Kabanata 32

512 16 9
                                    


Kabanata 32
Reasons






Know when to stop.

Don't fight the tide.

Let the waves pull you to the shore.

Sumuko na ako. Ayaw ko nang makipaglaban pa sa mga alon. Naisip ko na... baka tama na.

At this point, I am choosing Ryleigh above anything else. He is now my choice after all the uncertainties that had happened. Naging malabo ang mga nagdaang panahon para sa aming dalawa. I did not even dare to think that we stand a chance.

Iniwan ko siya. Siya naman ay bigla na lang nawala. Ang daming nangyari sa pagitan namin na ikinaubos ng pag-asa ko. O kung umasa man ako, iyon ay ang makilala niya man lang ang anak namin. Kahit hindi na ako. Kahit bumalik na lang siya para sa anak namin.

I lived a life for years together with my daughter... us alone. Inaamin ko na kahit ilang beses kong sinabi na hindi ko kailanman kailangan ng lalaki para sa pagpapalaki ng anak, gusto ko pa rin na sana... may katuwang ako.

May lumbay sa puso ko. May pag-aalinlangan. May pangamba. At mas lalong may takot.

When he came back, his presence might have blown my worries away. Maybe... he was the one my heart has been waiting to come back. To fulfill the hallow space in my heart. To tend my wounds. To forgive my shortcomings. To fill in the lapses. And someone to serve justice to all my sorrows.

Kaya ngayong may pagkakataon kami, hindi ko ata kakayaning palagpasin pa ito.

Everyone is not granted a special chance by the heavens. Not all love is lucky enough to survive and stand still after a downfall. Not all heart is strong enough to win a hopeless battle. Only few are victorious to overcome a war their souls have been to.

And it is safe to say that Ryleigh and I made it through. Oo, siguro nga masyado pang maaga para mapanatag dahil hindi pa naman kami nanunumpa. But my will to marry him assured me that one day, we will end up being each other's other half.

"Are you sure about this?"

I held his hand. Mag-iisang minuto na ata kami rito sa labas ng bahay ni Tita. Magpapakasal kami. Napag-usapan na namin 'yon pero nagkasundo rin kami na ipaalam kina Tita ang tungkol sa plano namin. I told myself I've changed. Kung noon ay kaya kong magsinungaling at magtago ng nararamdaman, ngayon ay hindi ko na kakayanin pang maglihim sa pamilya ko.

Ryleigh agreed. Sa katunayan, siya pa ang may gusto na kapag ikinasal kami, dapat nandoon ang mga mahal ko sa buhay. I worried about him, though. He made an escape. He rebelled... for an unknown reason. Ilang taon din siyang hindi nagparamdam sa mundo kaya baka binabagabag siya ng biglang desisyon.

I know this man so well. Even if it doesn't make him comfortable, as long as it will benefit me, he will make it happen. Na kahit hindi masaya ang iba, pakealam niya? Para naman sa akin. Para sa amin.

Nilingon niya ako. "Everything for us, Sanja. Sigurado ako."

My hold on his hand tightened to comfort him a bit. Sabay kaming pumasok samantalang kanina pa nasa loob si Jarrie. Malapit pa man kami sa pintuan, narinig ko na ang tawanan nina Tita.

"Nasa tanggapan po sila, Ma'am Sanja," nahihiyang iginiya kami ng kasambahay sa kinaroroonan ng tiyahin ko.

Tahimik naman kaming sumunod. My heart melt at their view. Si Jarrie na tumatakbo sa tanggapan habang sunod ng sunod si Tita sa kanya. She seemed cautious of my daughter's frantic movements. Baka tumama sa couch o sa mga banga sa tabi.

"Tita..."

She stopped on her trail and turned to see me. Ngumiti siya nang nakita ako. Hindi nga lang nagtagal ang ngiting iyon dahil inunahan siya ng kaonting gulat matapos makita si Ryleigh sa aking tabi.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon