Kabanata 14
Reject"May lakad ako. Matatagalan, baka mamayang gabi pa ang uwi ko. Are you fine here?"
"Opo, Tita."
Saglit niyang inayos ang manggas ng suot niya. She looks intimidating in her white dress with pencil cut skirt. Tingin ko'y pormal na lakad ang meron siya ngayon kaya naghanda siya ng mabuti.
"Don't go home drunk again, Sanja. You can invite your friends to come over if you want to have some fun. I'm just bothered to see a man bringing you home, almost wasted."
Namilog ang mga mata ko. "Po?"
She glanced at me. Saglit na nagtagal ang tingin na para bang kinukompirma na wala akong maalala sa nangyari kagabi.
Well, I woke up this morning with hangover. Hindi naman ako gaanong tinamaan kahapon. Ewan ko kung anong nangyari at nalasing ako.
"Hinatid ka kagabi ng binatang Fidallego."
Kuryuso kong pinagmasdan ang pag-alis ni Tita pagkatapos sabihin 'yon. I wanted to ask her questions but before I could even utter a single thing, she already shut the door of my room.
Inabot ko ang cellphone sa bedside table para tawagan si Terrell. Teka... si Terrell nga ba 'yon? Paano kung si Rayo?
Hinanap ko ang pangalan ni Terrell. Iniisip na sa kanya ako magpapasalamat at kung si Rayo naman ang naghatid sa akin, susubukan kong ipakausap siya sa akin.
"Hi, good morning!" salubong ko sa kabilang linya.
"Oh, hi! Good morning, Sanja!" medjo nag-aalangan siyang batiin ako. "Napatawag ka?"
"Nasabi sa akin ni Tita na hinatid daw ako kagabi ng isang Fidallego. Was it you?"
Natahimik ang kabilang linya.
"Terrell?"
"It's not me," mahina niyang sabi.
Tumango ako. "So si Rayo?"
"Bakit? Magpapasalamat ka?"
"Oo. At magsosorry na rin. Nakaabala pa ako sa kanya."
He sighed. "I'm afraid that your feelings are bound to a wrong address. Wala sa amin ni Rayo ang naghatid sa'yo."
My brows shut. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong gising ako o hindi ko talaga makuha ang sinabi ni Terrell.
Sino ba?
"You should talk it out with Ryleigh, Sanja."
I couldn't grasp a thing.
"Pag-usapan ang alin?" nakakahiyang lutang ako habang kausap si Terrell.
"Siya ang naghatid sa'yo. The last time I checked, he was mad. If you have time, please do visit him. Nasa bahay niya."
Umawang ang labi ko. I know I have hangover. Pero sa sinabi ni Terrell, parang nawala ang nararamdaman ko at agad na binundol ng kaba ang dibdib.
Pinutol ko ang tawag, hindi na nakapagpaalam. I know Terrell. He likes to tease me. Madalas niya pa nga akong tinutukso noon sa pinsan niya na para bang botong boto siya sa amin. Posible kayang pinagtitripan niya na naman ako ngayon?
Pwede naman. He might know that I'm a total space cadet right now knowing that I just woke up. And I really am during the call!
Ayaw kong intindihin ang kalokohan ni Terrell. Mas mabuti pang mag-ayos nalang ako nang makababa na at makakain.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng higaan nang may pumasok na text. Tinapos ko na muna ang ginagawa bago ko pinaunlakan ang mensahe.
Heidi:
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...