Kabanata 33

428 11 0
                                    


Kabanata 33
Regrets





She loves my daughter. She loves Jarrie. I know that. And I have been reminding myself about it many times now. I refuse to think that she hates her. Or my daughter's existence is nothing for her.

"Jana refused to join the dinner," may panghihinayang sa boses ni Papa nang ipaalam sa amin ang pagtanggi ng asawa na dumalo sa hapunan.

My lips stretched for a weak smile. I don't want Papa to worry about me. He has been so concern of it. Gusto kong ngayon, hindi niya muna isipin ang mararamdaman ko.

Although I have to admit to myself that Mama's refusal hurt me, I don't want my disappointment register on my face. That is the last thing I want to happen tonight.

Naisip ko na rin naman 'yon kanina habang nasa biyahe pa kami. Papa saw this coming. Nabanggit niya na kay Mama na bibisita kami. Makikipag-usap para maayos ang hindi pagkakaintindihan. But just like how it went tonight, she manifested signs of refusal.

May kaonting gulat pa ako na hindi nga siya nagpakita sa hapunan, unti unti namang nakabawi nang hiningi ni Papa na magkausap sila ng pribado ni Ryleigh, nakakita agad ako ng pagkakataon na puntahan si Mama sa kwarto niya.

Jarrie wanted to go with me. Mama must be really guilty that seeing my daughter would make her drown in guilt even more. Gusto ko man na ipakilala si Jarrie sa lola niya, hindi ko na lang din pinilit.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng isang pamilyar na kwarto. The house didn't change at all. Oo, may kaonting pagbabago pero sa labas lang naman iyon. They changed the landscape of the garden. Ngunit ang labas maging ang loob ng bahay ay pareho pa rin kung ano ko iniwan ito noon.

I remember it so well. Siyempre, dito ko naranasan ang mga paghihirap ko. Matitinding paghihirap. Dito ako madalas na tulala sa tuwing nawawala ako sa sarili. Lumilipad man sa kung saan ang isip ko, nasasaulo na pala ng mga mata ang itsura ng bahay.

I let my fingers touched the cold wall of their room. Dito ako nakaupo noon habang nag-aaway ang mga magulang ko sa loob. Sa gawing ito ako ng bahay sumandal at nanghina. Dito sa bahaging ito... dito ko inisip na mamamatay na ako dahil sa nararamdaman kong hindi na kaya ng katawan... iyon pala buntis ako.

"Ma..." maingat kong tawag sa kanya.

Pangatlong katok ko na 'to at pangatlong beses na rin na inignora ng nanay. I sighed. Maiisip ko sanang tigilan na lang siya at hayaan kung hindi ko lang gusto na maayos kaming dalawa bago ako ikasal.

What my mother had done to me was awful. It was really cruel and some might consider it unforgivable. At some point in life, I also thought it was. There is no sugarcoating to it. There is no forgetting and forgiving. But there's a bond in between us. Na nanay ko siya at anak niya ako.

Kaya hindi... isang katok pa... isang katok pa kung kailan niya ako sa wakas pinagbuksan ng pinto.

"What do you want?" her voice almost broke.

Bumuntonghininga ako. Napansin ko 'yon. She tried to overwhelm her guilt by trying to be rude again. Just like how she was years ago.

Hinuli ko ng tingin ang kilos niyang magtatago sana sa likod ng pinto nang umamba akong papasok. Tumigil ako sa may hamba ng pinto at mula sa kinatatayuan ay sinilip siya.

"I want to see my mother," I said in a controlled voice.

Nahuli ko ang muntik nang pagkakabasag ng boses. I collected my act up as what I have planned before I went here. Hindi ako iiyak. Hindi ako magpapadala sa emosyon ko. I am hoping for a casual talk with my mother. Not a dramatic one. Not even an emotional conversation while tears keep falling down our cheeks.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon