatingin ulit ako sa kaniya.

Nakita ko itong nakangisi at ayan na naman siya sa gawi niya na iniikot ang hintuturo sa iilang hibla ng buhok niya. Napansin ko tuloy na lalo pa lang naging blonde 'yung highlight ng buhok niya sa may dulo at kita naman ang mala-tsokolateng kulay ng bangs nito pababa. Ito siguro ang natural hair color niya. Basta ang alam ko, bagay sa kaniya, lalo siyang gumanda. Lalong nagmukhang Dyosa si topak.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon