Chapter 8

22.4K 689 62
                                    

Clarity's POV

"Sinong kasama mo mamaya?" Tanong ni ate Malaya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na nabigyan ako ni Natasha ng tickets para sa laban mamaya ng St. Silica.

"Sino pa ba, edi si Sachi." Medyo badtrip ako dahil nakita ko na naman ang pag-mumukha ni Indigo kanina sa may school at syempre, bumalik na naman siya sa dati. Hindi na naman ako tinigilan. Pinahiya na naman ako sa buong student body.

Tinaasan ako ng kilay ni ate Malaya, "Problema mo? Bakit parang masama ang timpla ng mukha mo diyan?" Nag-tatakang tanong nito habang may kung ano mang inaayos sa loob ng bag niya. Dinalaw ko siya dito sa lumang bahay namin dahil nga na-badtrip ako do'n sa school. Kailangan ko munang makalayo sa impyerno kung nasaan si Indigo Delabuella.

Napabuntong hininga ako at umungol na parang bata, "Ehhhh ate, nakakairita na 'yung anak na panganay ni Gov. Pogi hindi ko alam kung anong trip no'n at ako palagi ang punterya!" Pagrereklamo ko, nagulo ko tuloy ang sarili kong buhok.

Napatawa sa akin si ate dahil sa inaasta ko ngayon. "Baka crush ka." Natatawa pa rin niyang sagot. Nag-bibiro ba siya?!

Nabigyan ko naman siya ng tawang sarkastiko, "Nice one ate. Good joke ha. Natawa ako do'n." Binigyan ko pa siya ng dalawang thumbs up.

Inirapan ako ni ate Malaya, "Gaga, hindi ako nag-jojoke. Sabi mo, hindi ka tinatantanan. Ano ba exactly ang pinag-gagawa niya sa'yo?" Napaisip naman ako sa tanong niya.

Hmm, usually sa umaga pagka-papasok na akong Architecture and Designs Building namin, nandoon agad si Indigo sa may entrance kasama ang kaniyang signature smirk na alam mong may binabalak na karumaldumal sa akin. May mga alagad pa siyang kasama na talagang susundin kung ano ang sabihin niya. For example, uutusan niya ang alagad niya na harangan ako kung saan ako dadaan. Ito namang si ako hindi papansinin 'yung alagad para makadaan ako sa kabila pero haharang ulit. Nakangiti pa ito ng inosente na parang walang ginagawang pang-iinis sa akin. Habang si Indigo Delabuella ay nakangisi na nanonood lamang sa kung anong kalokohan ang pinag-gagawa nila. Minsan naman, nanakawin ng isang alagad niya ang mga gamit na hawak ko o kaya naman ang bag ko mismo, at itatapon ang may sa basurahan. Kita niyo na? Kung gaano ka-demonyita 'yung babaeng 'yon sabay sasabihin ni ate Malaya na crush ako ni Indigo? Ganon ba pakitunguhan ang crush?!

Pinisil ni ate Malaya ang aking pisngi kaya naman napabalik ang atensyon ko sa kaniya, hindi ko pa pala nasasagot ang tanong niya. "Basta ate, huwag mo nang alamin." Sabi ko na lang, kilala ko 'tong babaeng 'to. Protective ito sa akin kaya baka pagka-nalaman niya 'yung mga kalokohan ni Indigo baka masugod niya ng di oras at mawalan pa siya ng trabaho. Brat pa naman din 'yung isa.


Napailing na lang si ate sa akin, "Osiya, dito ka lang ba? May lakad ako." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Saan naman pupunta 'to, eh day off niya?

"Saan ka pupunta?" Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagpapalit ng damit. Pormang porma ah.

Biglang namula ang pisngi ng ate ko. Oh my god! Huwag mong sabihin...? "A-ah niyaya kasi ako nung ka-trabaho ko sa St. Silica. Manonood kami ng sine." Kinakabahang tumawa ito.

Napataas ang kanang kilay ko sa kaniya, "Date?" Ngumisi ako sa kaniya dahil tuluyang namula si ate.

"H-hindi ah!" Tanggi nito na umiiling iling pa.

Hindi ko pinansin ang pag-tanggi niya, "Sino 'yang ka-date mo at bihis na bihis ka? Ate ha, magsabi ka!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Inis na kumamot ito sa ulo niya, "Oo na! Ang kulit mo letse! Si Miguel, 'yung nasa registrar's office rin. Eh umamin sa akin nung isang araw, pogi rin naman at mabait. So why not.." Sabi ni ate Malaya. May kakaiba kay ate, feeling ko hindi naman talaga niya gustong sumama, ang lalim kasi ng iniisip niya pag-katapos niya sabihin sa akin.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon