Chapter 7

23.6K 582 67
                                    

Clarity's POV

Grabe sobrang init. Hindi naman summer pero feeling ko summer ngayon. Hindi ba dapat tag-ulan ngayong pasukan? August na august ang init init. Kasama ko si Sachi dito sa may mall. Nag-pasama na naman ang bruha, pumayag na ko at manglilibre daw siya ng halo-halo dahil kanina pa daw ako nagrereklamo sa init.

"Clang, sama ka sa akin mamaya. Puntahan ko lang 'yung senior ko doon sa may practice gym ng St. Silica." Sabi ni Sachi habang tinatanggal niya 'yung pinipig ng halo-halo niya. Ayaw niya daw kasi non.

Tumango na lang ako, tutal hindi ko pa napupuntahan 'yun. Mga buildings and classrooms lang kasi ang pinakita sa akin. 'Yung practice gym for varsities ay hindi pa.

Ngumiti ng malawak itong kaibigan kong lokaret na cute at hinalikan na naman ako sa pisngi. Napaka-showy at clingy nitong babaeng 'to kahit kailan. Mamaya mapag-kamalan pa kaming mag-jowa.

Bukas na nga pala 'yung laban ng St. Silica sa Benson University pero hindi ko pa din natatanong si Sachi kung pwede siya ang isama ko. Nag-dadalawang isip kasi ako kung siya or si Violet ang bibigyan ko ng ticket. Kinilig na naman ako ng maisip ko si Violet my labs.

"Clang? Kanina pa ako nag-sasalita kung makangiti ka naman diyan. May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nakangusong sabi ni Sachi. Aba malay ko bang nag-sasalita siya, busy ako kaiisip kay Violet eh.

"Ay sorry Sachi. Ano 'yun?"

Inikot ni Sachi ang mga mata niya, "Sabi ko, pupunta ka ba bukas sa laban ng school?" Ah, 'yun pala ang tinatanong niya. Jusko paano ko ito sasagutin?

Napalunok ako ng wala sa oras, "Ah eh d-diba kailangan ng t-ticket dun?" Good job Clarity, hindi ka nahalata ni Sachi na kinabahan ka. Patuloy lang kasi si Sachi kumain ng halo-halo niya na parang walang pakialam sa mundo.

"Yup!" 'Yun lang? 'Yun lang reply niya sa mautal-utal kong pahayag kanina?

Hindi ko na natiis at nag-tanong na lang, "Bakit mo natanong?"

Sasagot na sana si Sachi ng may biglang umepal, ay este nag-salita, "Hi Clang." Bati nito sa akin.

Napatingin tuloy ako kung saan nanggagaling ang boses, "Uy! Julius?!" Napatingin ako sa kasama niya, sila Lara at Baste. Wala 'yung dalawang mokong. "Anong ginawa niyo dito?" Duh malamang mall 'to Clarity. Pinigilan kong mabatukan ang sarili ko.

Si Lara ang sumagot at sumenyas ako na umupo sila. Naupo sa tabi ko si Lara, umupo naman sa tabi ni Sachi si Baste na namumula pa. Alam naman nating lahat na may crush kay Sachi itong kaibigan ko. Natatawa tuloy ako sa itsura ni Baste ngayon, wala naman pakialam si Sachi sa kaniya at ngumiti lang kela Lara at Julius habang patuloy na kumakain ng halo-halo. "Ang init kasi ng panahon kaya naisipan ni Julius na mag-gala muna. At ayun nga nakita ka namin dito kaya pinuntahan ka na namin. Tagal ka na naming hindi nakakausap eh hanggang text lang. Kalimitan pa, busy ka sa mga hinahabol mong lessons kaya tuwing yayayain ka namin eh hindi ka puwede." Mahabang pahayag ni Lara na may halong tampo sa boses nito.

Nakaramdam naman ako ng guilt. Pero totoo naman ang sinabi ni Lara na nag-habol talaga ako ng mga kailangan habulin sa mga lessons ng mga profs. ko dahil nga dalawang buwan din akong na late pumasok sa school. At tanging ngayong araw ko din natapos ang pag-hahabol kaya nagka-oras akong samahan itong si Sachi.

Kinurot ko ang pisngi ng nakabusangot na Lara, "Sorry na. Babawi na lang ako sa inyo ha." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Natatawa na lang si Julius sa itsura ng girlfriend niya.

Tumango si Lara habang nagtanong naman si Julius sa akin, "O ano Clang, kamusta ang school mo? Madami bang chicks?" Nakakalokong tanong ni Julius. Nasapok tuloy siya ni Lara.

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon