Kabanata 16

497 13 6
                                    


Kabanata 16
Inuman





I'm bothered. Panay sulyap ako kay Ryleigh na kalmadong tumutugon sa lahat ng tanong ni Tita. Hindi ko alam kung bakit gusto kong matapos nalang itong hapunan at makausap si Ryleigh ng pribado. Hindi ako mapakali na kahit nagtawanan silang dalawa dahil sa biro ni Tita, hindi ako nakasabay. Hindi nakatawa.

I have been observing Ryleigh. May nakahanda na akong tanong para sa pag-uusap na sisimulan ko pagkatapos ng dinner.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nagpaalam si Tita na mauuna na para magpahinga.

"I enjoyed the dinner," si Tita pagkatapos ng lahat lahat.

Ngumiti si Ryleigh. Saglit pa silang nagpaalaman bago ako binalingan ng tiyahin.

"Walk your boyfriend outside."

I flushed at her remark. Pero hindi nga lang mapagbigyan ang dumaang kilig sa puso ko nang naalala na nasa tabi ko pala si Ryleigh!

"Opo..."

We waited for her to leave the place before I turned to him. Nasa akin agad ang tingin niya.

"Didiretso ka ba sa bahay mo o sa mansyon ka na muna ngayong gabi?" tanong ko nang lumakad kami palabas.

"Sa bahay na ang punta ko," he said quietly.

Now I am really convinced that he's bothered, too. I silently held his hand with my fingers filling the spaces in between his fingers. Sa magkahawak na kamay ay diretso ang lakad namin patungong gate.

Although I want him to rest, I thought that a calm and peaceful talk would do a thing this night. Kaya imbes na tumuloy sa lakad, tumigil ako. Napansin agad iyon ni Ryleigh kaya tumigil din siya at nilingon ako.

"What's wrong?" he worried.

"What's bothering you, Rai?" hindi ko alam kung bakit iyon agad ang naitanong.

Sandaling natigil ang tingin niya sa akin. He thought of his answer thoroughly as if he's gauging my feelings. At ayaw ko no'n.

"Rai..." sabay haplos ko sa kamay niyang hawak ko. "You can tell me. My ears are a safe place for your feelings and thoughts."

Wala akong nakitang pag-aalinlangan sa kanya. Tingin ko'y wala namang kaso kung sasabihin niya ang mga iniisip niya kaya lang, pakiramdam ko ay iniisip niya na baka ako naman ang hindi mapapanatag sa malalaman.

I don't want him to hesitate so I assured him even more.

"We can talk it out in the garden. Walang tao ro'n at natutulog na rin si Tita."

I don't know if it was because of his sister's arrival that made him feels off now or he was just tired. Ganunpaman, kahit ano pang rason ng nararamdaman niya, gusto ko siyang pakinggan. Gusto kong malaman ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito. At kung pagod naman siya, gusto kong maging pahinga niya.

Handa na ako para ro'n. Kaya nang nasa garden na kami, atat na akong makinig sa kanya. There is only one available seat remaining. Pinabago kasi ni Tita ang garden at dahil ongoing pa ang pag-aayos, nasa ibang bakal na silya pa ang mga tanim na nakapaso.

"Come here..."

Naghahanap pa ako ng mauupuan, tinawag na ako ni Ryleigh. He was seated on the metal chair. I know what he meant by the call. Tahimik akong lumapit sa kanya at patalikod na naupo sa kanyang mga hita.

He wrapped his arms around my waist to lock me in my position. I suddenly got conscious of my weight. Hindi tuloy ako masyadong gumalaw para naman hindi dumagdag sa bigat ko ang lahat ng pagkilos.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon