Chapter 20

25.9K 587 81
                                        

A/N: Update! Hahaha. Thank you guys for reading this story. Kahit maraming typos and grammatical errors. Salamas! Enjoy reading!

Clarity's POV

Nakakaasar! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Malakas at nanggigigil kong itinira ang bola papuntang ring.

Missed. Na naman!

Marahas na tinanggal ko ang tali ko sa buhok at ginulo ito. Shete, kanina ko pa tina-try maka three points pero ayaw talaga. Katatapos lang ng training, napagalitan pa ako ni Coach at napahiya sa buong Team. Wala daw ako sa focus nitong mga nakaraang araw. At malapit na ang laban namin sa kabilang unibersidad kaya naman todo push si Coach. Konting training sa umaga, training sa hapon. Wala naman sa akin 'yung pagpapahirap sa training ang kaso lang, napahiya kasi ako kanina. Nabulyawan ako ng tuluyan ni Coach eh. Kaya naman sadya akong nagpaiwan para makapagsolo muna. Nagbabakasakaling makapagfocus ako kung magisa lang muna, pero ang problema, hindi pa rin ako makapagfocus! Walang nagawa!

Eh paano nga naman ako makakapagfocus kung ang panay sigaw at laman ng utak ko ay si Indigo?! 'Yung may topak talagang 'yon! Hindi manlang mag-explain kung bakit siya naging gano'n na lang basta basta. Kung kailan naman gustong gusto ko na siya, tsaka siya magda-drama ng ayaw na niya akong makita ever?! Aray ha! Ang sakit kaya nung sinabi niya sa akin 'yon. Iniisip ko tuloy kung may alam siya tungkol sa pag-amin sa akin ni Violet. Nagulat ako siyempre, hindi naman kasi halata na gusto niya ako, o ako lang talaga ang dakilang walang kaalam alam at hindi nakakahalata? Napaisip tuloy ako, kaya ba sweet si Violet sa akin minsan? Tumatak kasi sa isip ko na straight siya at friendly gestures niya lang 'yon. Hay nako.. Indigo... Namimiss na kita, alam mo ba 'yon?! Si Violet na crush ko, tinanggihan ko para sa'yo. Tapos.. Tapos..

Umiling iling ako at pinilit na matanggal ang magandang pagmumukha ni toyo sa isipan ko. Nakakaiyak naman. Maharas kong pinunasan gamit ng kamay ko ang isang guhit ng luha na lumabas lang ng basta basta na walang pasabi sa isang mata ko. Focus Clarity! Kailangan mong galingan sa nararating na laban!

"Clang!" Narinig kong tawag sa akin. Pagtingin ko sa kung sino, si Violet pala. Ang lapad ng ngiti niya. May nangyari kayang maganda? "Hey!" Medyo hinihingal pa siya, lakad takbo kasi ang ginawa kaya ayan. Hindi naman ako mawawala, bakit siya nagmadaling makalapit sa akin? "May gagawin ka ba later? Samahan mo naman ako oh." Paglalambing pa nito sa akin.

Napatawa naman ako kay Violet, para siyang bata ngayon. Nagpuppy eyes pa ang bruha, "Saan ba 'yan?" Naglakad ako papunta kung nasaan ang face towel at bote ng tubig ko. Okay naman kami, mas lalo nga kami naging close kasi hindi naman sineryoso ni Violet ang pagtanggi ko sa nararamdaman niya. Okay lang daw 'yon. Hindi na rin naman siya nagtanong kung bakit, kaya hindi ko na lang rin sinabi na dahil gusto ko ang kapatid niya.

Nakasunod si Violet sa akin, habang may kung anong binabasa sa cellphone nito. Tingnan mo 'tong babaeng 'to, kakausapin ako wala naman sa akin ang atensyon. Napatikhim ako kaya naman napatingin siya sa akin, na nakangiti. "Ay, sorry Clang. May nag-text lang." Nilagay na niya ulit ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang itim na pantalon. Bagay pala kay Violet ang naka skinny jeans lang. Minsan ko lang siya makitang nakaganito. Si Indigo kaya? Ano kayang itsura no'n kung nakasimpleng attire lang? "Psst! Earth to Clarity!" Winagayway ni Violet ang kamay niya sa mukha ko.

Nahihiyang nagiwas ako ng tingin sa kaniya. Shet ka Clarity, kahiya. Nakatingin ka sa kaniya pero si Indigo naman iniisip mo. "A-ah, saan 'yung pupuntahan? Meron kasi akong lakad Vi eh. Fiesta do'n sa may barangay namin at may peryahan na rin. Niyaya ako nung mga katropa ko." Binigyan ko siya ng nagpapaumanhing tingin. Sa susunod ko na lang siya sasamahan, nauna kasing magyaya sila Julius.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon