Kabanata 37
Blood of a Fidallego"Ewan ko ba, Sanja. Natatangahan talaga ako sa'yo. Imagine, that kind of love you and Ryleigh have is too strong to survive for years despite challenges tapos sa isang utos lang ng kapatid niya, handa kang itapon? Sasayangin mo 'yong pagmamahal na hindi mamatay matay!"
Miquesa is already blunt. But her words are all upfront and sharp whenever she is stressed or frustrated. Good thing that I know and used to her. Dahil kung hindi, baka nasaktan na ako sa sinabi niya.
At siguro, kaya nagagawa ko pang matawa sa sinabi niya ay dahil hindi na big deal sa akin 'yon. I have long accepted my stupidity and got over my impulsive decision.
"I was caught off guard by my guilt, okay? Then Alani's words cornered my confidence kaya hindi agad ako nakapag-isip ng mabuti," natatawa kong depensa.
Miquesa is really frustrated at me. Inirapan ako at nailing.
"I still don't get you. Muntik nang mawalan ng Papa si Jarrie! At ikaw, magiging single mommy na sana forever!"
"I doubt it. May mga manliligaw naman, Mique, kaya malabong single mom ako sa buong buhay ko. Siyempre, kapag may nahanap naman akong matinong lalaki na pwedeng maging papa ni Jarrie, why not? I am not closing my doors."
"Sus! Stop all the lies. Ayan na naman tayo sa padeny deny mo, Sanja. You sure to have suitors... line of suitors! Pero sa kabaliwan mo kay Ryleigh? Diskumpyado ako. Hindi ako naniniwala, at sigurado ako na hinding hindi mo mapapalitan si Ryleigh."
Umismid ako. Sa parteng iyon ata ako nainsulto! Handa na akong depensahan ang sarili ko nang inunahan agad ni Miquesa.
"Oh! Dedepensa pa! I know you too well, Sanja. Sa lahat ng nireto ko noon na tinanggihan mo, hindi na ako madadala sa mga salita mo. You are not convincing me, alright? You convince yourself. Mas kailangan mo 'yan."
Sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba 'yon o ikakatampo ko sa kaibigan. Kababalik lang nila ng Pilipinas. Masaya naman ang honeymoon nila ni Greyson kaya hindi ko alam ba't ganito ang ugali ng kaibigan ko ngayon.
"Mabalik tayo kay Alani," she probed and ignored my glare. "I can't believe that what she said made you doubt yourself. I mean... you know who you are tapos nagawa mo pang maniwala sa babaeng 'yon!"
Pinandilatan ko agad siya nang medjo tumaas na ang boses niya. Nasa sala kami at nasa pinakatanggapan naman sila Tita. We are at a distance but Miquesa's voice might reach them! Nandoon din si Ryleigh!
"Siyempre, kapatid siya ni Ryleigh. A supermodel, a woman with power, and a powerhouse name, Mique. Who wouldn't feel low and insulted?" I said matter of factly.
Saglit siyang napaisip.
"Kung sabagay... pero sana naalala mo man lang na hindi siya ang pakakasalan mo! Pleasing her might be really a help but it is not necessary, Sanja. Mukhang itutuloy naman ni Ryleigh ang kasal tanggapin ka man o hindi ng ate niya, noh!"
That was what I forgot to remember that night. My confidence was easily swayed by Alani's insults. I was too clouded by guilt to even think of Ryleigh's love for me. At sa pag-uusap namin ni Miquesa ngayon, natatangahan na rin ako sa sarili ko!
"If Heidi is here, for sure she is mad at you."
Nakatinginan kami.
"What do you mean?" lito kong tanong.
Bumuntonghininga siya. "Heidi knows you too well, my dear. Alam niya kung ano ang likot ng isip mo at kung gaano mo ka mahal ang ama ng anak mo. You still don't get it? About the betrayal?"
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...