A/N: I apologize for not editing, may mga typos 'yan and loads of grammatical errors.. I think. Bahala na kayo. :P
Clarity's POV
"Sige na Indie try mo 'to, isa lang naman! 'Wag ka nga KJ!" Naiinis na ko dito kay toyo, ang arte, ayaw kainin 'tong isaw na hawak hawak ko. Susubuan na nga ayaw pa! Kanina ko pa rin pinipilit pero ayaw talaga!
Umasim lalo ang mukha ni Indigo ng maamoy ang hawak ko, dumikit kasi sa ilong niya yung isaw na sinawsaw ko sa suka, "Ugh, I think I'm going to puke!" Tinulak niya yung kamay ko na may hawak hawak ng stick na may isaw. Bwisit, muntik na mahulog! Sinamaan ko siya ng tingin, pero gano'n na lang rin ang tingin niya sa akin.
Inirapan ko siya, "Ang arte mo, tikim lang naman! Tikim!" Inirapan ko ulit siya bago ko kinain 'yung isaw. Sayang naman kasi. Ang sarap sarap nito eh. Nakakainis talaga to si topak, hindi ako mapagbigyan! Teka, bigla naman akong may naalala, "Indie.." Medyo may pagkalambing kong tawag sa kaniya.
"What?!" Naiinis nitong lingon sa akin. Nakasimangot pa rin siya habang kinukusot ng daliri niya yung ilong na nadali ng isaw.
Ngumisi ako sa kaniya at humalukipkip sa harapan niya. Napataas ang isang kilay ni Indigo sa ikinilos ko, "'Diba, sabi mo, gagawin mo ang lahat para mapatawad kita? Hindi ko pa naman sinasabing napatawad na kita sa pangsa-snob mo sa akin ng isang linggo na hindi ko man lang alam kung bakit. Tapos ngayon, aartehan mo ako ng ganyan?" Umiling iling pa ako, naging blanko naman ang itsura ng mukha ni Indigo, gusto kong matawa dahil unti unting sumisingkit 'yung mata niya, halatang maya maya ay tila bubuga na ng apoy dahil sa inis. Kumuha ulit ako ng isang stick ng isaw at isinawsaw ulit sa sukang may sili, "O, kainin mo 'to ha. Say ahhhh.." Nakangisi kong sabi sa kaniya.
Lumaki ang butas ng ilong ni Indigo at napahinga ng malalim, pumikit ito ng bahagya at tumingin sa akin ng masama, marahas na kinuha sa akin ni Indigo ang stick na may isaw, "Urgh, I hate you.." Bulong nito bago kumagat ng sobrang liit.
"Ano ba 'yan, ayoko ng ganyang kagat Indie. Lakihan mo!" Utos ko pa, nilakihan ko rin siya ng mata habang nakapamewang pa ako. Wow, hindi ko akalaing magaganito ko na lang basta si Indigo Delabuella. Sana pala lagi siyang may kasalanan sa akin..
Inukutan ako ni Indigo ng mata, "Fine, bossy much? Geez." Bulong na naman nito na akala niya ay hindi ko maririnig, hindi ko na lang pinansin. May palunok lunok pang nalalaman si Indigo bago masubo ang isaw. Kay arte naman talaga oo!
"Indie isa, ang tagal mo ha. Ang dami ng lamok dito oh." Inagiw inagiw ko 'yung mga lamok, gabi na rin kasi. Gusto ko lang talagang pahirapan itong si toyo eh. "Kakagat ka ba ng malaki o hindi!"
Lalong napasimangot ang magandang mukha ni topak, "Oo na! My gosh!" Bigla biglang kinagat ni Indigo ang isaw, halos kalahati rin ang nabawas sa may stick, tumulo pa sa may baba niya 'yung suka kaya agad kong pinunasan ng tissue na hawak ko, nakaalalay naman ang kamay ni Indigo sa pagpunas ko kaya nakaramdam na naman ako ng kuryente dahil sa malambot na kamay ni Indigo. Shete naman! "Why does it taste so bitter Clarity?" Nagtatakang tanong ni Indigo sa akin habang ngumunguya. Ang sama ng itsura ng mukha niya.
Lumaki ang mata ko at napatawa ng malakas. Shet! Mapapatay kaya ako ni Indigo sa sasabihin ko sa kaniya? Shet shet shet! Yari, "Uhh, k-kasi-- s-sorry Indie," Pinigilan kong mapatawa, ng makita kong nilunok ni Indigo ang kanina lang na nginunguya niya ay napatawa ulit ako na halos tumalsik na sa mukha niya 'yung laway ko.
Nagtatakang nakatingin naman sa akin si Indigo na may pangdidiri ang mukha, "Why the hell are you laughing ba? And I swear that thing you call sisaw, 'cause it's definitely not food for me is disgusting, why is it so damn bitter?" Reklamo nito, nilalabas labas niya pa ang dila niya habang nadidiri.
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...