Kabanata 2

804 22 8
                                    


Kabanata 2
Strategy






"This weekend, Sanja. Huwag mong kalimutan. Hihintayin ka namin."

Saglit kong iniwan ang kausap sa cellphone para tanguan si Alfeo sa paalala niya. Kita ko sina Sidon at Miquesa sa likod niya na ngumiti lang sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanila.

"Sure! I'll be there."

Nagawa pa akong kindatan ni Alfeo bago siya umalis kasama ang dalawang kaibigan. Hindi pa man ako nakakasiguradong wala na nga sila sa canteen ay inagaw na agad ni Heidi ang atensyon ko.

"Sino 'yon? Bagong kaibigan? Boses ng lalaki, Sanja, ah," she snapped, teasing.

I cleared my throat. Tinusok ang maliit na piraso ng karne sa plato ko pero hindi iyon kinain, pinaglaruan lang.

"I made some friends yesterday. Ayaw ko sana pero naisip ko na magandang may grupo ako rito para naman hindi ako ma-behind. They seemed nice so I accepted their introductions."

I figured that out. Altaguirre is new to me... or I am new in here. Naisip ko na hindi makakatulong kung wala akong kaibigan o kahit kakilala man lang. Of course I have my blockmates. Ang ibig kong sabihin ay ang grupo na pwede kong makasama sa labas nitong university.

Kahapon, may iilang lumapit. It was a surprise to me to see a few faces smiling at me while I was in front of the class for an introduction. Pagkabalik ng silya ay agad na nilapitan para sa alok na pagkakaibigan.

Gaya nga ng sabi ko, I am warm. I am used to warmth and people must've liked my flame that it interests them. The ember of my fire must have looked so attractive that even if it burns people, they forget it and still come to me for a connection.

"I am Alfeo... and these are my friends."

At sa lahat ng nagpakilala, doon ako sa tatlo bumagsak dahil maliban sa tatlo lang sila, mukhang matitino rin... sa unang tingin.

"Oh? So anong lakad ninyo this weekend?"

I smacked my lips to think about it. Ibinaba ko ang tinidor at kinuha ang baso ng tubig para uminom. Hindi ko sinasadyang mapunta ang tingin sa entrance ng canteen at natanaw ang papasok na mga Fidallego.

Bumagal ang inom ko nang tumama ang tingin ni Ryleigh sa akin. Ayaw ko sanang isipin na napansin niya agad ako pero pagpasok pa lang niya, nasa akin agad ang tingin.

"Sa kapatagan, Heid. Mag-iinuman..."

Sinadya kong hinaan ang boses dahil sa kaonting hiya. Napapaisip na kung tama ba ang pakikipagkaibigan ko sa tatlo. Their innocent faces were a facade at all!

Pero kung tutuusin, noon pa man ay umiinom na rin ako kasama sina Heidi kaya hindi magandang magmalinis ako ngayon. I am not a hypocrite!

"That sounds nice! Pero sana kung kami ang kasama mo. Do you think it's safe? Hindi mo pa masyadong kilala ang mga 'yan. Paano kung may ibang motibo?" may pangamba sa tono niya.

"I don't think so. Ang sabi sa akin ay marami kami. Kasama raw ang ibang mga kakilala sa ibang department," sabi ko dahil napag-isipan ko na rin naman 'to bago ako pumayag.

She sighed. "You are leaving me no choice, dear."

I put the glass down and glanced at Terrell when Ryleigh's gaze remained a little longer. Hindi ko matagalan. Isa pa, ayaw ko rin na habang kausap ko si Heidi, may iritasyon sa boses ko.

"What do you mean?" tanong ko at tuluyan nang iniwan ang kinakain.

"Secret," sinadya niyang magtunog nang-iintriga na sinabayan pa ng tawa.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon