Kabanata 30
Getting Over"Hindi naman madali, Sanja. Masakit pa rin pero nakakaya ko na kahit paano. The kids help a lot."
I smiled at Sidon. Kanina pa nakapasok si Jarrie na si Mika agad ang hinanap pagkarating. She bid her goodbye shortly, excited to play with Mika again.
"That's good to hear. Pasensya ka na talaga, Sidon, kung hindi ako nakakadalaw ng madalas."
Ngumiti siya at makahulugang sumulyap kay Ryleigh.
"I understand, Sanja. You are having your family now with Ryleigh. Ilang taon din ang nasayang kaya kailangan ninyong bumawi sa isa't isa. Heidi will be so happy about this..."
My brows shot up and shamelessly looked at Ryleigh. He is staring at me intently, looking so fine with Sidon's remark. Binawi ko ang tingin sa kanya at binalingan ulit si Sidon.
"Mali ang iniisip mo. We are not together. Hinihintay ko lang ang pag-uwi ni Jarrie at lilipat din ako kay Tita."
Hindi ako sigurado kung tama ang sinabi ko. Ganunpaman, dapat ko pa ring klaruhin kay Sidon na mali ang iniisip niya. I have to wrong his idea about us... cuz there is no us existing in the first place.
Pero mukhang hindi iyon nagustuhan ni Ryleigh. Alam kong nagkasundo kami kanina na magdedate ngayon bilang ang anak ko na rin naman ang nagdesisyon para sa akin, ano pang magagawa ko?
But he is back in his silence when we left Sidon's house. Halos habulin ko na ang lakad niya papunta sa sasakyan. Ngunit hindi ko siya tinawag. I just tried to equate his fast walk and followed, afraid that he might get annoyed at my call.
Wala talaga sa plano ko ang paunlakan ang aya ni Ryleigh ng date. Ewan ko ba kung bakit parang ang damot damot ko sa kanya. I returned to Brian's invitation for a date but when Ryleigh asked me out, I could not let myself say yes right away. Kinailangan ko pa ang desisyon ng anak bago tuluyang pumayag.
I'm glad that Ryleigh drove straight to the house. Inisip ko na may trabaho siya, at may trabaho rin ako, mas maganda kung dito lang kami sa bahay! Hindi na kami dalaga at binata para malayang mag-date sa labas. We have works to mind so going out is, for some reason, just a waste of time.
"Where do you want to go?" tanong niya nang nakapasok na kami.
Natigil ako sa lakad at takang nilingon siya. I am on the staircase while he is heading towards the kitchen. Baka nauhaw at gustong uminom.
"Huh? Tuloy pa ba tayo sa date?"
He raised his brow. "Now you are backing out again because our daughter is not here," may diin niyang sinabi.
I blocked the guilt trying to seep in me. Siyempre! Hindi naman ako magbaback out. Bakit ako magiguilty? Ang akin lang, umuwi na kami kaya akala ko cancel na ang date namin.
Suminghap ako. "We have works to do, Rai. Pero kung gusto mo talaga, we can do an indoor date. Dito lang... sa bahay."
"House dates? Just like before," he licked his lips and slowly nodded. "Bring your things in the Study. I'll date you there."
Lito ko siyang sinundan ng tingin na tumuloy sa kusina. Kumurap kurap at nagkibit balikat bago ko tinuloy ang lakad papuntang kwarto.
I have been working here in my room. O kung hindi man sa kwarto, sa ibang parte ng bahay. Sa terasa, sa garden, o kahit saan na komportable ako. I suddenly doubt my supposed confidence working in his Study. And it does not help that Ryleigh's presence makes me feel anxious!
I changed my clothes into a long white dress. Nag-retouch sandali para... para maganda akong habang nagtatrabaho! This is not about Ryleigh anymore!
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...