Clarity's POV
"Clang! Look--" Hindi naituloy ni Sachi ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit. "Oh, what happened?" Halatang naguluhan si Sachi sa inasta ko pero niyakap rin naman niya ako pabalik.
"Sachi kainis ka!" Hinataw ko ang braso nito, "Bakit hindi mo sinabing si Idol Kurt pala 'yung naging boyfriend niyan ni Kennedy!?" Inis na kinurot ko ang pisngi ng bestie ko. Kagigil.
Napasimangot sa sakit ng pagkurot ko ang mukha ni Sachi, "Oooow! Stop! E-eh hindi ka naman nagtatanong! Ouch Clang! B-bitaw na!" Reklamo nito. Hawak hawak nito 'yung pisngi niyang namumula at sinamaan ako ng tingin. "Bakit ba affected ka diyan?" Mataray na tanong ni Sachi.
"Aba natural! Bestfriend kita eh. Malamang affected ako." Pagdadahilan ko naman, "Tsaka kasi, parang may g-gusto rin sa'yo si K-Kennedy eh." Mahinang sabi ko. 'Yun naman talaga ang napansin ko, kanina, kung makapag-react 'yung isa eh, akala mong girlfriend ni Sachi.
Napabuntong hininga si Sachi, "Clang, don't give me hope, please." Umupo ito na parang natalo sa lotto. "I don't want to think about Kennedy." Malungkot na sabi ni Sachi ngunit maya maya'y biglang sumigla ang mukha nito at tila may naalala, ano na naman kaya ang nasa isip ng bruhildang 'to? "Oh. My. God. Clang! I almost forgot! May nagpadala no'n oh." Nginuso ni Sachi ang isang color baby pink na box na may pulang ribbon. Jusko po, pink. Mukhang alam ko na..
Kinuha ko ang katamtamang laki na kahon at ipinatong sa kama, pagkabukas ko ay nakakita ako ng isang ubod gandang itim na damit. Pang sosyalan ang dating. Hala, hindi ako nagsusuot ng ganito. Napatingin ako kay Sachi na nakakunot ang noo. "Sachi, hindi ako nagsusuot ng ganito.." Sabi ko habang pinagmamasdan 'yung damit. Ang ganda naman nito.
"Well too bad Clang," Winagayway ni Sachi sa harap ko ang isang card kaya agad ko naman itong kinuha at binasa.
Wear this, no buts or else!
-Indigo
Siyempre Clarity... Sino pa nga ba ang pwedeng magpadala niyan, eh sa kulay pa lang ng kahon eh. Alam na alam na. Napabuntong hininga na lamang ako at sinuri ulit ang damit, hawak hawak ngayon ito ni Sachi habang nakangisi ng napakalapad. Napakamot na lang ako sa ulo ko, seryoso talaga si topak sa date na 'to? Totoo ba talaga ang nararamdaman niya sa akin? Eh paano si Violet? Nako po Clarity.
"Clang! Let's get you ready bilis! Malapit na mag 7 PM!" Excited na pagkakasabi ni Sachi. Parang siya 'yung may date kasi halos mataranta na siya sa kapipili kung anong make up ang gagamitin niya sa akin.
Iniwas ko ang mukha ko kay Sachi ng lalagyan na niya ito ng foundation, "Sach naman! Ayoko niyan! 'Wag na 'yan! "Reklamo ko habang tinutulak palayo 'yung kamay niya. Hindi naman kasi ako nagma-make up. Tsaka mangangati ang mukha ko diyan. Letse naman, kaliligo ko lang rin. Mas okay na 'tong walang make up diba? Simple at fresh tingnan.
Nakabusangot akong nagpalagay kay Sachi ng make up. No choice talaga ako sa babaeng 'to, sinabunutan ba naman ako, "Clang just for tonight lang naman. First real date mo 'to di ba? Hindi ka naman naka-experience ng ganito do'n sa ex mo." Natatawang sabi niya. Oo nga, hindi kami nakapagdate ng ganito ni Rose Ann kasi nga pareho kaming walang alam no'n sa ganitong mga bagay. Hay nako.
"Sachi sure ka bang gusto ako ni Indigo?" Hindi ko napigilang itanong, kinakalikot ko ang hawak hawak kong lip stick. Nagdududa kasi ako, hanggang ngayon maliit ang tingin ko sa aking sarili.
Suminghal si Sachi at nakita ko itong inikot ang mata niyang singkit kasi nasa harap lang ako ng salamin kaya kitang kita ito sa reflection, inaayos na niya kasi ngayon 'yung buhok ko, "Duh, hindi ba halata ha Clang? Bulag ka ba?" Sarkastiko nitong sagot. Umbagan ko kaya 'to?! Nagtatanong lang eh. "And besides Clang, maganda ka, matalino ka, mabait ka at magaling ka pa sa basketball. Hindi mo dapat minamaliit 'yang sarili mo okay? Just be proud of yourself. Promise, ngayon ko lang nakitang nagkagusto si Indie sa isang babae. Well pwera kay Nat. Basta, ang sungit kaya no'n sa ibang nilalang. Kahit nga kaming mga Hierarchies sinusungitan niya eh. Kahit si Violet." Sabay halik nito sa pisngi ko ng matapos niya akong ayusan ng buhok. "You look pretty by the way, wala pang dress 'yan ah? Paano pa kaya kung nakadress ka na." Nakakalokong sabi ni Sachi.
BINABASA MO ANG
Kiss Cam! (GirlxGirl)
Teen FictionPaano kung isang gabi mahalikan mo nang hindi mo ginugusto ang babaeng kinaiinisan mo sa balat ng lupa? 'Yung kulang na lang ay sabunutan mo na ang sarili mo dahil sa kaartehan, kayabangan, kasungitan? Huwag natin kalimutan na matapobre pa. Maaapekt...