Kabanata 19

437 9 15
                                    


Kabanata 19
Responsibility




Ramdam na ramdam ko ang galit ni Mama sa malakas niyang sampal sa akin. Maagap na napigilan ni Papa ang kamay ng asawang sasampal sana ulit.

"I didn't raise you low and stubborn, Sanja! You are more than a freaking femme fatale! Where the hell is your mind? Your class?!"

Halos marindi ako sa sigaw ni Mama. Tahimik na nagsialisan ang mga kasambahay nang umalingawngaw ang boses ng nanay ko. Tita was at the corner, silent but obviously bothered. Samantalang si Papa ang kanina pa pumipigil sa halatang galit ni Mama.

Hindi ako sumagot. Suot ko pa ang damit ko kahapon na nagusot ng kaonti at bahagyang narumihan. Pagod na pagod ako mula sa lahat. Kaninang madaling araw, iniwan ko si Ryleigh nang hindi nagpapaalam. Dumiretso agad sa bahay para lang masampal ni Mama.

"Nasasaktan na ang anak mo!" si Papa matapos makatakas ng kamay ni Mama at sinampal ulit ako.

Pagalit siyang nilingon ng asawa. Mama gritted her teeth. "Hayaan mong masaktan nang magtanda! Hindi mo ba nakikita ang nangyayari sa anak mo, Sandro? Ang tigas na ng ulo! Sinusuway na ako!"

I wasn't surprised to hear that. In fact, I was expecting that. Kahapon pa lang sa handaan ay sinusuway ko na si Mama. She told me not to go out and please her guests. Business partners. Para saan? For a damn connection!

Ayaw kong balikan ang buhay ko noon sa Davao. My life in Altaguirre is liberate. It feels like an endless freedom for me who lived half of her life living in lies!

Altaguirre is the freedom of a thousand lies. I got introduced to a different vibe. A consistency of small changes in my existence.

Kaya hindi ako nakinig at umalis pa rin. Alam ko kung ano ang ikinagagalit niya ngayon. Sa tingin pa lang ni Tita sa akin na tila nagso-sorry, alam kong nahuli ako.

"At hindi ka pa nakuntento't doon ka pa nagpalipas ng gabi! Is that a deed of a decent woman? Have you forgotten your manners and class? O baka gusto mong kaladkarin kita pabalik ng Davao at ipaalala sa'yo kung ano ang dapat kilos ng marangal na babae?!" hindi pa pala tapos si Mama.

Palihim akong umirap. I don't want to counter her remarks at my thought of not wanting to disrespect her. She's my mother, I told myself. Sa isip ko, dinedepensahan ko na ang sarili. Hindi ko lang isinasatinig dahil alam kong sa oras na magsalita ako, magsisimula ang komprontasyon namin ni Mama.

"That's enough!" subok ulit ni Papa ngunit hindi nagpapigil si Mama.

"I can't believe you are letting this happen, Sandro! And if I know, you are part of this betrayal! Kayo ni Ate ang nag-usap na hayaan si Sanja na maging desperada sa lalaking 'yon!"

I was at the brink of my rage and yet I still remain calm.

Nasaktan ako. Nayanig ang pagiging kalmado ko sa sinabi ni Mama na... desperada ako. Totoo nga ba? Ginusto ko kayang maging desperada kay Ryleigh? Hindi naman 'di ba? Yes, I was desperate last night because I am so sure of him! At hindi ako naging desperada para lang sa isang gabi ng makamundong pagnanasa!

I am desperate for him because he is my boyfriend! Desperada ba kung maituturing kung dapat gano'n naman dapat ako sa kanya? Na parang araw araw nangungulila?

At hindi ba't siya naman ang nagsanay sa akin na maging desperada? She trained me how to chase a man for a selfish gain! I didn't have plans of using Ryleigh! He is my boyfriend because I love him and not for a stupid and pity reason!

"Ikaw, Ate? Bakit mo hinayaang umalis si Sanja kagabi? Gusto mo rin bang habulin niya si Ryleigh?" si Tita naman ang inatake ni Mama.

She looked at her sister with indifference. Nanatiling kalmado ang alon sa kabila ng banta ng bagyo.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon