Chapter 39

3.1K 177 117
                                    

Clarity's POV

"Clarity, this is Mr. Anad Sharma the co-founder of the Chandrasekaran Group. Our family has been partners with them even before I was born. He's also a good friend."

Nakangiti kong kinamayan ang isang hindi katangkarang lalaki, may edad na rin ito. He looks like an Indian. Pinapakilala kasi ako ni ate Nat sa mga kasosyo nitong mga business man. Minsan nga ay hindi ko na nagugustuhan ang iba dahil sa klase ng tingin na binibigay ng mga ito sa kapatid ko. Kung pwede ko lang ilabas ang ugali kong pangkanto ay nagawa ko na. Pero hindi pwede. Patiuna na akong pinaalalahanan ni ate Nat noong nagusap kami na may mga ganon talaga. Kailangan daw ay professional ako.

Mabuti nalang itong si Mr. Sharma ay mabait. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.

"Hello Sir. I'm Clarity Brown at your service Sir! Char!" Pakilala ko dito. Dinaan ko pa sa biro kaya naman nanlisik ang mata ni ate Nat sakin. "S-sorry.." bubulong-bulong akong umatras palayo sa matanda.

Humalakhak ng malakas si Mr. Sharma at natutuwang nakatingin lang ito sakin. "Miss Brown, your sister is very charming. I am glad to meet you Clarity." Tinapik tapik pa ako nito sa balikat. "Loosen up Natasha!" Tinapik rin nito si ate Nat na seryoso lamang ang itsura ng mukha. Hindi manlang nito makuhang ngumiti.

Nasanay na ako sa kanya na ganyan pag business ang pinupuntahan namin. Pero kahit naman hindi business ay may pagka seryoso talaga siya sa life na parang kulang sa tamis at lambing. Wala kasi itong lovelife. Napansin ko na hindi siya tumatanggap ng suitors. Hanggang date lang ito then magtatapos na don. Hindi niya ginagawang jowa ang mga nakaka-date niya. Workaholic kasi masyado. Trabaho-bahay lang ito. Hindi ko nga alam kung may mga kaibigan siya.

Dinaldal ko pa si Mr. Sharma habang busy si ate Nat sa iba pa naming ka-business associates. Natutuwa kasi ako sa accent niya.

"Ate may pupuntahan pa ba tayo?" Tanong ko kay ate Nat na tahimik lang at parang may iniisip.

Nasa sasakyan na kami at tumatahak sa kung saan. Ang alam ko last day na ng conference ngayong araw. Bukas kasi ay pupunta naman kami sa company mismo nito. May fashion line kasi siya, ang B&C. Itu-tour niya raw ako don. Pero ang alam ko wala naman sa Pilipinas ang kompanya niya.

"Yes, it's time for you to meet the founders. You were suppose to meet them at the Gala last time." Sagot nito.

Tumango nalang ako. Nakaramdam ako ng kaba dahil don. May kutob kasi ako na parang hindi maganda ang paguusapan lalo na at nagdrama pa ako noong Gala. Paano nalang kung ayaw ng mga iyon sakin?

"Are you nervous?" Pansin ni ate Nat.

Napatigil ako sa pagkalikot ng mga kamay ko at tumingin dito. Nakangiti lang siya. "Medyo ate Nat. Paano kung hindi nila ako matanggap na isang Hierarchy? Nakakahiya kasi iyong ginawa ko sa Gala. Pangit na ang first impression nila sakin."

Natatawang hinawakan nito ang mga kamay ko. "You don't have to be nervous Clarity. Wala silang magagawa dahil iisang dugo lang ang mayroon tayo. You're a Brown and you're my sister. They just have to deal with it. And I want you to know that you didn't disappoint me when you ran away. Mas kinabahan pa ako na baka mapano ka."

Napangiti ako. Parang may kung ano kasing humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya at biglang nawala ang kabang nararamdaman ko.

Nang makarating kami kung saan gaganapin ang meeting with the founders ay agad hinawakan ni ate Nat ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa gusali. Ngayon lang ako nakapasok dito sa building na ito. Sobrang nakakalula sa kataasan, modern rin ang itsura. Napansin ko na may iilan rin na kumukuha ng litrato namin. Doon ko lang naalala na sikat nga pala itong kasama ko.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon