WakasTumikhim ako at inayos ang sarili. Sanay naman ako na tinititigan ni Ryleigh, e. Pero ewan ko ba at naiilang ako sa tingin niya ngayon.
"I just have to adjust your tie..."
Simpleng bagay lang pero kinakabahan talaga ako. I mean, who wouldn't? Ryleigh is silently observing me while I am adjusting his tie.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to pero ang sabi ni Mama ay dapat inaasikaso ko ang asawa ko. I am just not sure if this includes that. Mukhang ayaw naman ni Ryleigh na inaayos ko ang tie niya.
"We are going to visit the Lazartes in Palmes today. Hindi ko alam kung kailan kami makakauwi. Itetext na lang kita kapag pauwi na kami," hila ko ng mapag-uusapan para kahit paano ay matanggal ang ilang ko.
"Maaga ang uwi ko ngayon. Susunod kami ni Jarrie."
"You sure? Hindi ka ba mapapagod sa biyahe?"
It's not that I want him away. Pero kung pagkatapos ng trabaho niya ay susunod agad sila ng anak namin sa Palmes, baka hassle lang. Susunduin niya pa si Jarrie sa eskwelahan.
He smiled. "That's okay, darling. Susunod kami sa'yo."
Pagod lang naman niya ang inaalala ko. Maliban do'n, wala na akong mahanap na ibang rason para huwag siyang payagan. I smiled and nodded.
"You enjoy, alright?" he reminded me together with a quick kiss.
"Hihintayin ko kayo."
Pagkatapos ng kasal ay bumalik na rin kami sa bahay niya. We decided not to have honeymoon yet. Focus na muna sa trabaho at sa anak. Also, we need to prepare for Syda and Rayo's wedding. Siguro ilang buwan pagkatapos ng kasal nila, magpapakasal ulit kami ni Ryleigh. Our second wedding with the Fidallegos and other close friends.
Hindi naman kami nagmamadaling dalawa. Sa totoo lang, mas excited pa sila Mama na maghoneymoon kami! And of course, I exactly know why!
"Lalaki ang gusto ko..."
I don't think I will ever forget Mama's whisper to me after the wedding! Buti at hindi na narinig ni Ryleigh at ni Papa dahil sigurado ako na tutuksuhin na naman ako ng mga 'yon! At hindi rin maganda na nandoon pa si Miquesa!
I am contented with our simple life. I am satisfied with my family. I don't think there is something that I could wish for.
I have my home. I have my family. I got a stable job. I am free. I am happy. I am living my dream. Do I lack of something? I don't think so.
Ilang buwan din kaming nagsama ni Ryleigh bago pa kami naikasal kaya dapat sanay na ako sa kanya. Yes, I am used to him. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko naninibago ako. It feels like living with him and taking care of our family is a first time to me. All feels new and unusual. Parang kailangan ko ulit kabisaduhin.
Siguro... dahil bagong kasal kami? Maybe... I am now titled as his wife. And I have all the rights and responsibility?
Baka nga... siguro...
Davao and Altaguirre feel so different from Palmes. Kung dahil ba sa hindi ako madalas dito o sadyang naninibago lang ako kaya ko nasasabing ibang iba ang mga lalawigan. Or maybe, I am just used to my home. Palmes is not my home but a familiar place to me.
Ngumiti ako at agad na niyakap ang babaeng hindi ko kilala. My mother introduced her as my Tita. Hindi na ako nagtanong pa at nakipagbatian na lang.
Nilingon ko ang paligid. So this is the Lazarte empire. Ang balwarte ng angkan na halos makalimutan na ng mga henerasyon. Papa's generation left the place after marriage to be with their family. Siya sumama kay Mama sa Davao, ang kapatid na babae na sumama sa asawa sa Solarez, at si Tito na sumama kay Tita sa Altaguirre. Most of their cousins left their home, too.
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...