Kabanata 7
Captured"Afternoon shift ako ngayon. Hindi ako mangangako pero susubukan kong humabol."
Wala sa sarili akong tumango kay Heidi habang nakatulala sa mataong school ground. Abala ang lahat sa kaliwa't kanang booth. Ngayon ang huling araw ng school fest kaya bumabawi ang mga estudyante sa mga araw na hindi sila nakabisita.
"Sayang din ang booth ninyo, Sanja. Mahaba pa rin ang pila kahit close na," si Miquesa sabay turo sa linya para sa booth namin.
Sinundan ko iyon ng tingin. Mahaba nga. Nagtataka ako kung bakit may linya pa rin kahit na inanunsyo na ni Clariz na sarado na kami. Sa katunayan, nililinis na nga ng mga kasama ko ang pwesto namin.
"They want to know their fortune," natawa ng kaonti si Heidi. "Bumalik ka na ro'n, Sanja. Maraming magpapahula."
I snorted. "It's not about the fake fortune. Look at the girls, they lined with the hope of seeing Ryleigh again. Ngayon lang naman 'yan dumagsa nung nalamang nagpahula si Ryleigh."
Gusto kong punahin ang pait na humalo sa boses. What I said was true. After Ryleigh's visit to our booth, students, especially girls, came to see him. Kaya lang hindi na ulit bumalik si Ryleigh.
He went back to his busy schedule. Siguro ay napilitan lang siyang pumunta dahil kay Terrell. Baka kinulit lang ng pinsan o ano.
Palapit na ako sa mga kasama para sana tumulong nang biglang may humarang sa akin. Apat na babae na nasa parehong uniform. Naningkit ang mga mata ko nang may napansin sa logo ng suot nila.
I got a bad feeling.
"Hi, good morning. Are you Ms. Sanja Lazarte?" the girl managed to ask despite my glare.
"Yes, why?"
Nagkatinginan ang dalawang nasa likod. Bumakas naman sa mukha nung may hawak ng papel ang hiya nang tumama ang tingin ko sa kanya. I secretly glanced at her paper.
"We are staffs from the marriage booth. One of our clients has listed your name for his bride. This was supposed to be done yesterday but you were busy with your booth so we would like---"
"Sorry but I can't participate," I said in a dismissive tone.
Nagkatinginan silang apat. Alam ko na labag sa loob ko na tanggapin ang role ko sa booth namin pero may naitulong din naman pala iyon. I could skip participation in other booth's activity!
"Sino ba ang groom?" singit ng boses kasabay ng kamay na umakbay sa akin.
I almost glared at Miquesa. Ngumiti siya bago binawi ng tingin para balingan ang apat.
"Si Alfeo po," maliit ang boses ng babae na halos magtago na sa likod ng kasama.
"Oh! Si Alfeo pala," Miquesa said meaningfully.
"What?" I mouthed, a bit irritated.
"Gusto ka palang dalhin sa simbahan," pang-aasar niya pa sabay kurot sa gilid ko.
Bago pa man ako makaangal ay hinarap na niya ang mga babae.
"I'm sorry, girls. Sanja can't marry him anymore. She's taken."
Namilog ang mga mata ko at bahagyang nagparte ang mga labi. Maging ang mga babae ay halatang nagulat din sa sinabi ng kaibigan ko.
"Po? Ang sabi ni Alfeo ay single naman itong si Ms. Lazarte kaya---"
"You got misinformation."
"Pero hindi po ba pwedeng pagbigyan? This is just a fake marriage. An activity for the school fest," singit pa ng isa.
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...