Chapter 5

25.3K 650 110
                                        

Clarity's POV

"Huwag mo nga ako titigan ng ganyan Clang. Ka-conscious ka naman eh." Sabi ni Sachi habang iniiwas ang tingin niya sa akin. Nakaupo ako sa kama niya, ganon din siya. Magkatabi lang kami.

Paanong hindi ko siya tititigan ng masama eh pinagtawanan niya lang ako kanina habang 'yung itsura ko eh, gulong gulo. Sabihin ba naman ni Kennedy na The Clarity Ignacio hindi ka kaya maguluhan doon? Sabayan pa nung maarteng Indigo na 'yun na hindi ko malaman kung bakit ang init ng dugo agad sa akin, kakakilala pa lang namin ah? O baka sadyang matapobre lang talaga, o baka ayaw sa taong may mga tattoo?

Dinuro duro ko ang noo ni Sachi, "Ano ba kasing ibig-sabihin ni Kennedy do'n sa pagtawag sa akin na The Clarity Ignacio? Kilala niya ba ko?" Napaisip ako kung na-meet ko na ba si Ken noon pa, pero wala naman tumatatak sa isip ko na nakita ko na 'yung magandang filipina beauty na 'yun.

Napabuntong hininga si Sachi, "Oo na mageexplain na poooo.." Nakangusong sabi nito. Para talagang bata minsan 'tong babaeng 'to eh. "Umm.. Kaya ka nila kilala at kaya mainit ang dugo ni Indigo sa'yo is... Umm.. Kasi," Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Binibitin ako.

Kinurot ko si Sachi sa tagiliran, mahina lang naman hindi naman ako nananakit ng tao no. "Sachi, isa."

"Kasi si Indigo ang top 1 sa school na 'to." Naguguluhang tinitigan ko lang siya, eh ano kung top 1? Anong konek ko do'n? Inikutan ako ng mata ni Sachi, "Duh Clang, nataasan mo 'yung entrance exam niya! Na-perfect mo kaya, eh kay Indigo 99% lang. Ikaw 100% so malamang magagalit talaga 'yun. Agawin mo ba naman 'yung pagiging top niya eh!" Pag-eexplain nito.

Nagulat ako d'un, malay ko ba? Ni hindi nga ako nakapagreview no'n ah? Tsaka wala manlang sportmanship 'yang Indigo na 'yan. Hindi matanggap, hindi matanggap? Nanggigigil ako tuwing iniisip ko 'yung magandang matapobre na 'yun eh. Pero kung si Violet ang naiisip ko napapangiti ako ng parang tanga. Heh heh, Violet why you so beautiful?

Nakaramdam ako ng may bumatok sa akin, "Hoy Clang, oh my god! Ngumingiti ka na mag-isa?!" Takot na sabi ni Sachi, lumayo pa siya ng kaunti sa akin. Ang OA naman nito.

Nairapan ko siya, ewan ko ba kung bakit pagka kay Sachi nagiging mataray ako. Ang cute kasi ng itsura niyan pagka tinatarayan siya. Ang cute cute cute ng mukha.

May naisip akong itanong kay Sachi, "Ay oo nga pala Sach, may isa pa akong tanong." Tumango lang siya sa akin para ituloy ang itatanong ko. "Ano 'yung Hierarchy na sinasabi ni Ken at Violet?" Kinilig ako ng wala sa oras ng banggitin ko ang pangalan ni Violet. My god..

"Oh! Hierarchy Six." Ngumiti si Sachi, "Hierarchy, sila 'yung mga top students dito Clang. Six sila lahat, iba iba ng courses. Sila din ang mga anak ng founder at board members ng school na 'to. 3 'yung board members, 2 families naman ang founder. Dapat nga Hierarchy Seven pero 'yung isa kasing pamilya na founder nito nag-iisa na lang, not to mention tapos na ng college, so ayun nga. Six na lang tuloy." Pageexplain nito.

Okay? Gumaganon pala 'tong school na 'to? "Sabi ni Violet, top daw 'yung ate niya sa Hierarchy?" Pagsisigurado ko, hindi naman sa sinasabi kong niloloko ako ni Violet my labs, pero gusto ko lang mag-explain ulit si Sachi, para malinaw na rin.

Tumango tango si Sachi habang kinakalikot ang iPhone niya, "Yep! Top 1 nga siya diba, Top 2 is Violet, Top 3 is Kennedy, Top 4 si Florence, Top 5 naman si Francis." Sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa phone niya.

"Eh sino 'yung Top 6?" Pabitin effect na naman 'to eh.

"Ay, Top 6. Si Sachiko Kana pala." Parang wala lang na sabi nito. At nag-kibit balikat pa ang gaga. So Kasama pala siya doon sa Hierarchy, kaya naman pala pinagtatawanan niya ako kanina. Bwisit 'to si Sachi.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon