Kabanata 34
Worthless"Sigurado ka na ba, ija? Paper works can wait. Hindi ka naman minamadali sa trabaho mo."
"I know that, Papa. It's just that... I am delaying it too much. I'll be fine here, don't worry," I said, trying to dismiss the conversation.
Sukat ng tonong ginamit ko, alam na ni Papa na hindi na niya mababago pa ang desisyon ko. Ngunit may baka sakali pa rin. He glanced at Ryleigh, hopeful that he would help him to convince me.
Nagkatinginan kaming dalawa. No one's talking but our eyes were screaming our thoughts. Nagdadaldalan sa tingin, ngunit nanatili ako sa paninindigan ko na dito na lang sa bahay.
"Please go with us, Mama..." nakisali na rin ang anak ko na kumbinsihin ako.
I smiled and crouched to her eye level.
"I have works to do, darling. Sa susunod na lang ako sasama..."
Agad akong kinain ng konsensya ko sa sinabi. I have never done this to my daughter. I always put her on top of everything. Works don't go over my top priority--my dear Jarrie. Kaya hindi kakayanin ng konsensya ko kung pipilitin pa nila ako at patuloy naman akong tatanggi.
As much as possible, Jarrie's needs would be tended and served right away. Na kapag gusto niyang mamasyal kami, papayag agad ako at isasantabi muna ang trabaho. Laging anak ko ang mauuna... isa iyon sa mga naging prinsipyo ko nang naging ina na. But today is a different context. It is a different situation.
Kalaunan ay nakumbinsi ko rin sila na umalis na at iwan ako. Papa suggested to visit Sonnen Berg somewhere in Marilog. A two hour travel from our home. Nasa Davao pa rin kami at baka sa susunod na linggo pa ang uwi kaya sinusulit na nila ang mga araw ng pamamalagi namin dito. After their first drop off in Marilog, they will proceed to Bukidnon. At kung may oras pa, baka dumiretso na sila ng Cagayan.
Baka doon na rin sila magpalipas ng gabi. Rason kung bakit gusto nila na sumama ako dahil kung matuloy man na bukas ang uwi, hindi ako maiiwang mag-isa rito.
It is a good opportunity to spend time with my family. I mean hindi lang ang mag-ama ko kundi pati na rin ang mga magulang. Ilang taon ko rin ba silang hindi nakasama?
Not all good opportunities is a chance for me to take. Gaya ngayon, kahit gaano ko pa ka gusto na sumama, hindi ko magawa. Hindi pwede dahil magkikita kami ni Alani.
Muli kong binasa ang text na kanina lang pumasok.
Bryan:
I cancelled the place in Palmes. I'm in Davao. Dinner at our home.
-Alani Fidallego
Kanina ko pa iniisip kung bakit numero ni Bryan ang ginagamit ni Alani na pang-kontak sa akin kung pwede namang diretso na sa akin. She called me last night using her husband's number, too.
Halatang ayaw ni Ryleigh na sumama kina Papa at iwan ako rito mag-isa. Sinadya ko na ngayong umaga na nagpaalam dahil sigurado ako na kung kagabi ko pa ito sinabi, hindi rin tutuloy si Ryleigh. One of us should go for our daughter. Sure, Papa's gonna take care of Jarrie but she is still adjusting to her grandparents' vibe and presence.
Kung noong nakaraang gabi nga ay bumalik sa kwarto namin si Jarrie dahil hindi makatulog, paano na lang kung wala kami ng Papa niya sa lakad nila ngayon? Baka nasa biyahe pa lang sila ay bumalik na dahil gusto nang umuwi ng apo.
I used my work as my excuse. Maliban doon ay wala na akong ibang makitang valid reason para magpa-iwan. At nahanapan nga ni Papa ng alibi na hindi naman ako minamadali. Mabuti na lang at nakumbinsi ko rin sila!
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...