Kabanata 12
SulkUnti unti akong umatras sa gate para hayaan ang babaeng pagbuksan kami ni Miquesa. Malaki ang simpleng bahay nina Sidon. Maespasyo sa loob lalo na sa likod bahay kung nasaan ang maliit nilang garden. Pagkapasok ko, iyon agad ang hinanap ng mga mata.
"Naipagpaalam ko na kay Sidon na bibisita tayo kay Heidi. Inaasahan na tayo rito, hindi ko lang alam sa kaibigan natin," daldal pa sa akin ni Miquesa habang nakasunod kami sa babae.
May lakad si Tita para sa araw na 'to. Pupunta sila ng Solarez magkakaibigan para subukan ang bagong spa roon kaya may pagkakataon akong umalis ng bahay. Ang sabi niya ay sa pasukan pa kami babalik sa dati pero kahapon ay nagbago ang desisyon niya. She already permitted me to go out and explore the town with my friends.
Napaisip ako pero hindi na rin kinuwestyon pa ang pagbabago niya ng isip. I was thankful for it dahil sumabay iyon sa aya ni Miquesa na pasurpresang bumisita kay Heidi sa trabaho. She's free for today so what a perfect chance to spend time together!
Gaya ng sabi niya, alam na nga ni Sidon na bibisita kami. Pumayag naman siya dahil matagal na silang magkaibigan ni Miquesa at tingin ko'y malaki ang tama niya kay Heidi kaya pa-good shot siya sa aming mga kaibigan.
"Buti at nakadalaw po kayo, Ate Mique? Madalang na kasing may bisita si Kuya lalo na nung nawala si Kuya Alfeo," sabi pa nung babae.
Nilingon ko si Miquesa. She smiled at me in worry so I had to smile back to ease what she feels. Alam ko kung bakit iyon ang ngiting naibigay niya sa akin.
I haven't totally moved on from what Misty and Alfeo did to me. Pero base sa sinabi ng kapatid ni Sidon, nawala nga ito sa Altaguirre kaya hindi ko na rin gaanong napagtutuonan pa 'yon ng pansin. And for Misty, I heard she's just hiding somewhere else.
"Uh, oo. Ngayon lang kasi may oras."
Pare pareho kaming natigilan nang pagliko namin sa pasilyo diretso sa hardin, si Heidi at Sidon agad ang natanaw. Mariin ang titig ni Heidi kay Sidon habang malambot naman ang tingin nito sa kanya.
Kita ko kung paano humigpit ang hawak ni Heidi sa braso ni Sidon na nakaalalay sa kanya. At this view, I concluded that Heidi was about to fall and Sidon was alert to prevent it from happening. Pareho silang nasa sementadong hagdanan at nasa pahigang posisyon.
"Kuya!" sigaw nung babae nang makabawi.
Sidon smirked before he turned to glance us. Namilog ang mga mata at halata ang panic nang matanaw kaming tatlo. Iritado kaming binalingan ni Heidi, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nang nakita kaming nakatingin sa kanila.
She kept her cool and slowly gained her balance. Pagkatapos matansya ang tayo ay umayos siya saka iniwan si Sidon na hirap pang bumawi sa gulat.
"What a scene, Heid," biro agad ni Miquesa nang nakalapit sa amin ang kaibigan.
Naiwan kaming tatlo nang tinakbo nung babae ang kuya niya para sa isang hampas sa braso.
"Bakit mo nilalandi si Ate Heidi?!" I heard her whine.
"Stop it, Miquesa. Wala ako sa mood," mapait na tugon ni Heidi.
"Bakit wala ka sa mood? Naistorbo namin kayo?" Mique laughed. "Sabihin mo lang, sa susunod nalang kami bibisita ulit."
Inirapan niya si Mique sabay baling sa akin. I smiled awkwardly.
"Pinayagan ka na?" she pointed out my freedom.
Tumango ako, kalmado pa rin kahit may kaonting gulat pa.
"Oo, kahapon lang."
She nodded and wiped off her sweat on her forehead. Bumaba ang tingin ko sa damit niya. A plain gray shirt and a maong pedal shorts completed her look. May buhok pa na bahagyang nagulo at mamasa masa.
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...