Chapter 35

5.8K 281 187
                                    

Clarity's POV

 
"Hello, Ate Nat?"

"Hey there Little Sis! I'm sorry to interrupt your cute date with Indigo, but something really important came up, and I...just couldn't wait to tell you about it!" Halata naman sa boses nito na sobrang excited siya, at lalabas akong KJ kung hindi ito mapagbibigyan. Nacurious na rin ako, tungkol saan naman kaya?

"Ah, si-sige Ate. Saglit lang ha, paalam lang ako kay Indie." Napasulyap ako kay Indigo na nakatitig sa cellphone niyang mamahalin at siyempre, pink! Kanina nung napatingin siya sa'kin, ewan ko ba, merong kakaiba, 'yung mahirap i-explain pero meron. Tatanungin ko na sana siya, kaso kanya-kanyang epal namang 'tong mga selpon namin. "Indie," tawag pansin ko dito. Eh hindi yata ako narinig, magkaharap lang naman kami! "Topak, huy!" Kakaway na dapat ako para makuha 'yung atensiyon niya, pero sakto naman na umangat 'yung tingin nito sa'kin. "Okay ka lang ba?" kunot-noong tanong ko.

Tila natauhan naman si Indigo sa kung ano mang iniisip nito. "I'm-yes, I'm okay. Sorry, I didn't hear you calling me the first time."

Naguguluhan man ay hindi ko na lang pinansin. Baka kasi may kakaiba lang sa nakain niya.

"Hey Clarity, you wanna tell me something or what?" untag ni Topak sa akin nang hindi ako nakasagot agad.

Ayaw talaga ng babaeng 'to na pinaghihintay siya. "Ah eh, oo Indie eh. Tumawag kasi si Ate Natasha. Kausapin ko lang siya, okay?" Pagtango nito ay tumayo na ko at pumunta sa isang gilid, para kahit papa'no may privacy pa rin 'pag kausap si Ate.

"Hello, Ate? Pasensya na ha, natagalan-"

"Oh no worries Sis. I actually overheard you and Jade talking. Mataray pa rin kahit girlfriend na niya ang kausap." Narinig ko ang paghagikgik nito.

Napakamot na lang ako ng ulo. Kahit pa totoo, diyahe pa rin na marinig niya 'yon. Oo, matagal na silang magkaibigan ni Indie, at alam kong sanay na sanay na siya sa pag-uugali no'n, pero iba pa rin sa pandinig pag mismong kapatid mo ang nagkomento sa girlfriend mo. "Pasensiya na Ate-"

"Hey, I told you, no worries okay? Anyway, I'd probably get an earful from her for interrupting you two tonight, but that's a risk I'm willing to take. What I'm going to tell you supersedes that right now. Excuse my overexcitement Clang, but I really can't help it."

Napahawak ako sa bandang ilong ko para macheck kung may dugo ba. Feeling ko kasi nagnosebleed ako ro'n. Mabuti na lang at naiintindihan ko siya dahil sa hilig ko magbasa ng encyclopedia na hinihiram ko pa noon. "Tungkol saan 'yan Ate Nat?"

Narinig ko pa ang paghinga nito nang malalim bago nagsalita. "Well, we talked about it before, the Hierarchies and the Hierarchies Gala."

Napasulyap ako kay Indigo na nakakunot ang noo habang mabilis na nagtatype sa selpon niya. Mukhang big deal nga 'tong Hierarchies, pati si Ate Nat iba ang level nang pagka-excite. "'Yung sinasabi mong exclusive party ng mga Hierarchies?"

"Yes, but it's not just any exclusive party."

Napataas ang dalawang kilay ko ro'n. "Teka Ate, ano ba talaga meron diyan sa Hierarchies na 'yan? Kanina si Indie may sinasabi rin, pero 'di ko naman maintindihan," naguguluhang tanong ko.

"Oh, did she?"

Napatango-tango pa ko kahit hindi niya nakikita. "Oo, pero naputol din kasi nagring 'yung selpon ko. Tapos ikaw pala 'yung tumatawag."

"Oh, alright. Well now, at least, I get to tell you personally the important news."

Gusto ko na sanang mainis ng bongga, pero nagpigil pa rin ako. Hirap pag gan'tong walang alam. Hinayaan ko nalang itong magsalita. May kinausap ito saglit bago nagpatuloy. Tingin ko assistant nito base sa pamamaraan nang pag-utos niya rito.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon