🙊
Clarity's POV
"Clang watch out!"
Palingon ako kung saan galing ang pamilyar na boses nang bigla akong makaramdam ng sakit sa ulo. Napaupo ako sa damuhan sapo ang ulo ko kaya naman nabitawan ko ang mga librong hawak ko. Nakalog yata ang utak ko do'n.
"Oh my God! I'm so sorry! Is she okay Captain?"
Boses 'yon ng babae. Hindi naman obvious na natataranta siya 'no?
"Shit, you're dead."
"Uh-oh. Tsk, tsk."
"Clang? Gusto mo bang ihatid kita sa clinic?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa boses na narinig ko, familiar kasi talaga. Doon ko narealize na nasa harapan ko na pala ang buong volleyball team. Ah, si Florence nga pala ang Captain nila. Isa-isa ko silang pinagmasdan. Lahat sila may hitsura, pero ang naka-agaw ng atensyon ko ay yung isang maputi, mahaba ang buhok na naka-ponytail at mukhang paiyak na. Katabi niya yung girl na maiksi ang buhok, mestiza at nakangisi habang nakahalukipkip. Tapos may isa pang may kaitiman ang balat at medyo kahawig ni Beyoncé. Nasa bandang likod sila ni Flo nakatayo.
"Clang?" tawag ulit ni Florence.
"Ay! O-okay lang ako Flo," pilit-ngiting sabi ko sa kaniya. Masakit pa rin ang ulo ko, pero jusko naman, suking-suki na ko sa clinic eh! But no, not today. Kaya ko pa naman, basta ipapahinga lang, itutulog ko lang 'to.
"Are you sure? Baka magalit si Indie, you know her naman. Napakaprotective no'n sa'yo, over na nga eh. She thinks you're her baby, as in literal. Pero kung mag-away naman kayo, kung makapanakit siya sa'yo physically. My God!" napairap si Florence. 'Di ko napigilan ang mapatawa kahit na kumikirot ang ulo ko. Totoo naman kasi ang sinabi niya, ang gusto yata ni Indie siya lang ang puwedeng manakit sa'kin. At siya lang naman talaga ang may kakayahang saktan ka.
Nang tumingin ulit ako sa mga kasama ni Flo, napansin ko yung babaeng mahaba ang buhok na tuluyan nang napaluha. Tumingin ako pabalik kay Florence at pasimpleng nginuso ang direksyon nito. Napatawa siya at nilapitan ang babae.
"Cam stop crying, she's okay. Walang gagawin si Indie sa'yo." Tumingin si Flo do'n sa maikli ang buhok at tumango.
"Why me?" reklamo ng babae, halatang maldita sa pananalita pa lang.
"Because why the hell not Audrina?" hamon naman ni Flo na nakataas na ang isang kilay. Lumabas ang pagiging superior niya. Para saan pa ang pagiging Hierarchy niya kung 'di niya naman gagamitin 'to, 'di ba? Pinaalis na niya yung iba kaya kaming lima na lang ang natira.
Umangil itong si Audrina at agad hinila palayo yung Cam na cute at tahimik lang habang nahikbi. Iyakin yata ang isang 'to. Gusto ko sana siyang lapitan at sabihin na okay lang, kaso nakalayo na sila tsaka medyo masakit pa rin ang ulo ko mula sa pagkakatama ng bola.
"Captain I'll go ahead." Napatingin naman ako sa kahawig ni Beyoncé. "Bye Clang." Ngumiti siya sa'kin kaya napangiti na lang din ako; may friendly vibe kasi siya.
Tumabi si Florence sa akin, pareho na tuloy kaming nakaupo sa may damuhan. Dito kasi ako napadaan sa open field para makapag-isip. Masyado nga yatang napalalim kanina kaya hindi ko namalayan na may naglalaro na pala ng volleyball.
"So, why are you zoning out? Is it because of that Allison girl?"
Nagulat ako sa sinabi ni Flo. Alam niya pala, mukhang nai-kuwento na ni Indie sa kaniya. Hindi ako sumagot at pinagpipitas na lang yung damo. Kunwari buhok 'to ni Allison, at least sa ganitong paraan masabunutan ko siya, makabawi man lang. Kakagigil ang babaeng 'yon!
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...