Kabanata 8

536 16 10
                                    


Kabanata 8
Failed


"I rejected him many times! Ang tibay lang talaga ni Sidon at nagagawa pa rin akong kulitin kahit pa halos ipagtabuyan ko na," Heidi ranted.

"Bakit hindi mo nalang kasi sagutin? O kahit pagbigyan man lang. I think he's a perfect fit for you."

Hindi na ako nakisali pa sa kanilang dalawa. Imbes ay nagsalin na ng alak sa baso sabay abot kay Heidi.

"I am not open to relationships, Mique," matabang niyang sinabi.

Ambang iinumin na ang alak nang biglang natigilan dahil sa nakita. Heidi glared at me while showing me the drink. I shot my brows up to show innocence.

"Hindi ko talaga gusto kapag ikaw ang tanggero, Sanja! Nasa dulo na ba ako ng awa mo?" she hissed and looked at the drink again.

Napatingin din tuloy ako ro'n. Saka lang natanto na halos mapuno ko na pala ang baso ng alak! Hindi maganda 'yon lalo pa't mataas ang alcohol percentage ng iniinom namin ngayon.

"Ibuhos mo nalang ang kalahati," suhestyon ko na hindi gaanong pinag-isipan.

Nagkatinginan sila ni Mique. Umiling si Heidi at ininom iyon sa isang bagsakan. Akala ko'y iaabot na sa akin ang baso para salinan ulit nang siya na ang naglagay ng alak.

"Kanina ka pa tahimik. Are you with us?" si Mique sabay tanggap nung baso na iniabot ni Heidi.

The next shot is mine.

"Wala naman," pagsisinungaling ko pa sabay dala ng tingin sa harap.

Maganda talaga ang tanawin dito sa kapatagan. Malapit sa kakahuyan sa pusod ng nayon at may iilan pang nangangabayo sa malayong banda.

I watched the galloping horses as the owners maneuvered them. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko ro'n pero may paraan pa rin si Ryleigh na pumuslit sa isip ko.

I tried so hard to shrug his view off my mind. Pero habang pinipilit ko, mas lalo ko lang naiisip.

Hindi ko alam kung paano ko natakasan ang hiyang inabot ko nung araw na 'yon. The staffs were all stunned with our view. And I was embarrassed to death! Pero si Ryleigh? Umayos lang ng tayo at mukhang hindi naapektuhan sa nangyari!

"Narinig ko ang nangyari. Kalat na kalat na sa campus ang balitang kayo ni Ryleigh," si Heidi.

Nanliit ang mga mata kong bumaling sa kanya. I accepted the glass for my turn and drink it.

"Hindi naman kami," saka ko inis na binalingan si Miquesa. "Kasalanan mo 'yon! I can't imagine Misty's rage, Mique. Alam mo namang baliw ang babaeng 'yon kay Ryleigh!"

Miquesa laughed at me. Mas lalo tuloy akong nainis at may kaonting insulto na ngayon.

Tama nga at naging usap usapan sa buong campus ang nangyari. Sinubukan ko namang itanggi pero sa dami ng nakakita, at sa mga naunang isyu na kumalat tungkol sa amin, hindi ko na kinaya na isa isahing pabulaanan.

While I was confidently wandering around the campus, with the thought of having a clean and honored name, people were already talking behind my back! Na may hinala na pala sila na ako 'yong may suot ng t-shirt ni Rai pero hirap lang na makompirma.

Ang daming nagtanong pero wala akong pinaunalakan. Dahil hindi ko naman na mapabulaanan, hindi ko rin ito kinompirma. I ran from their curiosity ang settled with the issues. I was so against it but what can I do? Let it pass.

Nakatulong din naman na christmas break na kaya mas makakaiwas ako sa lahat ng isyu. Sa halos dalawang linggo na may kanya kanya kaming buhay, siguro naman ay sapat na 'yon para makalimutan nila ang tungkol sa amin.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon