Chapter 14

22.8K 642 67
                                        

Clarity's POV


Friday..


Napabuntong hininga ako habang tamad na tamad na bumabangon sa aking pinakamamahal na kama. Ang lamig lamig, walang tigil kasi 'yung ulan simula kagabi. Halatang nakikisama sa mood ko. Bakit ba kasi ako na naman ang napagtripan ng Indigo na 'yan? 'Sus! Binigyan ka na ng pick up lines at halos nag-liveshow na kayo sa BB dahil sa paghahalikan niyo aba't naisip mo pa na pinagtitripan ka lang?! Wow! Ang chicks mo ha Clarity! Pabebe ha? Pabebe?


Hinilot hilot ko ang aking sintido dahil nababaliw na naman ako. 

Hanggang ngayon kasi, hindi ako makapaniwala na ako, na ang isang Clarity Ignacio na mas mahirap pa sa daga ay magugustuhan ng isang Indigo Delabuella na maarte pa sa maarte? Ok ok, mayaman pa sa mayaman. Pft. She's so out of my league kasi alam niyo 'yun? Kumbaga parang siya 'yung nasa pinakatuktok ng pyramid, tapos ako 'yung nasa pinakailalim na nadadaganan ng lahat. 

Hay.. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, hindi naman sa nag-papakachicks pa ako pero ayoko naman madaliin 'yung nangyayari sa amin ni Indigo. Tsaka hindi pa kasi lubusang nawawala si Violet sa isip ko. Kahit kaunti nandoon pa rin naman siya. At ang pinagtataka ko ngayon, parang ang ilap niya sa akin. Wala naman akong ginawa. Hindi rin naman gano'n si Violet na pilit ngumiti at minsan hindi ako papansinin na parang wala ako sa harapan niya. Si Florence nga gano'n pa rin eh, napakalandi at pilit akong niyayakap. Ewan ko ba kung gano'n siya sa lahat pero sure ako na sa akin gano'n siya. Gano'n rin siya kay Violet. Ah, oo nga pala.


Napailing ako nang maisip ko si Violet. Ano kaya ang problema nun?


"Ignacio!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ma'am. Shet ka Clarity, lumulutang na naman 'yang isip mo.


"P-po?" Nahihiyang sagot ko, nakatingin kasi sa akin ang lahat.


"Stop day dreaming and answer question number 17." Masungit na sabi nito. May iba na narinig ko na tumawa. 'Yung iba naman walang pakialam. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa unahan para sagutan 'yung tanong. Mabuti na lang at nakapagaral ako. Hay, focus kasi Clarity. Huwag mo munang isipin 'yung dalawang Delabuella.


"Clang okay ka lang ba? Parang kanina ka pa 'yata may iniisip?" Tanong sa akin ni Josh. Kasabay ko itong naglalakad papuntang gymnasium. Meron daw kasi siyang kailangan kausapin na kaklase kaya raw siya papunta doon.


"Okay lang ako Josh." Nginitian ko na lang siya para hindi na magtanong. Bigla kong nakita si Violet na papalabas ng gymnasium. Oras na siguro para tanungin kung bakit gano'n siya sa akin. "Josh maiwan na muna pala kita." Dali dali akong naglakad kung nasaan si Violet. May hawak itong libro na yakap yakap niya. "Violet!"


Bigla naman itong napalingon sa gawi ko at biglang napangiti, "Oh, Clarity? Hi, kamusta?" Nakangiti nitong tanong sa akin.


Hinihingal akong nagsalita, bahala na kung ma-late ako sa training ang mahalaga eh matanong ko 'tong isa kung bakit gano'n siya sa akin nung mga nakaraang araw, ayoko kasi talaga na may masama ang loob sa akin. "P-pwede ba kitang makausap?"


Tumaas naman ang mga kilay nito sa akin, "Sure.."


Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon