Chapter 16

22.1K 646 144
                                    

Clarity's POV

"'Te naman! Pinakaba mo naman ako eh!" Naiiyak kong sabi kay ate Malaya, para tuloy akong bata ngayon na pinadyak pa ang isang paa sa sahig. Nakaheels pa naman din ako! Nakaupo siya ngayon sa kaniyang hospital bed at kumakain ng Chowking halo-halo. Aba sitting pretty ang babaita ng makarating ako, akala ko naman nagaagaw buhay na. Walanjo.

Patuloy lang si ate sa pagkain at hindi pinansin ang pagdadrama ko. Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa bruha kong kapatid 'yun pala natapilok at nagpagulong gulong do'n sa may hagdanan ng St. Silica, hindi daw kasi tumitingin sa dinadaanan niya sabi ni Natasha. Oo, si Nat ang nakakita kay ate ng matapilok at mahulog sa hagdan. Hindi ko alam sa dalawang 'to, may elevator naman pero do'n dumadaan sa hagdanan? 'Yung totoo, hindi uso sa kanila 'no?

Tumigil muna sa pagchibog si ate, ngumiti ito sa akin ng nakakaloko, "Yiee si Clang, concern sa akin. Halika nga dito." Pinalapit niya ako at niyakap ng mahigpit, bago ako pakawalan ni ate ay binigyan niya muna ako ng isang halik sa noo.

Meron siyang benda sa kaniyang paa at braso, meron din siyang kaunting galos sa baba niya pero hindi naman nakapangit sa mukha niya, maganda pa rin siya. Nainggit naman ako do'n sa ube na nakikita ko, peborit ko 'yun eh. Hays.. Kahit kailan ka talaga Clarity.

"O sa'yo na." Nabuhayan ang mga mata ko ng iabot sa akin ang halo-halo. Matawa tawa si ate sa akin. "Bakit nga pala ganyan ang suot mo? Ang sexy mo ha. Hindi ko akalain na may tinatago ka palang alindog Clang. Ang landi!" Asar sa akin ni ate. Naku, hindi ko nga pala nasabi sa kaniya 'yung tungkol sa date namin ni Indigo. Tsk, paano ko ngayon 'to sasabihin sa kaniya? Anong ipapalusot ko?

Nawalan tuloy ako ng gana kainin 'yung halo-halo, nilapag ko ito sa harap ni ate at umayos ng upo sa kama niya. "Ahh may ano kasi 'te, 'yung party do'n sa--" Hindi ko na naituloy ang palusot ko ng biglang may umeksena.

"She had a date with me." Bored na sagot ni Indigo habang nakadekwatro sa may sofa bed ng hospital. Katabi nito si Natasha. And yes people, naandito lang sila sa loob.

Kainis talaga 'to si Arte Queen. Binigyan ako ng nakakalokong tingin ni ate Malaya. Alam ko na 'yan, mang-aasar na 'yan, "Girlfriend mo Clang?! Hala! Ang ganda! Sabi ko na nga ba hindi lang siya basta pumasok dito at pinakita ang kagandahan. Akala ko, modelo ng ospital eh! Parang nakita ko na siya.. Hmm saan nga ba 'yon?" Tumingin si ate Malaya sa taas at nagisip. Maya maya ay biglang lumaki ang mata nito "Ah! Ikaw 'yung nagmomodel 'no?! Sabi na nga ba ikaw 'yon! Modelo nga talaga Clang!" Bakit alam niya 'yun? At jusko po halos mapaiyak ako sa sobrang dami ng sinabi niya. Modelo ng ospital?! May gano'n ba?! Nakakahiya talaga si ate Malaya minsan.

Hindi napigilang mag-react ni Natasha na ikinagulat ko, "Are you serious? You know her, but you couldn't recognize me?! I'm Natasha Brown for heaven's sake!" Napalaki ang mata ko ng tumaas ang boses ni Nat. Anong nangyari? First time kong narinig na tumaas ang mahinhin niyang boses. Parang ibang tao..?

Pinipigilan ni Indigo na mapatawa dahil inunahan ko na siyang panlakihan ng mata. Wala namang nakakatawa sa sitwasyon ah! "A-eh, Nat..?" Kinakabahan kong tinawag si Natasha dahil baka pati ako ay masigawan.

Lumaki naman ang mga mata nito ng parang maalala niya na hindi lang pala siya ang nasa loob ng hospital room na 'to. Tumikhim muna siya at inayos ang medyo nalukot niyang red button blouse, "S-sorry about t-that." Nauutal nitong sabi na hindi makatingin sa direksyon ko.

Hindi na napigilang mapatawa ni Indigo, tumayo ito na iiling iling, "Clarity come with me muna. Let's leave them." Hinawakan ni Indigo ang kamay ko at binigyan ng makahulugang tingin si Nat. Bakit kaya? Ano bang meron? Wala kang kaalam alam Clarity! Duh! Hindi pa ba obvious!?

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon