Clarity's POV
Nakasimangot akong nakatingin sa aking pink na cellphone. Pagkaabot sa akin ni Indigo ay hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya na napasaakin na ulit 'to. Pero, laging may pero! May nilagay si topak na ikinainit ng aking ulo.
♥INDIGO♥
'Yan ang nakalagay sa may likod ng aking pink na telepono na tatskrin. Sino bang hindi maiinis na angkinin ng iba ang sa'yo? Oo alam kong sa kaniya 'to dati pero binigay na kaya sa akin 'to ni Gov. Pogi, naalala ko pa nga na sinabi ni ate Malaya na inayawan na raw 'to nung "anak" ni Gov. Jusmiyoporpabor siya pala 'yon! Ngayon aangkinin niya na naman! Hindi pa nakuntento nilagyan pa ng pangalan niya ha! Gusto kong magwala dahil sa uri ng pinangdesenyo ni topak sa aking mumunting cellphone. Kulay pink at kulay 'indigo' na mga maliliit na crystal beads. 'Yan po ang design nung pangalan niya sa may likod ng cellphone ko! Crystal beads! Na pink! Pink!! Sinabi ko bang pink?!
Padabog akong pumasok sa dorm room namin ni Sachi. Nakita ko itong nakadapa sa kaniyang sariling kama at nakikinig ng musika habang nakabukas ang malaking flatscreen T.V. Napaka-maaksaya nito ni Sachi sa kuryente. Napailing tuloy ako. Napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo.
"Problema mo?" Tanong sa akin ni Sachi at umupo habang tinanggal ang earphones niya.
Nakasimangot ko na ipinakita kay Sachi ang aking cellphone at nagkandabulol bulol sa pagsasalita at pagkekwento dahil nga naiinis ako. Gano'n talaga ako pagkanagagalit o naiinis. Nabubulol. Halos mapahiga naman si Sachi sa katatawa sa akin. Aba, nagawa pang tumawa ng gaga?!
"Clang, sure ka ba na dahil gusto niya 'yan bawiin?" Ngumuso ito sa hawak kong cellphone. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka.
"Ha? Oo naman! Nakita mo ba 'yung nilagay niyang pangalan?! Inaangkin niya na Sachi! Paano na ko kung bawiin niya na 'to sa akin?! Mawawalan ako ng cellphone, hindi ko na makakamusta sila Lara, Julius, Baste, Edgar, Mike at lalong lalo na si ate Malaya! Sachiko! Anong gagawin ko?!" Mangiyak ngiyak kong sabi kay Sachi. Pano naman kasi kung kunin na ulit 'to ni toyo? Edi mawawala na sa akin 'tong pink na cellphone na 'to.
Hinawakan ni Sachi ang aking mga balikat at pinaupo, "Clang relax. Take a breath." Matawa tawa si Sachi sa itsura ko, "Ano ba 'yan Clang, ibabalik niya ba 'yan sa'yo kung inaangkin niya ulit 'yan? Baka~" Natatawa pa rin nitong sabi habang pailing iling pa sa akin.
Oo nga. Pero bakit niya nilagyan ng pangalan niya? At may puso pa? "Eh bakit nilagay niya 'yung pangalan niya ha, Sachi? May hartz hartz pa o." Turo ko dito habang hinahaplos 'yung crystal beads kung saan kumukorte ng pangalan ni Indigo. Ayos na ayos ang pagkakadikit ng mga ito. Matindi pa yata sa mighty bond ang ginamit dito. Hindi ko kasi matanggal ng basta basta at baka 'yung kuko ko pa ang matanggal sa tindi ng pagkakadikit ng crystal beads.
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sachi, "Clang, bestfriend, seryoso ka na tinatanong mo 'yan?!" Gulat na tanong nito na nanlalaki ang mga singkit niyang mata.
Napasimangot naman ako sa kaniya, "Itatanong ko ba kung hindi ako seryoso?!" Inis na sabi ko dito. Ano ba naman 'to si Sachi?! Tsss.
Umiling iling naman ito, "My gosh.." Bulong ni Sachi sa sarili niya habang sumisilip palihim sa akin na parang may iniisip.
"Hoy babae, huwag mo ko tingnan ng ganyan!" Pagsisita ko dito. Grabe naman kasi makatingin.
Huminga ng malalim si Sachi at tumabi sa akin sa pagkakaupo sa kama niya, "Clang tell me, do you like Indigo? 'Yung like-like? 'Yung tipong, you can't stop thinking about her?" Walang kagatol gatol na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...