A/N: Not edited, sorry for the typos.
Clarity's POV
"Class dismissed. Don't forget your reports on Monday."
Napabuntong hininga ako bago ligpitin 'yung mga ballpen at papel na ginamit ko. Sobra 'tong mga professors namin, walang patawad! Tuwing magwi-weekend na, sangkatutak naman ang mga pinapagawa, edi gano'n rin 'yon diba? Nasaan ang pahinga? Take note, freshman pa lang ako. Paano na kaya kung graduating na?
"Clang, may practice tayo ng banda mamaya. 'Wag mong kalimutan." Sabi sa akin ni Josh. Ay shet, isa pa pala 'yon. Ang dami ko nang gagawin eh. May training pa ako, tapos kailangan ko pang puntahan si Indigo sa Department of Political Science nila. Ewan ko kung bakit niya ko pinapupunta, may toyo 'yon eh. "Clang ha, mamaya?" Napatingin ako kay Josh na nangungusap ang mga mata sa akin. Kulang na lang lumuhod rin siya. Alam ko namang desperado sila sa gitarista. Ang pinagtataka ko lang, ang dami daming gustong sumali sa banda nila pero sa akin itong si Josh nagpupumilit.
Napakamot ako sa ulo ko, "Josh, hindi ba pwedeng bukas na lang? May pupuntahan pa kasi ako eh, tapos may training pa." Kulang na lang rin lumuhod ako sa kaniya, hindi ko naman pwedeng hindi puntahan si Indigo, takot ko na lang do'n, baka mag beast mode na naman eh.
Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Josh, "Saan ka ba pupunta? Samahan na kita." Sabi pa nito.
"Hindi na Josh. Kaya ko naman."
"Sige na Clang, minsan na lang tayong magkasama." Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya, "I mean, minsan lang tayo magkausap, ang busy mo kasi masyado." Natatawang sabi nito.
Napahimas naman ako sa batok ko, "Ehh..." Hindi ako sigurado kung anong magiging reaksyon ni Indie pag-sinama ko 'to eh. "O siya sige na nga, basta pakisabi na bukas na lang ang practice sa banda? Please Josh!" Pagmamakaawa ko pa. Baka kasi pag nagpractice pa kami ngayon, tuluyan na akong bumigay sa pagod.
"Sure sure." Kung makangiti naman 'to si Josh, wagas!
Napailing na lang ako. Naglakad kami patungong building nila Indigo, walang tigil naman si Josh sa pagkukwento ng kung ano ano. Ang daldal rin pala ng lalaking 'to, daig pa si Sachi.
"Clang may nagugustuhan ka ba ngayon?" Medyo nabigla ako sa tanong niya, nakatingin lang si Josh sa unahan habang naglalakad kami, seryoso ang mukha nito.
Saan ba nagsusuot itong si Josh at hindi alam 'yung sa amin ni Indie? Eh halos lahat ng estudyante dito alam na tungkol doon sa paghahalikan namin sa may BB. "M-Meron," Nahihiya kong sagot.
Kumunot ang noo ni Josh, "Ah totoo 'yung about sa inyo ni Indigo?"
Hindi naman ako makasagot dahil sa hiya, alam kong namumula na ako ngayon. "Uhh.. S-siguro.." Mahinang sabi ko, di ko alam kung narinig niya. Meron kasing bumati sa kaniya, siguro mga kaibigan niya.
"Ano 'yon Clang?" Tanong ni Josh ng makalagpas na kami doon sa group of friends niya.
"W-wala. Nandito na pala tayo."
"Department of Pol. Sci.? Si Indigo ba 'yung pupuntahan mo?" Kunot noong tanong nito. Tumango lang ako sa kaniya at patuloy na naglakad. Sasama sama itong lalaking 'to na hindi tinatanong kung saan pupunta. Napailing ako. Di ko alam kung bakit biglang nagiba para sa akin 'yung aura niya ng nalaman niyang si Indigo ang pupuntahan ko.
"Clang hintay naman!" Sigaw ni Josh, paano ba naman tumigil siya sa paglalakad kanina at parang tangang nakatingin sa building. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"J-Josh--" Bago pa ako makapagreklamo ay may biglang humarang na Dyosa sa harapan namin. Agad kong hinila ang kamay ko. Shit.
Makikita sa mukha ni Indigo na hindi siya masaya sa kaniyang nakikita, "Clarity," Bati nito sa isang napakababang boses. Siguro kung panahon 'yung boses niya ngayon, sobrang lamig at nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang si Indigo kay Josh na nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
TienerfictiePaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...