Kabanata 35

459 14 1
                                    


Kabanata 35
Unti-Unti







Silence is what I need. It is what consoles my heart. I can think of things when the world is quiet. I want silence. It is so overwhelming that it even drowns Iñigo's voice.

Tumatalbog lang sa tenga ko ang ingay ng gabi. Nilulunod ng distansya ang boses ni Iñigo na kanina pa ako hinahabol. His footsteps chased me when I am about to enter the premises of my parents' house.

"Alam kong hindi ka okay," nag-aalala niyang hinuli ang kamay ko.

I feel so weak to even think of getting off his hand on my arm. Tamad ko lang siyang nilingon.

"You don't have to worry," I assured him even if I can't fool myself that I feel fine.

Simply because I am not fine. I can't make lies about what I feel cuz my mind knows it. My body feels it. My soul is crying for help. I need my rest. I need my home.

"Can you please admit that you need someone to lean on? Kahit ngayon lang, Sanja. Hindi ka pa ba pagod na pagtakpan ang nararamdaman mo?"

He is almost irritated. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagsinungaling ako o naiirita siya dahil pinipilit ko siya na ayos lang ako. I don't know. I can't tell.

"I need rest..."

Lumakad ulit ako papasok ng bahay. Wala akong panahon para pansinin pa ang paligid. Lulong ako sa mga naiisip. Laging tulala at wala sa sarili simula nang umalis kami sa bahay ni Alani.

Her name irks me. Ayaw kong pag-usapan siya dahil naiirita ako sa tuwing naaalala ko kung paano niya pinagdudahan ang anak ko. Matatanggap ko pa ang mga paratang niya para sa akin pero pagdating sa anak ko, hindi ko kayang magtimpi.

It amused me how I managed to calm myself during that heated argument. Kung sa respeto ko ba 'yon para sa kanya o sa guilty na nararamdaman ko kaya hindi ako makasagot sagot, hindi ko na alam. But whatever it is that held back the monster in me, I am thankful for it.

O kung naniniwala man ako sa mga sinasabi niya... siguro nakukumbinsi ako... wala na akong pakealam.

Sumunod si Iñigo sa akin kahit pa sa loob ng bahay. Handa na akong buksan ang ilaw. Natigilan nga lang nang pagpasok ko, nadatnan agad ang mag-anak sa tanggapan. Mukhang kararating lang din nila dahil hila hila pa ng dalawang kasambahay ang mga maletang dala nila.

I saw them stunned. Lumalagpas ang tingin sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin iyon dahil alam kong si Iñigo ang dahilan ng pagtataka at gulat nila ngayon.

Kung sa pagod ko ba o sa gulat din kaya hindi ako maka-imik ngayon ay wala akong ideya. I couldn't make a reaction out of their view right now. Hindi magawang tingnan si Ryleigh dahil alam kong kapag nagkatinginan kami, masasaktan ako ng lubos.

"Good evening..." bati ni Iñigo na ngayon lang nakabawi sa gulat.

I didn't know that they are coming home. How was I supposed to know? Hindi rin naman ata nila pinaalam.

O baka hindi ko rin napansin ang tawag at text nila...

I feel guilty as I checked my phone. Ilang texts ang natanggap ko mula kay Ryleigh. Ilang missed calls kay Papa at dalawang text mula kay Mama.

Hindi ko na binuksan pa ang mga iyon dahil nandito naman na sila. Nakauwi na. Masaya. Kontento sa naging lakad. Payapa. Kalmado.

"Mama!" Jarrie is always enthusiastic.

Ni hindi ako maka-imik. Akala ko maayos akong makakauwi ng bahay. Sa naging biyahe pauwi, akala ko humupa na ang galit at sakit na ginawa ni Alani sa puso ko. But when my daughter hugged me, I teared up. I realized that my pain didn't quench even just so a little.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon