Chapter 22

23.8K 594 50
                                    

Not edited.

Clarity's POV

"Clarity.."

"Hey,"

"Clarity, Clarity, Clarity.."

"Pssst.. I can't sleep!" Ramdam kong nagpa-pout na 'tong si Indigo sa akin. Nagtutulog-tulugan lang naman ako. Kunwari hindi ko siya naririnig. "Clarity, I know you're awake!" Kinalog kalog ako ni topak. Ayaw talagang magpatulog. Kanina ako 'yung nangungulit sa kaniya, kinikilig kasi ako sa mga yakap niya, pero ngayon siya naman ang nangungulit.

"Mmm.. Antok na antok ako Indie, magpatulog ka naman."

"But I can't sleep."

"So manggigising ka?" Humarap ako sa kaniya kahit masikip. Ay shet ang lapit ng mukha ni Indigo. "A-ano ba? Naiinitan ka ba?" Mautal utal kong sabi. Kahit madilim makikita pa rin ang ganda ni Indigo. 'Yung matangos niyang ilong at mahahabang pilik mata.

Nagkibit balikat si Indigo, halos magdikit na ang mga ilong namin, "Yeah, kinda. But that's not it. Can you tell me a story?" Parang batang sabi nito.

Napasimangot ako, "Indie hindi ka na 3 years old, ano ba?"

"Not that kind of a story! 'Yung about sa'yo. I want to know more about you."

"Linawin mo kasi." Inirapan niya lang ako, "Ano bang gusto mong malaman, magtanong ka na lang tapos sasagutin ko." Sabi ko habang inaayos ang paghiga ko, nakaharap na ako ngayon sa kisame.

"Have you met your parents? I mean the real ones, biological parents?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata ni Indigo.

Muli akong tumingin sa kisame at umiling, "Hindi pa, 'di ko alam kung nasaan sila." Nakakalungkot isipin, kasi gusto ko rin silang makilala siyempre. Laking pasasalamat ko naman kay Tata Mando at ate Malaya na inalagaan nila ako na para talagang totoong pamilya nila, pero iba pa rin kung kilala mo ang iyong totoong mga magulang, kasi iba pa rin kung kadugo mo.

Naramdaman kong binago rin ni Indigo ang kaniyang puwesto, pareho na kaming nakatingin sa may kisame, "Well, I don't think they're from here anyway. I mean look at you Clarity. Hindi ka naman mukhang Filipino. Where do you think your parents are from?"

Alam ko naman 'yon, "Ang sabi ni Tata Mando ko, mga amerikano daw mga magulang ko." Simpleng sagot ko sa kaniya. Pagiisip ang makikita sa mukha ni Indigo. "Anong iniisip mo Indie?"

Nakita kong parang kinagat ni Indigo ang loob ng kaniyang pisngi, "I was just thinking that you kinda look like Nat." Kibit balikat nito.

"Ha? Sinong Nat?"

Napaikot si Indigo ng mata, "Natasha. Duh, Clarity. May iba ka pa bang kilalang Nat?" Mataray pa na sabi nito sa akin.

Nagulat naman ako doon, "Natasha Brown?! Oy, topak tigil tigilan mo ako sa mga joke joke mo na 'yan. Ang ganda ganda no'n eh." Pffft kamukha daw ako ni Nat? Susme, bago ko maging kamukha 'yon, kailangan ko muna sigurong pumunta ng Korea para magpa-face transplant.

Inis na humarap si Indigo sa akin, ang lapit na naman ng mukha niya kaya naaamoy ko 'yung shampoo na ginamit niya kanina, "Will you stop calling me topak!" Galit na sabi nito sa akin, naiintindihan niya pala ang topak. Malay ko ba, "And I was not joking, I'm just saying there's a resemblance between you two, you idiot."

Humarap rin ako sa kaniya, "Ouch, maka-idiot ka naman Indie." Nagkunwari pa akong nasaktan sa sinabi niya, nilagay ko ang isang kamay ko sa may dibdib ko para sa awa epek.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon