Clarity's POV
Hindi ko nakita si Nat ng buong linggo, iniisip ko pa rin 'yung kwintas na suot niya. Pareho talaga nung sa akin eh. Hay, tsaka ko na lang iisipin pagka nakita ko ulit si Nat. Ngayon nagre-ready na kami ni Sachi para sa pupuntahan naming resort. Hindi ko alam kung anong klaseng resort 'yon, siguro beach? Gano'n naman ang mga resorts normally 'di ba? Birthday ni Violet bukas at simple lang ang ibibigay kong regalo sa kaniya. Nakakahiya, kasama ko ang mga Hierarchies, ako lang yata ang makakasama nilang sabit eh. Sabi ni Violet pwede naman daw ako magsama kung sino ang gusto ko, buti na lang. Meron kasi akong gustong isama, para dalawa kaming sabit.
"Clang! I'm so so so so soooooo," Tumili si Sachi, langya, para namang kakataying baboy eh, ilang 'so' 'yun? "Soooo uber excited!" Parang kinikilig kilig pa na sabi nito. Ok, ilang 'so'? Mga wampipti.
"Ay Sachi hindi halata." Sarkastikong sabi ko sa kaniya.
Lumabi si Sachi, "Clang, why are you so grumpy tonight?" Nagtatakang tanong naman niya sa akin na nakanguso pa rin.
Napansin niya pala 'yon, ang totoo niyan kanina pa ako wala sa mood. Ito kasing bwisit na Indigo na 'to may topak talaga sa ulo. Hindi na naman ako pinapansin, wala naman akong naaalala na may nagawa akong mali para umarte siya ng gano'n. May sayad talaga. Kahapon lang magka-text kami panay banat pa sa akin, ng bigla kong pinagpaalam sa kaniya na may isasama ako bukas, biglang nawala sa mood at hindi na nagreply, tinatawagan ko nga, binabaan lang ako at pinatayan ng cellphone. Hanggang ngayon hindi ko ma-contact. Nasaan ang hustisya?! "Wala Sachi, inaantok lang ako tsaka may iniisip." Tinignan ko siya ng may paghihinala, "Bakit ba excited na excited ka? First time mo bang sumama sa ganito?" Taas kilay kong tanong.
Bumungisngis si Sachi, gumagalaw galaw pa ang mga balikat nito. Ang cute letse! Paano nagawang ipagpalit ni Ken 'to kay Idol? No offense kay Idol Kurt, pogi naman siya tsaka malakas ang dating, gentleman pa. Pero kasi, grabe 'yung adorableness ni Sachi eh, "Hihi, kasi Clang, first time kitang makakasama sa ganitong klaseng outing!" Niyakap ako ni Sachi at hinalikan sa pisngi. Awww...
Nakangiting niyakap ko siya pabalik, "Aww, ang sweet mo naman Sach."
Humagikhik si Sachi at pinagpatuloy ang pagiimpake niya, "Good vibes.. Good vibes.." Pakanta kanta pa nitong sinabi. Hmm.. Mukhang good vibes nga siya. Hindi na lang ako nagtanong kung bakit, mukhang wala rin naman siyang balak sabihin.
Alas tres ng umaga ng mag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko sa caller, 'yung mukha ni Indigo ang nasilayan ko, ang nilagay kong picture niya ay 'yung may foam siya nung Brazillian Lemonade na pinatikim niya sa akin last week, nagkaroon tuloy siya ng instant bigote na kulay puti, "Hello?" Inaantok kong pagsagot. Hanep rin ang timing niya sa pag-tawag eh. Ilang segundo ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Hmm? Baka naman tulog pa 'to si topak? Sleep calling, pwede ba 'yun? Tumingin ako sa cellphone at nakitang hindi pa naman nakababa ang call. "Hello? Indie, huy!"
Nakarinig ako ng hikbi, hala? "H-hey.." Narinig ko ang medyo paos na boses ni Indigo.
Napaupo ako sa hinihigaan ko ng biglaan, di ko na pinansin kung magulo man ang buhok ko o hindi, "Ano nangyari sa'yo? Umiiyak ka ba?" Natataranta kong tanong.
"W-what? No!" Todo tanggi pa ni toyo kahit halata naman.
"Bakit ka umiiyak Indie?" Mahinahong tanong ko sa kaniya sabay kamot sa ulo ko.
"Open the door." Sabi nito.
"Ha? Anong door?" Parang tanga kong tanong.
"Open the door, I'm outside.."
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...