Simula

1.7K 39 1
                                    

Simula






I am warm. But my warmth isn't welcoming. It always feels like burning you and never comforting like of a home. A kind of warmth you wouldn't miss but rather hate.

"Hindi ko nga talaga nakita, Iñigo!"

Lumubog agad ako sa tubig sa tago at madilim na bahagi ng pool. Pigil ang hiningang tinatanaw sila mula sa repleksyon ng tubig.

Umambang susulong si Raki sa direksyon ko kaya lang ay mabilis na hinarang ni Heidi. Matalim naman ang tingin ni Iñigo nang bumaling sa katabing si Raki na halatang nagpupuyos na ng galit.

From where I am hiding, I couldn't hear them talking clearly. All I could hear are murmurs and they don't sound like words to me. Pigil na nga ang paghinga, mas lalo ko pang nahugot dahil sa sandaling pagtama ng tingin ni Iñigo sa akin.

Small bubbles escaped from my mouth as I stayed in the water a little longer. Good thing that I can hold my breath for a minute. Gawa ng swimming lessons ko noon at paminsanang pagsali ko sa swimming competitions, na-practice ko na 'to.

The last thing I want to do right now is to resurface and let them see me. But it can't be helped. Lalo pa nang nakita kong muntik nang suntukin ni Raki si Iñigo!

Lahat sila ay napalingon sa akin dahil sa marahas na pagsabog ng tubig nang umahon ako. Hinabol ko agad ang paghinga na halos isang minuto kong pinigilan sa ilalim ng tubig.

"Sanja!" Heidi called in a warning tone.

Matamlay akong ngumiti, gustong sabihin sa kanya na susuko na ako. Na ayoko na magtago.

Raki immediately looked for a clean towel while Iñigo went to the side of the pool nearest to me. Lumuhod at naglahad ng kamay na agad ko namang tinanggap. Sa mahinang hila ay tinulungan niya akong makaahon ng tuluyan sa tubig.

"I was looking for you," he said as he took off his jacket.

Ambang ilalagay iyon sa balikat ko nang inunahan ni Raki ng puting tuwalya. Naramdaman ko agad ang tensyon kaya bago pa ako madamay, umalis na agad ako ro'n at tumabi sa kaibigan.

Gusto ko tuloy matawa. Madamay? Paanong hindi ako madadamay e ako naman ang dahilan kung bakit sila nandito at kung bakit halos magsuntukan na?

"You are a femme fatale."

My mother always reminds me of that. I don't know if I remember it because of her constant reminder or I really do believe that I am. Perhaps it defines me.

"I already told you, Raki. I don't do boyfriend," ngayon, nahihirapan akong takasan ang gulong 'to.

Heidi hosted a pool party in their house. Wala namang okasyon para magtapon siya ng party. Sa totoo lang, ako naman talaga ang nagpasimuno nito. I'm bored and I want to have some fun. Naisip ko na magandang pagkakataon din dahil wala sila Mama. Wala munang magbabawal sa akin.

"Then why is this jerk here? Ano mo si Iñigo? Fling?" nahimigan ko ang inis sa kanyang boses.

I glanced at Iñigo who is now sipping on his juice. Kalmado lang siyang nakikinig sa amin ni Raki at para bang wala siyang pangamba na masusuntok na siya ni Raki kapag nagtagal pa siya.

Muli kong binalingan si Raki.

"He is not my boyfriend, Raki. No one from the two of you is my boyfriend. Nandito si Iñigo dahil inimbita siya ni Heidi."

He raised his brow mockingly.

"And who do you think invited me here?"

Sige, aaminin ko. It was me who invited Iñigo here. It was a lie. Well, I always lie. And I don't mind lying just to make an escape from situations like this.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon